ALABANG (HORROR STORY)

4 0 0
                                    

Ako si Monalie. Isa akong college student na kasalukuyang tutungtong na sa 4th year level. Bata palang ako, matatakutin na ako sa madalim na lugar kung kaya't nakalakihan ko yun hanggang ngayon. Bunso ako sa pamilya dahil sa lalakeng panganay ang aking kapatid. Sa aming dalawa, Ang kuya ko ang madalas makakita ng iba't-ibang elemento. Kwento samin ng aming ina, bata palang daw si kuya ay nakakita na siya ng dwende ngunit sa paglipas ng panahon ay higit pa sa mga yan ang kaniyang nakikita. Noon kapag sumasapit ang buwan ng Nobyembre ay puro katatakutan ang maririnig sa palagid at mapapanood sa telebisyon, maging ang mga kalaro ko ay madalas akong takutin kaya kinapitan ako ng malakas na phobia kung tawagin ay phasmophobia at Nyctophobia. Magkaiba ang depinisyon ng dalawang ito ngunit pareho itong may malaking epekto sakin. Ang phasmophobia ay tumutukoy sa takot sa mga multo o mga ligaw na elemento subalit ang Nyctophobia ay matinding takot sa dilim na nagca-cause ng problema at hirap matulog sa madilim na lugar ng nag iisa.

Lumipas ang mga taon, pagtungtong ko ng High school at College dun na nagsimulang magkaroon ng pagbabago sa buhay ko na kahit paano'y naibsan ang takot. Natuto akong huwag maniwala sa mga Pamahiin o di kaya'y sa mga sinasabi nilang multo na nagpapakita, dahil sa laki ng paniniwala at pananampalataya ko sa Dios nagsilbi ang aral sa akin na ito'y gawa lamang ng isip nang tao. Fast forward tayo sa kwento, Currently naghiwalay ang parents ko ngayong taong 2024 dahil sa ginawang pagtataksil ng ama ko kaya't nagpasiya ang aming ina na tumira malapit sa kaniyang pinagta-trabahuan sa Alabang, Muntinlupa. Bagama't malayo sa byahe kapag kami magbabakasyon pero nakagaan naman yun sa kaniya dahil may Jeepney service siyang masasakyan. Familiar ako sa lugar ng Alabang pero may background history pala ang nasabing lugar. Ang Alabang ay base sa totoong buhay isa pala itong lugar na dating sementeryo kung kaya't binili ng isang mayamang tao kaya pinagtayuan ng StarMall na kasalukuyang dinemolished dahil sa naganap na sunog. Balik sa kwento, dito napili at naisip ng aming ina tumira pero hindi naging madali ang kanilang sitwayon. Nagpalipat-lipat sila ng tirahan kaya kami nalang ang nag aadjust na bumisita't magbakasyon. Sa unang bahay na aming napuntahan banda sa San Guillermo kasama ko ang tyuhin ko na kapatid ng aming Ina siya ang sumama sakin magbakasyon ng dalawang araw. Malamig at maaliwalas ang simoy ng hangin pero pagpatak ng dilim ay masyado ng delikado lalo na sa tapat ng kanila lugar na may malaking bukid. At dahil nga masayang nagkita-kita masyado kaming naging maingay sa bahay na iyon na naging dahilan kaya nabulahaw ang masamang espiritu. Isang gabi ang aking kapatid at ang kaniyang asawa ay aalis dahil sa ihahatid ng kapatid ko ang asawa niya kaya kami ng tyuhin ko ang naiwan pati ng nanay ko't pamangkin. Sa nangyaring yun umalis na sila kuya tapos sumunod na lumabas ang tyuhin ko na naka maroon na T-shirt at sumbrero na asul. Nagbilin pa ako sa kaniya dahil sa dumaan pa siya sa harapan ko galing kwarto na ilibre ako ng pagkain kung lalabas siya at bibili sa tindahan ngunit hindi ako nito pinansin bagkus ay lumabas na lamang siya at bahagyang isinara ang pinto. Segundo ang hinintay ko bago ko siya sinundan ngunit ang bilis niyang nawala, sumilip pa ako sa terrace ng aming bahay kasi 2nd floor apartment ang pwesto namin pero wala siya sa baba. Dun na ako nagtaka at nagsimulang manindig ang balahibo kasunod ng Phobia. Ang mas nakakatakot pa ne'to nasa Cr pala ang tyuhin ko kanina pa. 

Nabanggit ko sa kaniya ang tungkol sa aking nakita ngunit hindi ako pinakinggan. Lumapit rin ako sa aming ina pero medyo may halo pang pagdududa. Sinubukan kong ilapit sa aking kapatid dahil siya lamang makakatulong sakin. Kinuwento ko sa kaniya ang aking nakita at hindi ako nagkamali, Ika niya pagkatapos ko magkwento ‘Meron dito sa bahay anino, palagi siyang nanggugulo minsan nananakit’ at nanindig lalo ang aking balahibo dahil ang lalakeng dumaan sa harapan ko at lumabas ng bahay ay walang iba kundi ang Double Ganger.

Limang buwan nanatili ang aking pamilya sa San Guillermo kaya't di malabong ang karanasan ng aking kapatid ay patindi ng patindi. Pugot na ulo, Black lady, Multo sa dulo ng bukid, Walang mukha at marami pang iba kaya sa tuwing nababanggit yun ni kuya ay lalong tumtindi ang aking Phobia. Lumipas ang limang buwan nagdesisyon silang lumipat ng bahay, Sa paghahakot ng gamit hindi kami nakasama dahil sa busy ako sa pag aaral dito sa Maynila. At dahil sa hindi kayang bumisita nag ipon muna ako ng pera para makadalaw kami ng Boyfriend kong si Paolo. Sa pangalawang bahay na nalipatan, kababalaghan ang naging karanasan nila kung kaya't bago kami bumisita doon ay lumuwas pa mula si kuya at ang kaniyang anak na lalake dahil sa takot nila sa bahay. Laking gulat dahil sa biglaang pagluwas tinanong namin sila kung anong dahilan. ‘Dalawa lang kami ni Daniel sa bahay wala sila Mama nasa trabaho. Natutulog kami ni Daniel sa taas ng kwarto may umaakyat sa hagdan tapos may kumakalampag. Masaklap pa nun nakapadlock na yung pinto pinipilit buksan ng paulit-ulit kaya itong bata iyak ng iyak’ Sabi ng aking kapatid. 

