CHAPTER 3

223 23 4
                                    


"Ija mabuti nalang at nakarating ka. Akala ko hindibka tinawagan nitong anak ko."

"Mama!!"

Nagawa pa talaga akong ipagkalulo.

"Ehem I brought a fruit platter for you ma'am." Agad namang kinuha ni mama ang hawak ni ma'am.

"Tita nalang ang itawag mo sakin. Hali na't kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain."

"Aba talaga naman iniwan ako."

Dumiretso lang naman sila ng dining tapos ako iniwan nila rito.

Nailing akong sumunod. Nakaupo si ma'am sa may right part ng mesa habang si mama naman ay pinagsisilbihan siya.

Buti pa siya may plato na ako wala pa.


Ako ba yung anak o siya tsk tsk.


Uupo na sana ako sa kaharapan nito ng magsalita si mama.

"Ano kaba kenjie tabihan mo ang teacher mo at ng hindi na siya mahirapan pang mag-abot ng mga ulam. Ikaw talaga wala kang malasakit sa iba." Nailing na usal ni mama.

Wow ako pa talaga.

Nailing akong umupo sa tabi ni ma'am. Kumuha ako ng plato na nakapatong sa may tabi ko at sumandok na ng sariling pagkain.

Halos silang dalawa lang ang nag-uusap, ako heto puro kain lang.

"May boyfriend kanaba ija? Sa ganda mong yan impossibleng walang naghahabol sayong mga lalake haha."

Lihim akong napairap.

Syempre meron pong boyfriend yan mama. Tinu-time nga--nevermind.

"Yes tita I have." Mas lumaki ang ngiti ni mama sa sagot niya.

Nice. Parang siya talaga yung anak saming dalawa eh.

"Nako mabuti naman. Sa panahon ngayon ay mahirap ng magbuntis kaya dapat habang maaga pa ay tinatrabaho niyo na yan ng partner mo."

Sh*t

*cough*

*cough*

Mabilis akong inabutan ng tubig ni ma'am.

Yung buong manok yata bumara sa lalamunan ko. Partida may balahibo payon jk.

Tang-na naman kasing usapan. Sa hapag talaga!

"We are still young pa naman po tita. Besides I still want to achieve my biggest goal in life."

Biggest goal. Ano pabang mas biggest goal mo kung hindi ang mag settle sa partner mo.

Yung taong makakasama muna talaga sa dulo na kasama mong umabot ng iba pang biggest goal mo in life.

"Aba'y sa edad mong yan at trabaho mo ngayon hindi mo paba nakukuha ang biggest goal mo in life?" Kita ko ang pag-iling ni ma'am.

Hindi ako direktang nakatingin sakanya pero palihim ko siyang tinitignan sa side ng mata ko.

"Not yet tita. Nasayang ko ang opportunity para makuha ang biggest goal ko. Ayoko ng maulit muli ang pagkakamali ko that's why I came back to finally get her I mean to get what I really want."

Ano raw? To get what she what? Tapos may pa came back pa. Umalis ba siya ng bansa?

Nang mag hiwalay kami ay wala nakong naging balita sakanya.

Diko na talaga inalam dahil masyado nakong depress ng mga panahong yon.

"Sana makuha muna yan biggest goal mo ija. Kaya ikaw anak pagsikapan mong mabuti ang makatapos ng pag-aaral yang edukasyon ang susi para maging sucessful ka balang araw."

My EX is My PROFESSOR (KENJIE HERMOSA) G×G PROF*STUDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon