Ating kuwento na tayo lang ang nagkakaunawaan,
Tayo lang ang nakakaalam at hindi natin namalayan,
Na dadating rin pala ating hangganan.Tadhana'y hindi nakipaglaro ngunit sadyang ito talaga ang nakatakda,
Minsa'y lumigaya ngunit nangingibabaw ang paghihinagpis sa bawat akda.
Dalawang talaarawan na nagsilbing insprirasyon sa natitirang madla.Kuwento'y muling maisulat ngunit hindi na tayo ang gaganap,
Nakuntento sa hindi naman sapat.
Inilaban kung ano ang dapat ngunit hindi talagang maaring ipilit ang imposibleng maganap.Saksi ang puno ng nara,
Sa ating kuwento na tila isang pantasya.
Taas noo man nating hinarap ang tadhana,
Ngunit panahon natin ay hindi kailanman magtutugma.Ang nara na matatag ang naging sandigan sa panahon na tayo ay hindi mapanatag.
-----
Umiiyak po talaga ako ngayon :(( nakakalungkot lang ang mga pangyayari sa isang kuwento. Hango at kumuha po ako ng inspirasyon sa aking nabasa na istorya. Napagpasyahan kong basahin muli ang I LOVE YOU since 1892😞isang linggo na akong nalulungkot hindi ko alam paano bumalik sa dating ako, parang naiwan ang kaluluwa ko ;((. Hanggang sa muli. Inaasam ko po na mabasa rin ang libro na naglalamqn ng mga hinanaing ni Ginoong Juanito.
✍️🏻: Munch_keyn / Melanie Bamba
![](https://img.wattpad.com/cover/292771010-288-k389655.jpg)
YOU ARE READING
Pagtitipon ng mga tula
PuisiAng mga tulang ito may mga kamalian sa gramatika at sa pagbaybay, bukas ang pagtatama. Nilikha at pinagtipon tipon.