Sa una naging challenging sakin dahil sabi ng aming ama na ang takot nasa isip lang kaya dapat naming labanan. Patuloy na nagkukwento si kuya kaya ang sabi ko sa susunod kami naman ang bibisita. Dumating yung araw na kami naman ang bumisita, bagong bahay nakalimutan kong lumagpas ako ng bounderies. Naging maingay ako, nagkakalampag ng pinto, madaldal, at masyadong kampante ang mali ko ay nasa bagong bahay nga pala kami na hindi ko pa lubos na naoobserbahan. Pagpatak ng kinagabihan, Ang aming ina ay nagpasiya ng pumasok sa trababo dahil panggabi siya kinabukasan pa ang uwi. Ako, ang Boyfriend ko, at ang kapatid ko kasama ang asawa at anak ang naiwan dun sa bahay. Unti-unti nagiiba na ang pakiramdam ko dahil bago mangyari ang aking kinatatakutan natulog kami sa kwarto habang sa dis-oras ng gabi ay naglalaba at nag iigib ng tubig sila kuya sa kabilang bahay na walang tao. Sa kwarto, may anim na bintana na ako mismo ang nagbukas para makapasok ang hangin dahil mainit at nakakapawis. Umidlip saglit si Paolo paglingat ko ay biglang may nagsara ng dalawang binta sa dulo, witness ako dahil pagharap ko ay kitang-kita ko kung paano isara. Pagsara ng dalawang bintana isang aninong puti ang naaninag kaya inisip kong si kuya lang yun na nanti-trip. Ginising ko si paolo dahil nakaramdam ako ng takot pero miski siya ay naramdaman at kita niyang biglang may nagsara ng bintana. Sumilip ako sa kabila pero nakita ko si kuya na naka asul na sando at malayong-malayo na puting naaninag ko sa bintana. Ito pa ang masaklap, pagkatapos nila maglaba at nai-safety na ang bintana't pinto sa baba nasa kusina si kuya saka ako bumaba. Sabi sakin ng kapatid ko, ‘Mona wag kang tatakbo ha nandyan siya sa bintana’ Ilang segundo ay dalawang beses kumatok ang di maipaliwanag na elemento. Nanlaki ulo ko na gusto kong masuka sa takot. Saksi kami lahat ng gabing iyon na ang kumakatok ay hindi tao kundi Multo. Hindi ako nakatulog dahil sa paulit-ulit siyang nakatok sa pinto pero ang sabi namin ay huwag nalang pansinin pero sa totoo lang, kahit hindi mo pansinin sinasadya niyang laksan ang pagkatok para ipagbuksan siya ng pinto. Kaya ang sabi sakin ng kapatid ko, ‘Nabulahaw mo sila Mona dahil maingay ka kanina. Ikaw ang puntirya niya’ Halos gusto ko maiyak sa takot kaya't hindi na ako makatulog. Hanggang sa inabot akong dilat ng alas-tres ay nilalaksan niya ang pagkatok kaya tumindi ang Phobia ko. Pagsapit ng kinabukasan at nakahinga ako ng maluwag nag usap kami ng kapatid ko kung bakit may mga ganoong pangyayari dito. Pinaliwanag niya na mura lang ang paupahan kaya kinuha na ito ng aming Ina bukod sa kapatid niya sa Iglesia. Higit pa daw ang kaniyang naranasan habang wala kami, Pugot na ulong lalake ang kaniyang nasaksikhan kung minsan ay habang nagsasaraw daw siya ng bintana sa gabi ay biglang dumungaw ang multo sabay ngiti na tila gusto pumasok sa loob ng bahay. Sa kaniya ko rin nalaman na ito palang Alabang ay dating sementeryo kaya napasagpo na lang ako sa noo.

‘Yung nangyari kagabi, ikaw ang gustong patripan ng Multo. Tandaam mo Mona, pag nasa ibang bahay ka palagi kang mag oobserba dahil hindi lahat ng bahay ay maganda ang presensiya’ 

Mula nun naging aral sakin ang nangyari. May pagkakamali man akong nagawa at least alam ko na ang pwede kong gawin sa susunod. Syempre hindi naman talaga mawawala ang masamang espiritu. Kahit may third eye ka man o wala patunay talaga na kapag gusto ka nilang pakitaan gagawa sila ng paraan para mapaniwala ka bilang karanasan. Hindi nagtagal ay sabi ko sa aking sarili ay hindi na muli pa akong babalik doon maliban nalang kung kinakailangan pero hindi rin ako magtatagal.

Weeks ang tinagal hindi lang ako ang nakaranasan ng kababalaghan sa bahay pati ang aming ina ay nakaranas mapagtripan ng multo. Naliligo raw siya nung gabi ay dala-dala niya ang kaniyang relo ngunit pagkatapos nun ay hindi na niya makita pa. At dahil sa takot naghanap na siya ng bagong tirahan, pero alam mo ba kung anong kasunod na nangyari? Naglilipat kami ng gamit natagpuan niya ang kaniyang relo sa damitan at dun na siya naniwala. Kasalukuyan parin nakatira sila sa bandang Alabang ngunit kahit paano'y mabuti na ang kanilang kalagayan.

Bilang aral sa kwentong ‘to, Manatili kang may takot sa Dios. Huwag mo iwawala ang pag asa dahil ang pag asa na tinutukoy sa Biblia kundi si Cristo. Nandyan man sila sa paligid, nakasunod man o nakatingin, ang takot ay nasa isip lamang. Kung patuloy kang padadaig sa takot habang buhay ka nalang matatakot. Kaya para sakin hindi naging madali ang Phobia pero sa Awa at tulong Dios kahit saan ako magpunta bitbit ko ang Espiritu Santo buhat sa langit. Ang kwentong ito ay hango sa totoong buhay hanggang dito na lamang ang ating Istorya.

THE END

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALABANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon