Lolo

1 0 0
                                    


Dumating ang aming Lolo Gil galing Probinsya (Quezon) dahil debut ng aming pinsan na si Euni. Gabing gabi na sya nakarating sinundo sya ng aming mga tito gamit ang Van.

Doon pa lamang sa Quezon ay sobrang aligaga na daw ang lolo at gustong gusto na talaga makaalis.

Nasa taas ako noon ng bahay dahil gabi na nga patulog na kaya ang sabi ko sa isip ko ay Bukas na lamang ng umaga ko kamustahin si Lolo.


Ngunit...




Nagising ako...








Wala na ang Lolo Gil namin na kabonding namin magpipinsan dahil marunong makisakay sa trip ng kanyang mga apo.


Nagising akong umiiyak na si mama At yakap yakap si Lolo na nakahiga. Hinawakan ko din si Lolo at malambot pa sya. Noong una indenial pako na sabi ko baka Tulog lang sya pero Wala na daw talaga.

ito ang nakakapagtaka naikwento lang to sa amin nila Tita Nhi dahil sila ang nagbabantay noon ang kwarto nila ay nasa taas si lolo naman ay nasa baba.

Bumaba daw si Tita Nhi upang tingnan si lolo pag tingin nya ay Wala si lolo sa higaan kundi

Nasa lababo nakaupo at nagbabalanse na nakadekwatro pa di ko alam kung paano ipaliwanag basang basang na sya dahil bukas ang gripo.



Nagtataka kaming lahat kung paano nya nakayang umakyat doon e paglalakad palang hapong hapo na at nakaya nya pang magbalanse.



Dali daling binuhat si Lolo at pinalitan ng damit. Hinaplasan ang buong katawan Para maginahawaan sa pagtulog ngunit ...

Yun na pala ang huli pang habang buhay na pala ang pagtulog nyaaa.

Alam namin at sinasabi nya din na May anting sya. Ngayon kanino nya kaya naipasa? Pero ang sabi nila Kung sino daw pinakaunang lumapit sa kaniya dun daw yun mapupunta at  basta na lamang daw yun susuot sa mga butas mo sa katawan.

Kung ikaw tatanggapin mo ba?

Kwento Ni Kath  (Ongoing)Where stories live. Discover now