Chapter 5: Sugarific

0 0 0
                                    

Achi Pov

Nagulat kami sa naging reaction ni Beatrice normally hindi siya ganun, unless kabuwanan niya HAHAHA

Napaka moody ngayong araw ee hindi ko magets kung bakit grabi naman ang naging sagot niya kay Marie

"Hala ka Marie ginalit mo si Beatrice"
Napatingin akong pangisi ngisi lang ito

Haa walang conscience sa katawan ang babaeng ito

"Whatzz up guys" ayan na siya

"Andito ka na naman" inis na puna ko kay Jomar habang may dalang ice cream

Pang himagas?

"Bakit bawal? OH" abot nito ng ice cream samin

"Wow ah may kabutihang loob kana pala ngayon" si Marie

"I'm always kind naman talaga"

Feeling...

Kala mo naman

Syempre dahil libre kinuha ko na din ang inabot niyang ice cream

Bawal tanggihan ang blessing

After namin maubos ang ice cream (ang sarap) nag-aya na si Jomar na umakyat kami

I wonder nasaan kaya si Josh ?
Usually magkasama ang dalawang 'to

Time na for class wala pa si Beatrice saan ba pumunta ang babaeng 'yun?

Maya-maya ay may kumatok sa room namin its Josh

"Excuse me Ma'am can I talk to Achi" paalam nito

Ano naman kailangan sa'kin ng lalaking ito

"Okay" sagot naman ni Ma'am Karen

"Bakit?" Tanong ko rito pagkalabas ko

"Can you excuse Beatrice for this afternoon at nandito daw bag niya kukunin ko narin"

"Ha ano? Bakit? Anyari sa kaniya? Nasaan ba siya ? " Nag aalala kong tanong rito

"Chill there's something happen di naman serious but she need to go home. She will text you and explain what happen, pasabi nalang sa mga prof niyo"

"And bakit ikaw andito? Bakit hindi siya mismo ang mag excuse"

"Dami mo namang tanong, nasa kotse siya ihahatid ko sa bahay nila. Mahirap din sakayan ngayon kasi wala pang time for dismissal"

*Ting* I heard my phone beep kaya binasa ko ang text message ni Beatri

From Bea:

Sorry kanina I got carried away. Napaka moody ko and I forgot red days ko pala, I wanna go home at gusto ko na talaga magpalit kainis wala kasi akong extra na dala. Pa excuse na lang ako sa mga prof at pa update for any announcements. And lastly andiyan pa ba si Josh sabihin mo pakibilisan niya, uwing-uwi na ako.

Thanks Achi :>

"Sige ako na bahala, balikan mo na si Bea naiinip na yun" sabi ko rito at iniabot ang bag ni Bea sa kaniya  after I read Bea's message

Something's fishy betweem those two haa

Beatrice Pov

Ang tagal naman ni Josh kunin ang bag ko sa room parang sa moon pa ang pinuntahan, uwing-uwi na ako

Baka matagusan ko pa itong kotse ng papa niya nakakahiya naman.

I decided to message Achi and Marie para mag sorry, nadala lang kasi ako sa pagka moody ko. Bloody days na kasi huhu ayokong gumalaw galaw

Five days na ganto, hell

From: Marie

No worries Beh, take care and pahinga ka. Muah :3     

From:  Achi  

Ayiii  kami na bahala sa mga prof, take care. Awiii Josh daw ah

Haaa nang-asar pa nga

Nakaupo ako ngayon sa may driver seat at napalingon ako sa lalaking kanina ko pa hinihintay nung kumatok ito sa tented na salamin ng kotse. Itinaas niya ang hawak niyang bag, ang bag ko.

"Ang tagalo mo" Binuksan niya ang passenger seat at inabot ito sakin ang bag

"Ako pa sinisi, si Achi daming tanong ee" sabi nito nang makaupo na sa kaniyang driver seat

"Marunong ka pala mag drive" pagiiba ko ng usapan nang palabas na kami ng school

Tumungin siya sa sakin sabay balik ang tingin sa daan habang nakangisi, may pa pitik pitik pa ng daliri habang hawak ang manibela

"There are things you still don't know about me, Beatrice" kahit hindi ako nakatingin rito'y nakangisi ito habang sinabi ang mga katagang 'yun.

Ow di ikaw na , hindi nalang ako sumagot at tumingin nalang sa bintana. Nagbabadya parin ang sama ng panahon dahil sa dilim ng paligid, tanghaling tapat pero kung titignan mo ay nasa alas singko na ng hapon ang vibe. Mabilis na gumagalaw sa langit ang mga itim na ulap, hindi ko na namamalayan malakas na pala ang hangin.

Dahil nasa loob kami ng kotse hindi ko naramdaman pero kung titignan mo sa mga puno, palakas ito ng palakas hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Napatingin ako sa harapang mahagi ng kotse at ayon na nga gumagalaw na ang windshield nito upang maging clear yung salamin

N

apatingin ako sa aking relo at bigla ko nalang naramdaman ang gutom. Nilingon ko si Josh at seryuso parin itong nag mamaneho.

"Josh" tawag ko rito ina-acid kasi ako kapag gutom ako lalo na at red days ko pa kaya mas lalo ang sakit

"Ansakit ng tiyan ko bumili kaya muna tayl ng makakain?" Ang sakit ng tiyan ko di'ko na talaga kaya

He nod habang napatingin ito sa tiyan ko na kanina ko pa pala iniipit sa sakit, ilang sandali'y huminto kami sa 7/11 malapit na ito sa bahay namin

"Dito ka nalang, ako na ang bibili" sabi nito

Dahil masakit ang tiyan ko at hindi ko rin kaya na bumaba pa, tumango nalang ako upang sumangyon sa kaniya

Ilang sandali pa ay pumasok na siya sa motse at nay dalang tinapay na may palamang hotdog, iniabot niya ito sakin at ang init pa nung hotdog, sakto sa kumakalam kung sikmura.

Agad ko itong nilantakan dahil gutom na gutom na talaga ako, napatingin ako sa isang kamay niya at ang dami niyang binili na kung ano-anong pagkain at nakalagay ito sa plastic.

Inilagay niya ito sa back seat at inabot naman sakin ang mainit na gatas

Gatas talaga ?
Ano ako baby mo ?

Napatawa nalang ako sa naisip kaya tinaggap ko naman ito

"Mainit yang gatas pwede mong ipahid sa tiyan mo for a while" sabi nito habang ni start ang engine

Mga tatlong minuto pa ay nakarating kami sa bahay, mabuti nalang din at nawala ang sakit ng sikmura ko. Yung puson nalang

Teka? Pano niya nalaman kung saan ako nakatira?

Wala akong naalala na itunuro ang bahay namin ah?

"Ee? Pano mo nalaman na dito ako nakatira Josh?"

Lumingon siya sakin ay ngumisi lang, hindi niya ako sinagot

Medyo malakas pa ang ulan at hindi muna kami bumaba ng sasakyan, mukhang magtatagal pa kami dito huhuhu

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Broken Guitar (Ongoing)Where stories live. Discover now