One: Love and war

3 0 0
                                        

ONE
Love and war

Truth to be told. There are those who are very fortunate in their friendship and romantic life. But not everyone can have both. Either you have a fulfilling romantic life, or you will have incredible friends you can trust your whole life. Luckily, I have the latter. God brought me annoying individuals to fill the void in my heart because He know that my life with a man would be a disaster or atleast that is what I thought.

I am actually grateful to have the team around me. Lalo na sa mundong ginagalawan namin. We only have each other most of the time. Walang nakakaalam ng nangyayari sa buhay namin, but us. Others doesn't know that our so called scholarship comes from an underground industry. That is why during tough times, we only have ourselves to rely on. Pinalaki at tinuruan kami ng organisasyon maging malakas mentally and physically. We were trained for more than 4 years to became this skillful at halos mahigit apat na taon na rin naming ginagawa 'to. There are times na napapaisip ako kung bakit nga ba ako pumayag sa ganitong sitwasyon. Siguro ay dahil sa pera? Or maybe this is just the aftermath of my rebellion nine years ago. But the choice was already made, and I've never regretted choosing it.

"DANE!"

Napatigil ako sa paggawa ng plates nang nagmamadaling pumasok si Arianne at Gelay sa kwarto ko. Itinigil ko ang pagpupunas ng drawer.

"Ano na naman?! Can't you just let me clean my place in peace?!" Iyamot kong tugon. Agad na sumampa si Arianne sa kama ko. Inilapit sa akin ni Gelay ang tray na mayroong dalawang syringe. Poisons. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Ito. This will make you rest in peace." Natatawang sabi ni Arianne. Gelay is an expert on that field, kung ano-ano ang ginagawa niyang poisons. Iba-iba ang epekto. She is a modern witch, to be honest.

"Itong kulay brown, this will allow your target to feel dizzy. Pero hindi sila mawawalan ng malay. This is enough to make them feel nausea." Iniabot nya sa akin ang syringe. Wow. We could use this tomorrow. I placed it inside my drawer together with my other weapons.

"Eh ito?" turo ko doon sa kulay light pink na liquid doon sa syringe. Kinuha ko ito mula sa tray saka tinitigan. I love the color!

"Gayuma. It lasts for a day, I guess?" sagot ni Arianne. Hindi naman siya gumawa ng poison bakit ba siya sagot nang sagot? How did she- don't tell me..

"Did you fucking tried it?" Napangiwi ako nang tumango siya.

"You know we always need to try our poisons to someone bago gamitin sa kalaban. I have my boyfriend here anyways." sabi nya habang natatawa pa dahil sa hitsura ko. I knew her and Lyle were in a relationship for a while now, kabilang din siya sa organization but he is in a different team.

"Sa'yo na 'yan. Baka sakaling yan na ang magwawakas sa pagiging NBSB mo." sabi ni Gelay at agad ding tumakbo palabas. "Goodnight! Gamitin mo 'yan bukas ha!" she said bago tuluyang isara ang pinto. Bakit ko naman gagamitin ang lintek na gayuma sa mission? Napalingon ako kay Arianne na nakahiga pa rin ngayon sa tabi ko.

"Wala ka bang kwarto?" I sarcastically asked. Lahat naman kasi kami ay may tig-iisang kwarto sa building na'to, more like sa ilalim ng building na ito. 

"Damot naman," sabi nya bago bumangon. She looked at me, worried. "Alam mo, I feel bad on this one. Lagi akong nababahala sa buhay nating lahat, pero iba ang pakiramdam ko sa isang 'to. Kahit sabihing may tiwala tayo sa isa't-isa, hindi mo pa rin masasabi na ligtas tayo lahat.."

I know how she is feeling. Kahit naman siguro sino sa amin ay hindi naiiwasan mag-isip nang ganito minsan."Don't you feel excited? Kating-kati na ako humawak ulit ng baril. Palagi nalang airsoft ginagamit sa training room. Iniisip siguro nilang magpapatayan tayo minsan." I tried to lighten her mood by staying optimistic, pero mas kumunot ang noo niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE SAVAGE TEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon