Chapter 1: The not so start of it

29 1 0
                                    

Estephanie's POV

♫ ♪

"I hear your heart beat to the beat of the drums

Oh what a shame that you came here with someone

So while you're here in my arms

Let's make the most of the night like we're gonna die young

We're gonna die young

We're gonna die young

Let's make the most of the night like we're gonna die young"

♫ ♪

Tumunog na yung cellphone ko.

04:00 AM

>___< Medyo antok pa rin.

"Wuy gising na.. Alas-kwatro na oh."

Actually si Mama talaga ang gumigising sa akin. Elementary pa lang ako, ganun na.

Bumangon akong nakapikit pa. Ang hapdi kaya sa mata pag gumising ka nang wala sa oras.

Panu, puyat nanaman kasi ako. Hehe :P

Ang laki na tuloy ng mga eyebags ko. Atleast pinagpuyatan ko. (Proud pa eh noh?) :P

Ano nga ba pinagpuyatan ko? Facebook nanaman.

Minsan nga nagigising na lang si Mama ng hatinggabi, at nasa harap parin ako ng computer.

Ano ginagawa ko sa Facebook?

Tingin sa mga pictures ng ibang tao.

Mag'stalk sa mga kakilala ko.

Mag'like ng mga status.

Mag'comment sa mga posts.

Mag'share ng mga photoquotes.

At minsan naglalaro rin.

Yun lang, at inaabot ako ng alas-dos ng umaga kaka'surf.

BTW, balik tayo..

Ano inuuna niyong gawin tuwing gigising kayo ng maaga para pumasok sa school?

Ako? Hmm..

Ihahanda ko yung mga isusuot ko. (na dapat sana kagabi ko pa hinanda)

At maliligo na. Kaso bago ako makaligo, mauubos muna ang 5 mins sa kalalakad ko pabalik'balik galing Cr papuntang living room. Galing living room papuntang kwarto. At galing kwarto papunta ulit ng Cr. Sa anong dahilan? Ewan ko nga rin eh. :P

Siguro para magising ang diwa ko. ^__^

Bago ako maligo, iinom muna ako ng isang basong tubig.

At natapos din ang tinatawag nilang "mga seremonyas" :P

Yun kasi ang madalas sabihin ng parents ko kapag marami pa akong ginagawang ibang bagay bago yung dapat ko talagang gawin. Seremonyas. Haha :D

At maliligo na nga ako :))

Hindi ko na syempre sasabihin yung bawat detalye sa pagligo ko. Bleeeh :P

- - - - - - - - - - - - - - - -

Bihis na ako.

Hindi ko masyadong pinagtutuonan ng pansin na ayusin ang buhok at mukha ko bago pumasok sa school. Polbo lang, okay na ako dun. At masuklay ko lang maayos buhok ko... OKay na yun :P

Isusukbit ang bag, hihingi ng baon at isusuot ang sapatos. And I'm ready to go! :))

Medyo maliwanag na.

Lalakarin ko hanggang sa sakayan ng trike, minsan pedicab ang sinasakyan ko.

Ilang hakbang lang naman eh, siguro mga 30+. To be exact :P

Depende sa trip ko kung ano sinasakyan ko eh. Pero mas madalas sa trike.

Merong tumawag sakin, tricycle driver.

"CoRod?" (Collegio de Rodriguez)

At sumakay na ako. Sakto ako pa lang ang pasahero.

Sa likod ako umupo. Yung sa likod ng driver? Paborito ko dun eh.

HIndi ko gusto sa loob. Bukod sa kailangan ko pang yumuko para lang makapasok eh hindi pa ako komportable dun. Naka'skirt kaya ako >_< 1 inch below the knee yung haba.

At nagsi-datingan na yung ibang pang-umaga na estudyante.

Karamihan High school students kasabay ko. Onti palang kasi mga College students dun sa lugar namin.

At umandar na yung trike, sa wakas. :))

"Ako nga pala si Estephanie. Estephanie Bergantin.

17 years of age.

Uhmm, actually hindi ko talaga gusto ang course na toh.

Ang gusto ko talaga sanang kunin ay Culinary Arts.

At ang inaasahan ko ngayon ay maintindihan nating mabuti ang bawat lesson na ituturo ni Sir at maging masaya tong subject natin."

At pumunta na ako sa upuan ko.

Isa'isa kaming pinapunta sa harapan para magpakilala at mag'share ng onting info tungkol sa'min at sa course namin at sa subject syempre.

Ito talaga yung mga hindi mawawala kapag first day of meeting eh. Orientation.

Magpapakilala ang mga estudyante sa prof nila at ganun din yung prof nila.

At magbibigay yung prof ng mga bagay na dapat nilang malaman tungkol sa kanya at sa subject niya. Rules and regulations, kapag strict. At minsan pa nga, maaga nag'papauwi. :P

Kilala naman na namin ang isa't-isa. Pero syempre, hindi pa kami kilala ng prof namin. Kaya kailangan naming gawin yun. Yung isang prof pa nga namin, naalala ko, kailangan pa naming pumili ng isang hayop at sabihin kung anong katangian daw nun ang maihahalintulad namin sa sarili namin.

Madaming pumili ng aso at pusa.

Ako? Dolphin ang pinili ko. :))

Kapag mga first day of meeting, petiks pa eh. Wala pa masyadong gawain. At maaga pa ang uwian. Wala pa masyadong assignments. At hindi pa gaanong stressed ang lahat.

Mahaba'haba pa ang oras para tumambay.

Ay syempre, ang boys. DotA agad yan :P

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Naalala ko nung first year College pa lang ako...

Hinding-hindi ko gusto yung school namin, pati yung mga classmates ko.

Yung mga katabi ko lang yata ang madalas kong kausapin at pakisamahan.

Mejo disappointed kasi ako dahil hindi ako nakapasok sa gusto kong school.

Sa PUP.

Pasado naman ako sa entrance exam..

Sadyang may mga circumstances lang kaya hindi pwede.

But I started to love my school and the people in it..

May nagsabi sakin tungkol dun eh, na pag'aralan ko daw mahalin yung school ko at yung mga tao dun para hindi ako mahirapan.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Relationship status: It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon