Chapter 1
"Hirap naman nito..." rinig kong bulong ni Theo na katabi ko.
May quiz kami ngayon sa pinakamahirap na subject namin kaya halos lahat ay nakatulala at halos umiyak dahil sa hirap.
Pahabol na quiz lang ito ng teacher namin para sa'min. Bakasyon na next week pero ayaw parin mag paawat ng mga teachers namin.
Kanina pa ako nag sasagot dito at aaminin kong mahirap talaga pero mas mahirap kung hindi ka pa nag review.
"Okay, Class. Pass your paper forward. finish or not finish." utos samin ng professor namin kaya dali dali na naming pinagsasagutan ang papel namin, yung iba pa ay hinuhulaan na lang para may sagot.
It's better to have an answer kaysa sa wala.
Pagkatapos makuha ang mga papel namin. Nag paalam na rin ang teacher namin at agad ding naman umalis.
"Nakakainis! Hirap naman ng quiz!" reklamo sa'kin ni Theo.
"Hindi ka lang talaga nag aral"
"Hoy! nag aral ako nuh! napuyat pa nga ako kagabi"
"Mama mo napuyat"
"huy grabe ka sa mama ko! susumbong kita kay mama!"
Nilagay ko na sa balikat ko ang bag ko at iniwan siya dun para kumain na sa canteen. Sunod sunod ang klase namin kaya gutom na gutom ako ngayon. Feeling ko nga ay mahihimatay na ako sa gutom dahil hindi rin naman ako kumain sa bahay ng breakfast dahil ayoko kasabay ang mga magulang ko.
"Kakain ka na? sabay ako" habol sa'kin ni Theo sabay akbay sa akin.
Hindi ko na nga pinansin, humabol pa.
"May magagawa ba ako?"
Kahit naman tanggihan ko siya ay sasama parin siya. Ganiyan yan kakulit.
Pagkapasok namin sa cafeteria ay agad ko namang nakita ang mga kaibigan ko.
"Dillan, Nakita ko na instagram nung lalaking pinapahanap mo sa'kin." tuwang tuwa na sabi ni Rubby.
"Talaga? Patingin ako." agad kong kinuha ang cellphone niya para makita.
He has a lot of followers. Wala rin siyang profile.
How come na ang poging katulad niya ay walang pitcure sa social media?
Naalala ko nanaman ang pag iwan niya sa'kin sa hotel. kinabukasan nung nagising ako ay wala na siya sa tabi ko at ang malala pa dun ay nag iwan pa siya ng pera na akala mo ay bayarang lalaki ako.
Kaya agad kong pinahanap kay Rubby ang social media niya. Ang babaeng yan ay kayang hanapin kahit sino sa social media kahit hindi niya kilala.
Magaling mag hanap
Reid Axman
@iam.reid1 post 10,023 followers 0 following
Sobrang lowkey naman niya sa social media! halos wala akong makikita maliban lang sa isang post niya na dump photos ng mga pinuntahan niya at mga sunset. wala rin siyang highlights at bio!
paano kaya 'to nabubuhay?
Nang makita ko na wala na akong makikita sa account niya, sinauli ko na ang cellphone ng kaibigan ko.
"Thank you.." nakangiting kong saad sa kaniya
"Sino yun?" curious na tanong ni Yves.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala silang lahat sa'kin parang curious na curious.
YOU ARE READING
Holding On To You (LU SERIES 1)
RomanceDillan Fuentes is an academic achiever and a medical student. He's afraid of failure. In order not to disappoint his parents, he did everything he could to make them proud. He did whatever his parents wanted, even though he wasn't happy about it, bu...