CHAPTER 3

4 0 0
                                    


N/A:please vote! cherry's🍒

Bwisita

Anastasha's POV

"Nak, samahan mo'ko mamalengke!" sigaw naman ni Mama sa baba

"Sige po, hintayin niyo nalang po ako jaan" sigaw ko naman pabalik

Bumangon na'ko in-off ko muna yung cellphone ko tsaka nag hilamos at ng toothbrush.

'Kakagising ko lang e'

Nag palit ako ng damit tsaka bumaba

"Halikana , makisabay tayo kila ate Yula pupunta rin sila sa palengke ng anak niya" bungad ni mama at simulang lumakad sa labas

"Anong gusto mong ihanda natin ngayon nak?" tanong niya ulit habang naglalakad

"May occasion ma?, wala naman akong natatandaan na may birthday ngayon" takang tanong ko naman

"Wala naman, pero gusto kong maghanda ngayon, nandito ka eh, sila ate Yula lang naman ang invited nak" mahabang ani nito

"Sopas at spaghetti!" masayang sambit ko

'Favorite ko yan'

"Sige bili tayo mamaya" ani niya at pumasok sa kanto

Pupunta kami sa bahay nila Aleng Yula, malapit lang ang bahay nila dito mga ilang bahay lang ang layo ng bahay nila sa amin.

Pagkarating namin sa bahay nila ay kumatok si mama at may nagbukas naman nun, lalake siya at kasing tangkaran nila Hiro, Eric at Akhulit.

Mag kasing tangkaran yung tatlong yun, matangkad naman ako pero hanggang balikat lang nila ako, matangkad naman silang anim si Vince lang maliit

'Mga kapre 'no?' 'Yung isa chanak' haha joke

N/A: nag lalait karakter natin, lagyan yan ng patinding pag subok

Huy!! wag naman ganon Author

"Ang mama mo?" tanong ni mama dun sa lalake.

"Andun po sa loob tita, nagbibihis nalang po" sagot naman ng lalake "pasok po kayo" ani nito at pinapasok kami

Kapasok naman namin pumunta naman ito sa taas second floor bahay nila pero nagtitinda pa rin si Aleng Yula.

"Sino yun ma?" tanong ko kay Mama na nakaupo lang at binibilang ang pera na dinala niya.

"Yun yung sinabi ko na anak ni Ate, si Alexis" ani nito pero sa pagbibilang pa rin ang atensyon niya.

Ilang secondo ay lumabas na si Aleng Yula at ang anak niyang si Alexis kuno

"O ija sumama ka pala sa Mama mo." ano naman ni Aleng Yula ng makita ako sa tabi ni Mama " Oo nga pala Analyn asaan pala yung isa mong anak?, hindi ko na iyon nakikita" sunod na tanong naman ni Aleng Yula

Yumuko naman si Mama at naging tahimik "Hindi po kasundo ni Paulyn si Mama at Papa" bulong ko naman kay Aleng Yula ng nakapunta ako sa tabi na.

"Ay pasensya na, kalimutan mo nalang iyon at punta na tayong palengke" ani ni Aleng Yula at hinila si Mama palabas sumunod naman kami ni Alexis

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The seven boysWhere stories live. Discover now