Prologue

8 0 0
                                    

I made this portrait so I hope you'll like it

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I made this portrait so I hope you'll like it. I took this idea through IG.



Third Person POV

"Hugh Sachs! What brought you here?"

'Di halos maitago ang gulat sa grupo ng magkaibigan ang biglang pagsulpot ng isang tao na hindi nila inakalang pupunta sa lugar kung saan sila magre-reunion na magbarkada. Ang huling balita nila mula rito ay no'ng graduation pa nila no'ng High School at halos hindi na rin makausap dahil bigla na lang hindi ito nagparamdam sa kanila. They had sent him an invitation many times but  failed to get a response from him which is why seeing him in today's celebration was a unexpected.

A dimple from his left cheek showed up when he roguishly smiled at them and walked casually on their table. Nagtataka man ang mga ito, buong puso naman nilang tinanggap ang binata at saka binigyan ng upuan sa lamesa kahit na nakakapanibago ang sa kanila ang dating nito.

Hugh Sachs wore a royal blue folded-long sleeves polo partnered with a versace pressed-ceased tailored trousers. His natural colored-oak hair cut with curtains bang neatly. He has thick eyebrows and the left side of his brow was shaved in the middle. He pursed his natural red lips while wandered his eyes in the whole area with curiousity. Ibang iba ito ngayon kompara no'n sila ay Highschool pa lamang.

Tinapik siya ni Josh sa balikat. "We didn't expect that you're going to join with us. Akala namin nakalimutan mo na kami."kunwari tampo nito. Si Josh ay isa sa pinaka-close friend niya sa barkada lalo na't kasabay niya rin ito lumaki.

Magkasama silang lahat sa lamesa na kanila pa ni-reserve na magbarkada sa isang michellin star restaurant sa Iloilo City, kung saan sila lumaki lahat. Kung dati ay sa maliit na karenderya lang ang mga ito kumakain, ngayon ay afford na nilang makabili ng lamesa sa isang mamahalin na restaurant dahil professional na ang mga ito.

"Yeah. Bakit ba ngayon ka lang nagparamdam? 'Di mo na ba kami mahal?"biro ni Agnes, asawa ng kaibigan nila na si Patrick na kasama rin nila sa barkada.

Kimi silang tumawa at nagpipigil na mag eskandalo lalo na't napapalibutan sila ng mga elitesta sa loob. They had to pretend, at least, they're decent people.

"Ngayon lang nagkaroon ng oras, ee."tanging sagot lang nito kahit na malikot pa rin ang mga mata na nag-iikot sa buong building, na parang may hinahanap ito.

Alam nila kung bakit ganito ang ikinikilos nito ngunit nagpatay malisya na lang sila. Kaya nagpatuloy lang sila na kausapin ang kaibigan na matagal nilang hindi nakita.

Si Jacob naman ang nagsalita."Balita ko big time kana, ah. Baka naman."

Nalaman na lang nila na mayaman pala ang magulang ni Hugh pagkatapos itong puntahan sa kanilang dating tahanan nang hindi na nagpaparamdam ang kaibigan sa kanila. Isang araw, lumipad na lang ito papuntang europe at 'yun ang huling balita nila sa kanya. Kung tutuusin, dapat nga ay magtampo ang mga ito sa kanya ngunit nirespeto nito ang kanya desisyon dahil hindi rin biro ang pinagdaanan niya no'ng panahon na 'yun.

Naging mabilis kasi ang pangyayari kaya kahit magpaalam ito sa kanila ang ay hindi na niya magawa, especially to that one person.

Humaba pa ang kanilang usapan matapos ang ilang oras. Nagsimula na rin sila kumain ng hors d'oeuvre, soup at appetizer habang hinihintay ang na iiwan na course meal na kanilang in-order. Tahimik din paminsan-minsan si Hugh at minsan nakikisabay din sa kanila lalo na kung ang topic ay ang kanilang High School memories. Kung minsan ay napag-usapan din nila ang mga naging classmate nila noon.

Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang Salad nang napansin nila ang isang babae na kakapasok lang.

"Table no.6 is on that way, Ma'am."sabi ng isang staff sa babae na  kakapasok lang.

Lumingon ang babae sa lugar kung saan tinuro sa kanya ang table no.6.

The wowan wore a navy blue off-shoulder dress with a 5 inch sling back plump stilettos. Hagod na hagod ang damit nito kaya naman kita ang kurba ng katawan ng babae. She has a dashing voluptous figure, almost similar with Marilyn Monroe. Her small heart-shaped face was emphasized with her long straight hair. By looking at her, she didn't make much a effort with her appearance. She even used simple make up with her face. But she took the opportunity to use her natural beauty to get the attention by anyone in that room.

Napalunok ng laway si Hugh nang magtama ang kanilang mata ng babae. He can never forget that face. Why would he? The woman standing in the entrance is his ex-childhood sweetheart in High School. She didn't change, although she matured a little, but she still look the same. She's still effortlessly beautiful... in his eyes.

He was expecting to see her right now as what Josh had told him because she was the reason why he decided to attend to their reunion. He just couldn't believe that she will going to see her again, in face-to-face, after how many years.

Parang nanumbalik ang kanyang dating nararamdaman no'ng high school at ang tanging palaging dahilan nito ay walang iba kung 'di siya.

"Amelia..."he whispered.

He didn't realize that she cut off her gaze which made him blinked for a second. He seemed to be hypnotized for a while because of her lifeless expression. Naintindihan niya kung bakit ganito na lang ang titig nito sa kanya. Afterall, he had to pay for the price.

Lumapit ang dalaga sa kanila. Tipid lang siya ngumiti nang sinalubong ito ng mga kaibigan niya. He swallowed when she stopped on the other seat just in front of him.

"My god, Amelia! We thought you're going to be absent again!"Jewel exclaimed.

Ang mapupungay na singkit na mata nito ay mas lalo pang sumingkit dahil sa ngumiti ito ng malapad. "Ito naman. Ngayon lang nagkaroon ng oras, ee."

Hindi niya mapigilan mapangisi dahil pareho rin ang naging sagot nito kanina dahilan para sandaling lumingon sa kanya ang dalaga. Nakita niya pa na pasekretong umirap ang mga mata ng dalaga kaya lumawak ang ngiti nito.

Cute.

"Okay lang 'yan! At least we're complete!"Lory said excitingly.

Umupo si Amelia kung saan kaharap siya nito ngayon. Hindi na sinubukan lumingon ng dalaga sa kanya na parang bang napapaso ito sa tuwing magtama ang kanilang mga mata. Si Hugh naman ay buong magdamag nakamasid lang dito kahit na alam niyang na-iilang na ito sa kanya. Sa isip niya ay mas lalo siya natutuwa dahil may kaunti parin epekto ang dalaga sa kanya, kahit sa hindi magandang paraan.

O baka nahihibang lang siya.

Napunta sa dalaga ang atensiyon ng mga magkaibigan. Okay lang naman kay Hugh 'yun dahil nais niya lang nakatitig ito sa kanya.

Pero hindi niya na nga napigilan sarili no'ng bandang huli at kinausap niya ito. "How are you?"tanong nito sa kanya.

Awtomatikong tumahimik ang kanilang kaibigan dahil bigla nito kina-usap ang dalaga, na para bang may ginawa siyang mali sa pagtanong nito. Biglang tumaas ang tension sa kanilang dalawa nang lakas-loob itong tumingin sa kanya.

Her pursed her natural thin lips in annoyance. Alam na alam niya na aasar ito sa kanya pero pilit niya itong tinatago mula sa pagsuot ng maskara nito.

"Better than ever."malamig na sagot nito.





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HS #1: Lips of an AngelWhere stories live. Discover now