Prologue

34 1 0
                                    

~~

Nung hapon na yun, papunta kami sa paborito naming tambayan.

Medyo madilim na, kahit alas-6 pa lang.

Habang papalapit kami dun sa favorite spot namin, narealize namin na..

hindi lang pala kami ang nasa lugar na iyon.

Medyo naaninag ko na may tao. Dalawa.

"May tao." (in a low tone) sabi ko.

"Saan?"  tanong niya.

"Ayun oh, labo talaga ng mata nito." asar ko, sabay hampas sa braso niya.

"Oh anong plano mo?" tanong niya.

Hindi maganda yung araw namin. Misunderstanding nanaman.

Tahimik.

Ganun naman madalas, lalo na kapag medyo di kami nagkakaintindihan.

Hindi kasi ako nagsasalita. Sa pananahimik, nag-iisip kasi ako.

Sa totoo lang, nakalimutan ko na kung ano ba problema namin nun eh.

Yung moment na yun, parang pang'telenobela.

Nakatigil kami, nakatayo, magkaharap.

Tinanong ko siya.

"Ano ba talaga ang nararamdaman mo para sa akin?"

Tahimik. Nanaman.

Hindi siya sumagot agad. Kinakabahan din ako.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya, tumalikod na ako.

"MAHAL KITA." sabay hawak sa braso ko, pinigilan niya akong lumakad.

Mahina lang yung boses niya nun, pero ramdam ko ang sincerity niya.

~~

Relationship status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon