Prelude

53 1 1
                                    

"Ayos na ba 'yan?! 'Yong flower sa vase bago ba 'yan? Allergic si Mr. Montegier sa hindi fresh na bulaklak!" tarantang tanong ni Kashi sa staff na naka-assign sa floor na ito.

Nasa 40th floor kami ng Montevier Real Estate Company. Pinagdikit ko ang dalawang labi upang itago ang sumisilay na ngiti. Hinilot ni Kashi ang sintido bago problemadong lumapit sa akin. Tumikhim ako at umayos ng tayo habang hawak-hawak sa dibdib ang tatlong patong ng folders.

"Inhale, Exhale, Ma'am..." saad ko.

Tumingin siya sa akin at halatang kabado siya. Kahit naman ako, kabado. Naiintindihan ko siya, ilang taon na naming ginagawa ito. Pero ilang minuto na lang at darating na ang mabait naming boss, hindi kami pwede pumalpak.

"Anong oras na? Alle?" tanong niya.

Sinilip ko agad ang relos sa palapulsuhan. "Ten thirty am, Ma'am."

Pinagkiskis nito ang dalawang palad at luminya na ng tayo sa akin sa labas ng opisina ni Mr. Montegier. "Twenty seconds. Lalabas na 'yon ng lift." bulong niya.

Bigla tuloy namuo ang panibagong kaba sa dibdib ko. Tinuwid ko ang tayo at pumikit. Huminga ako ng malalim, five, four, three, two, one....

Tumunog na ang elevator.

The bright and lively hallway became dull and heavy as expected. His familiar scent scattered all around the place and a man walking elegantly strode in front of us. In his three piece dark gray suit, clean brushed-up hair leaving no strands on his face, chestnut narrowed eyes and grimed line lips, made us all in stunned.

He has a group of people behind him. Professionals group of people.

"Good morning, Mr. Montegier."

"Good morning, Sir..."

Sabay naming bati ni Kashi. Patuloy lang ito sa paglalakad hanggang makapasok sila sa opisina niya. Napabuntong hininga ako nang mawala ang presensya niya sa hallway. Lahat ng tao rito ay ganoon ang naging reaksyon.

Tinapik na ako ni Kashi upang sumunod na kami sa loob. Naglakad na kami at medyo napahinto pa ako sa tapat ng two door style ng office.

Executive Director

I shook my head and followed Kashi. Huminto kami sa tapat ng malaking mesa nito. His background was the overview of Metro Manila. Ang mga kasama nito ay nakaupo sa visitor's couch.

"Tell me what happened." malamig na turan nito.

Nagkatinginan kami ni Kashi bago ko inabot sa kanya ang unang folder. Naglalaman iyon ng sales last-last week sa Tagaytay projects. Kitang-kita ko ang panginginig ng kamay nito habang binubuklat ang folder, bago nilagay sa mesa ni Mr. Montegier.

Ilang taon na naming ginagawa ito at nakakaharap si Mr. Montegier para sa emergency reports. Madalas ito sa trabaho namin. Pero ang ganitong pagkakataon, na malalang kaba ang dala ang namin ay nangyayari ata every year.

Nagkataon na nagkaroon ng problema sa sales and management ang Tagaytay projects, at under namin iyon. Hindi kami makakilos ng maayos dahil kailangan namin ng go signal ni Sir sa lahat ng desisyon namin. Ang problema, nasa Los Angeles siya ng three weeks.

Three weeks!

Kasama ang girlfriend niya. Pero anong nangyari? Mag-isa niyang umuwi. Nagbreak sila. At hindi ito ang unang pagkakataon, last year dinala niya ang ex-girlfriend niya sa Europe. Nagbreak sila pag-uwi. At tuwing natataon na may problema sa kumpanya at heartbroken siya, parang maghahalo ang tubig sa langis. Balat sa tinalupan. Yelo sa lava ng bulkan.

Bakas na bakas sa mukha nito na hindi siya mabibiro ngayong araw.

"Nagkaroon ng delay sa delivery ng international materials, naabutan ng holiday. Kaya napilitan mag-purchase sa locals companies na nag-su-supply ng materials pero doble na po ang presyo. Hindi pwedeng ihinto ang construction sa Tagaytay kaya hindi na po nahintay..." humina na ang boses ni Kashi nang balingan ito ng titig ni Mr. Montegier.

This Time You Were with Me (To the Dreams of my Youth Series 2)Where stories live. Discover now