Who are you?

298 11 4
                                    

Masakit pala ang magmahal.

Masakit pala ang maiwan.

Kung alam ko lang sana na ganito pala kasakit ang umibig.

Hindi ko na sana sinubukan.

Hindi ko na sana pinakinggan ang malamyos nyang tinig.

Hindi ko na sana tinitigan ang maamo nyang mukha.

Kung alam ko lang.

Hindi sana ako nagpadala sa malalagkit nyang titig.

Hindi ko na sana hinagkan ang mapupula nyang labi.

Hindi na sana...

Only Hope-by Mandy Moore

So I lay my head back down

And I lift my hands and pray

To be only yours

I pray to be only yours

I know now you're my only hope

Hindi ko pansin ang sigawan ng mga tao. Naka focus ang mata ko sa babaeng nasa stage ngayon. Napakaamo ng kaniyabg mukha, bagay na bagay ang kinakanta niyang "Only Hope" ni Mandy Moore.


Napakaganda ng kanyang tinig, pakiramdam ko'y para akong dinuduyan ng hangin.

Hindi ako madaling ma-inlove, hindi kasi madaling magtiwala ang puso ko. Hindi ako madaling magka interes sa mga bagay bagay. Hindi rin ako magaling makipagkaibigan, hilig ko lang ang mag isa,magtrabaho, magbasa, magsulat at magcompose ng kanta. Sa dami nang compositions ko, wala akong kanta na patungkol sa romantic feelings.

Nagawan ko na yata ng kanta ang lahat ng bagay, kahit ang nanahimik na pugad ng ibon sa taas ng puno nagawan ko na yata ng kanta, maliban sa LOVE. Mahilig akong makinig ng mga love songs but I can't create one. Hindi pa ako na-i-inlove kaya siguro hindi ako makagawa, maybe I need an inspiration and I think I found her.

Naaya ako ng pinsan ko sa isang mini concert kaya ako ngayon naandito at kanina pa matiyagang pinakikinggan ang napakaingay na tunog ng banda. Paalis na sana ako ng marinig ko ang tinig ng babaeng nasa stage ngayon, pagkatapos nyang kumanta ay pumuwesto na ako malapit sa backstage, hindi ako papayag na hindi makilala ngayong gabi ang nagmamay ari ng malamyos na tinig na yon. 

Matiyaga akong naghintay at hindi rin naman nagtagal ay lumabas din sya. Agad ko syang sinundan ng palihim, nawala kasi bigla ang lakas ng loob kong magpakilala kaya balak ko sanang ihatid na lamang s'ya ng hindi n'ya nalalaman.

"Bakit mo ba ako sinusundan ha?" 

Halos muntik akong atakihin sa puso ng bigla syang humarap sa akin habang nakapamaywang. Wala sa loob na napatingin ako sa likod ko, sa pagbabakasakaling hindi ako ang kinakausap nya but unfortunately ako lang ang tao na nasa harap nya.

"Ano..kasi" 

Hindi ko alam kong saan napunta ang dila ko at hindi ako makapagsalita ng mayos.

What's your name?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon