Pasakalye ng Damdamin: Ito ang Ambon ng Pagmamahal pangalawang bersiyon HAHAHA. Tinutulungan ko lang si Joe sa kanyang takdang aralun at ito rin ang kwento ng aming kathang pag-ibig na paglalakbay.
#lovelani
Ambon sa ating pagmamahalan
Paligid na pinupuno ng ambon,
Waring dala ng hindi maiintindihang panahon.
Sa ilalim ng dahon, nasilayan kitang nakasilong.
Tila hindi inaasahang maabutan ng ambon at hindi pa nakadala ng payong.
Puno ang dalawang pilik mata ng ambon,
Mala rosas na labi na nanginginig apekto sa malamig na panahon.
Nakatitig sa iyong repleksiyon,
Nasilayan kita kasama akong naglalakad sa hindi ma ambon na panahon.
Bumugso ang malakas na hangin.
Kasabay ang pagkabog ng aking damdamin,
Pagtitig sa iyo'y isang magandang tanawin.
Humaling na kaya ito kung tawagin?
Hirap na iginalaw ang sariling mga paa,
Kilos ay tila nagbabago na.
Napalapit sa isang matatawag kong ligaya.
Ngumiti siya at gumaan ang aking sistema,
Mga kamay na tila lumakbay,
Nagtagpo at waring kuryente ang iyong taglay.
Pagkatapos ay umakbay,
Puso'y kinikiliti at gustong humandusay.
Kapag magtagpo ang ating mga mata,
Tila ako'y ma alarma.
Matutulala at nilalabanan ang mga paru patung nadarama.
Oh, kay ganda mo pa rin aking sinta.
Sa aking limang taon na paghihintay,
Iyong matatamis na 'oo' ay hindi pa binigay.
Patuloy akong nagsubaybay,
Dahil mahal kitang tunay.
Kasabay ng pagdilim sa kapaligiran,
Tumingkayad ka upang aking pisnge ay mahalikan,
Banggit ang mga katagang,
"Mahal rin kita, aking sintang hinirang."
Kay sayang gunitain ang mga gunita sa nakaraan,
Kasama ang mga hirap na pinagdaraanan.
Sa pagmamahalan na pinaglaban,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Noon ay ambon ang nakapagitan sa aming dalawa,
Ngayon ay sabay na nating sinuong na kami ay matatanda na.
Siya ang aking ligaya.
Siya ay aking sinta.
sashimel
YOU ARE READING
Kalipunan Ng Mga Alon
PoésieHalina't tunghayan ang mga salitang bumabalot sa damdamin-sama ng hangin, tahimik ngunit malalim.
