CHAPTER 2: Muling Pagkikita

1 0 0
                                    


Nasa Marriano Hospital na kami ngayon mga 20 minutes ay magsisimula na kaming magshooting. It was 4:30 pm, nakikita ko na maraming tao sa labas at karamihan ay mga fans namin ni Selen.

"Emily.." tawag sakin ng assistant director kaya napalingon naman ako "Punta ka na daw don sa labas" dagdag pa niya at tumago nalang ako.

Pagkalabas ko sa entrance ng ospital nakita ko agad na pinapatabi na ng ilang guard ang mga tao dahil doon dadaan ang kotse na sasakyan ko papunta dito. Kinawayan ko ang ilang mga tao doon at tumili naman sila. Kasunod ko ang ilang staff at si Selen papunta sa itim na sasakyan.

" Sige, kayong dalawa pumasok na kayo dito sa likod. Selen ikaw yung magda-drive and Nico, sasandal si Emily sayo, dahil nahimatay siya. Dapat malungkot kayo dito ha? Yung tipong grabe na yung pag-alala ninyong dalawa kay Emily" instruction ni direct " Then Selen lilingon ka sa likod pagkahinto mo roon sa entrance ng hospital..maliwanag?" dagdag pa niya

Tumango tango nalang kami at inayos ng ilang stylist yung damit namin at yung kunwaring dugo sa noo ko sa sa damit ni Nico. Narinig naming na nag-cue na si Mamang Onnie kaya inistart ni Selen ang kotse. Nagsimula na kaming umarte-arte, umiiyak sila ni Selen at Nico habang ako ay nakapikit ang mata na tila ba natutulog.

Ilang takes din ang ginawa naming sa eksenang iyon dahil paminsan-minsan natatawa kami ni Selen sa pag-iyak ni Nico, minsan din kasi ay nabubulol siya sa mga linya niya. Kaya hindi naming mapigilan tumawa pero pinipigilan naman naming kaya lang nagbuburst out talaga. Sa last na pagkakamali ni Nico kitang kita ko na medyo naiinis na si Mamang Onnie.

"Umayos kana Nico. Parang naiinis na si Mamang.." sabay kantiyaw ni Selen "Huwag kasi kayong tumawa" kunwaring naiinis na sabi ni Nico "Oo hindi na basta huwag kang mabulol" sabi ko sabay tawa naming ni Selen.

Sa pagkakataong yon hindi na talaga nabulol si Nico. Pagkahinto ng sasakyan ay simigaw ng cut si Mamang. Sa panaglawang eksina ay binuhat naman ako ni Nico papunta sa loob ng ospital. Naririnig ko na humihingi sila ng tulong sa loob ng ospital at rinig na rinig ko rin ang pag iyak ng dalawa. May mga taong lumapit sa amin at naramdaman ko na hiniga ako sa isang gurney.

Natapos ang eksina na yon pero ganoon parin ilang take rin yon. Nag break muna ng 1 hour para magbihis ako ng pang-ospital na damit at sila Selen at Nico para sa day 2 na eksina sa ospital.

Lumabas ako sa dressing area namin at naglibot-libot sa second floor ng hospital kasama ang isang guardia na naka assign as akin. Habang naglilibot ako, humarap ako sa glass window ng ospital. Nakikita ko ang ilang mga pasyente na naglalakad, nag-uusap at nag-lalaro sa parang isang malaking park ng ospital. Habang pinapanood ko sila may napansin akong parang familiar na pustura may pumasok agad sa isipan ko, pero na isip ko na hindi naman siguro siya iyon.

"Imposible... hindi siya yan.." bulong ko at nagulat ako ng may nagsalita sa gilid ko. "Anong binubulong mo dyan?" curious na tanong ni Melody. Gulat akong napatingin sa kanya habang siya naman ay naghihintay ng sagot while raising her right eyebrow.

"Ahh wala, may nakita lang akong familiar na tao ron" sabay tingin kung saan ko nakita ang familiar na tao, pero paglingon ko bigla nalang nawala. "Saan doon? Ang daming tao ehh. Pasyente ba?" tanong ni Melody habang pilit na hinahanap yung nakita ko. "Nasan nayon? Umalis na siguro, tska baka nagkamali lang ako" sagot ko sabay harap sa kanya.

"Ayy oo nga pala sinabihan kana ba ni Ate Lesley na sasama tayo nila Selen at iyung iba pang mga co-artist natin sa isang medical mission next month? Tanong ni Melody.

"Hindi, pero saan naman gagawin ang medical mission? Tanong ko. "Well yan ang hindi ko alam. Narinig ko lang naman yan sa manager ko." Sagot ko. "Tara na.." aya niya sa akin.

Nasa isang room na kami ngayon, gingawa ang ilang scene. Ako naman ay nakahiga sa kama habang sinasabi ang ilang mga linya

Natapos na rin ang shooting namin para sa hospital scene. Pumunta na kami sa dressing area para magbihis at babalik pa kami sa bahay na kununan naming kahapon.

Pagkatpos kong magbihis tinawag kami ni Mamang Onnie para magpasalamat sa mga nurse, doctor at ilang tao sa ospital lalo na yung fans namin.

Pagkapasok ko sa galing sa likod ng ospital maraming tao na ang nandon sa loob, nasa likod ng hospital kasi yung dressing area namin. Tinawag kaagad ako ni Mamang at limingon yung ibang tao sa akin.

"Hi everyone" bati ko sa kanila habang naka smile.

"Everybody listen gusto naming magpasalamat sa inyong lahat lalo na kay Mr. Marriano, pero wala siya dito ngayon but.." sabay tawa niya ng mahinhin "We are so thankful that he allow us to shoot here and also to the staff, nurses and doctors thank you para sa pag welcome sa amin dito. Also sa ilang mga fans na nandito, thank you dahil you all obey the rules and sa mahabang paghihintay sa inyung mga idol. May announcement lang ako bago sila magsalita" turo sa amin ni Mamang. "Next month magkakaroon ng medical mission ang mga cast ng movie na ito, so ilang mga nurses and doctors from here ang kasama nila para sa isang medical mission. So.. ngayon hindi ko na papatagalin pa, magsasalita na sila isa-isa. Who want's to start?".

Nagstart na nagsalita si Nico tapos sina Selen, Melody, Rex and they other artist. Second to the last naman ako na nagsalita.

"Hello ahmm... I'm just gonna say thank you sa mga taong nandito ngayon especially sa mga fans ko for patiently waiting. Also, I'm excited to attend the medical mission, well it's not my first time to attend a medical mission but I'm so happy to join and to help other people out there." Sabi ko.

Panghuli namang nagsalita si Nico. Habang nagsasalita si siya nagulat ako sa nakita ko sa harapan ko. Parang bumagal takbo ng oras, hindi ko na nariring ang mga sinasabi ni Nico. Tila ang kabog ng aking dibdib lang ang aking naririnig at siya lang ang aking nakikita na para bang naglaho ang mga tao sa paligid. Tama ako siya yun kanina.

"Emily?..Emily?.. hooy" natauhan ako ng tinawag ni Melody ang aking pangalan.

"Anong nangyari sayo, ok kalang ba?" nag-aalalang tanong ni Rex. Ka loveteam ko sa pelikulang ito, isa din siya sa mga sikat na artista sa panahong ngayon. Tumili naman ang mga tao nanasa paligid ng hinawakan niya ang aking kamay.

"Ahh, Oo may iniisip lang" sagot ko habang unti-unting kinukuha ang aking kamay sa pagkakahawak ni Rex, para hindi mapansin ng ilang fans na hindi ko gusto si Rex.

"Okay.. everyone mabilisang picture and signing lang ito ngayon ha kasi pupunta pa kami sa next shooting location at para makapagpahinga na rin sila." Malakas na sigaw ni Mamang Onnie para marinig ng lahat.

"Teka lang, doc Dave" tawag ng isang doctor sa lalaking nakita ko kanina. "Ahh direk si doc Dave isa sa mga mahusay na doctor dito" lumapit ang lalaking doctor kay Mamang at bumati siya sa amin.

Kahit na hindi ko naman siya katabi sa picture taking ay kinakabahan parin ako. Ito yung pangalawang pagkakataon na makasama ko uli ng malapitan ang long time crush ko. Hindi ko inaakala na nandito na pala talaga siya sa pilipinas. Ang huli kong balita sa kanya ay nasa ibang bansa siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magic of LoveWhere stories live. Discover now