-- ito ay karugtong noong "Lolo"
Ang aking bunsong kapatid si "Zer" ay isa sa mga paborito nyang apo bagama't di nya sinasabi pero ramdam namin na Sya ang paborito. Siya kasi ang pinakamakulit at pinakabunso sa lahat ng kanyang mga apo. Kakulitan at kaasaran nya noong nabubuhay siya.
3 araw binurol sa aming bahay si Lolo at iuuwi namin sya sa Quezon at dun muli ibburol at ililibing.
Tinitingnan niya ang aming lolo na ngayon ay nakahiga na panghabang buhay. Sumisilip silip lang sya at nagpapasama sya sa Akin magcr bigla syang naduwag😅 niloloko ko pa nga e
Di sya makatagal sa Cr (6 palang sya nung time na yan) paglabas nya di sya makahinga inom ng inom ng tubig at gutom na gutom. Nagsalita din sya na parang hndi sya isang batang 6 na taong gulang.
Zer ikaw ba yan?? Nasan si Zer??
Tanong ni papa sa kanya,
Tumango lamang sya Habang buhat ng isa naming pinsan.
Masaya ako kasi lahat kayo nagkasama sama"
Sabi ni Zer"
Ako ang paborito ng Lolo, paborito nya ako
Sabi nya
Naintidihan namin na kung si Lolo ang Nagpapakita sa kanya ay wala syang balak saktan Sobrang ngluluksa kasi kami at nasasaktan sa biglaang pagkawala ng aming lolo.
Ngunit noong nagpatingin kami sa magaling na mangagamot ay hindi daw ang aming lolo kundi yung nakatira sa amin na elemento.
Sa isip ko lamang ay marahil sinasamantala ng elemento na iyon ang kahinaan ng aming pamilya dahil nga nagluluksa kami. Kahit mahina kami at madaling mapasukan.
Pero bakit ganun...
Yung kapatid ko na dating Masayahin at Mapangasar biglang umiba ang ugali
Kahaintulad na sya ni lolo na tahimik na at laging nakadekwatro. Basta mahirap ipaliwanag pero kung kayo ang lagi kasama Malaman nyo may nagiba talaga.
-- binigyan din pala si Zer ng Pangontra ng manggagamot.
Pero nagbukas ang third eye Ni Zer...
YOU ARE READING
Kwento Ni Kath (Ongoing)
Hororkoleksyon ng mga naranasan ko at naranasan ng mga kakilala ko na magpaparamdam sayo ng kilabot. Maaari din kayo magsend sakin ng Kwento ninyo.