Kabanata 21

163 7 2
                                    

KABANATA 21

"So, what if I really do want to always seat beside you?"

Sa gitna ng malumanay na jazz music at nagkakatuwaang mga tao ay mahabang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni Elliad.

Hindi ko alam ang dapat sabihin o kung may tama bang isagot doon.

Parang may umilaw na bombilya sa itaas ng ulo ko nang mahagip ng mga mata ang mga kahon at paper bag ng regalo na nasa isang lamesa.

"You know what?"

Ginapgap ko ang kamay niyang nakapatong sa hita.

Mukha man siyang nagulat sa biglang paghawak ko sa kamay niya ay hindi siya pumalag, bagkus ay kinapitan ang kamay ko nang mahigpit.

"I have something for you..."

Luminga-linga pa ako sa paligid. Nang makitang may kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang mga tao ay hinila ko si Kendrick patungo sa likod bahay. Sa gilid kami dumaan.

Hindi masyadong mabilis ang paglakad namin dahil mabato at kahit ilang beses siyang natisod ay wala akong narinig na kahit na isang reklamo mula sa kanya.

Nang makarating sa backdoor ng dirty kusina ay natigilan ako dahil naabutan ko si Mary Claire doon, may bitbit na isang bote ng champagne, mukhang lalabas na din.

Saglit din siyang natigil nang magkatinginan kami pero nang bumaling ang mata niya sa kasama ko ay agad siyang ngumisi.

Aktong ini-zipper niyua ang bibig saka malaki ang ngisi na kinawayan ako bago niya kami tinalikuran na parang walang nakita.

"Keirstana?"

Marahil ay nagtataka si Elliad sa pagkatigil namin. Hindi ko alam kung napansin niya ang presensya ni Mary Claire kanina pero pinili kong sumagot nang wala.

Babysitting the Blind Billionaire (On Going)Where stories live. Discover now