PROLOGUE

15 0 0
                                    


Bukas ako uuwi sa brgy namin dahil gabi raw matatapos dahil nga hanggang hapunan daw ang mga Craig dito. Ewan ko ba kung gaano ka rami ang at hana ang pag uusapan nila at aabutin sila ng gabi. Ang iba nga ay hanggang isang oras at kalahati lang pero sila hanggang gabi ba naman.


"I-ito na po yung order n-niyo." Kinakabahan kong ani at nilapag ang order nila. Biglang kumunot ang noo ko at na pag tanto na taga punas lang pala ako ng lamesa at bakit pinag serve pa ako.



"Oh?" Nagulat ang isang lalaking nakatingin saakin at pabalik balik ang tingin nila sa isat isa.



Yumuko na ako bilang pag galang para na rin maka alis na sa lugar. Naiilang kasi ako sa pag titig nila saakin feeling ko ay matutunaw na ako. May kasalanan ba ako sa kanila na hindi ko alam?


"You said Sky is in Australia, Why she's here in front of us?" Sabi ng lalaking naka kunit ang noong nakatingin saakin.


"Your girl is really cheating on you Shawn."

"Hindi lang niloko piniperahan pa nga tapos tinakbuhan sa kasal HAHAHHAA" Bago paman ma baliw ang mga ito ay umalis na ako. Pero biglang may humawak sa pulsuhan ko at hinarap ako.

"You will pay for all the shame you did to me sky." Napangiwi ako ng ma ramdaman ko ang kirot sa pulso ko dahil sa pag hawak nito.

Irita kong winaksi ang kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko at tinitigan ko sila ng masama.

"Sky? Pag taksil? FYI lang po mga sir ha. Ang mga sinasabi niyo ay hindi ko alam at wala akong alam! Taga punas lang ako ng lamesa dito at proud ako sa trabaho ko. Hindi ko kayo kilala at lalong hindi ko kilala ang pangalan na sinasabi niyo."

Nagulat ang mga mukha nila na tinitingnan ako, Ano kayo? Porket mga gwapo kayo ay hindi kayo sasagutin. Shuta tong mga to sky daw Australia? Nasa Australia naman pala eh.

"That girl is hiding something" Rinig kong sabi ng lalaki.

Marami rami sila kaya hindi ko masyadong matandaan ang kanilang mukha at boses dahil narin halos mag ka mukha ang mga to. Mga gwapo naman sila pero mukhang mga baliw.



"Hoy ikaw Rain Kilala mo pala si Mr. Shawn eh" Nilapag ko ang tuwalyang pang punas ng lamesa at sumandal sa counter.

"Hindi ko sila kilala lahat, Kaya hindi kk alam sino tinutukoy niyo."

"Ha!?" Umalis ako sa kakasandal at tiningnan sila isa isa.

"Di porket gwapo ang mga yan mga teh ay kilala na sa buong mundo." Pag sasabi ko ng totoo. Bakit totoo, Sikat sila dahil gwapo sila?


"Aba Rain wala ka atang cellphone at tv sainyo eh." Umirap ako.

"Tama kayo wala kaming gadgets, Bakit?" Taas kilay kong sabi dito.

"Sila lang naman ang pinakayaman dito sa pilipinas Rain, Bukod sa mga magulang nilang
sobrang yaman sila ang pinaka batang businessman dito." Napa O ang labi ko sa narinig.

Edi wow edi sila na ang pinaka pogi at pinaka mayaman sa pilipinas pero hindi ko patin nakakalimutan ang sinabi ng shawn na yun na ako raw si Sky. Tsk, Rain na nga pangalan ko tas Sky ang hinahanap nila.


"Aray naman." Napangiwi ako sa sakit ng hawakan ni Cindy ang kamay ko kung saan may pasa.

Oo nag ka pasa letse sobrang sakit feeling kk maiiyak ako eh.

"What happened to your hands, Rain." Napakagat labi ako dahil napa lakas ang boses ni ma'am at napalingin pa talaga ang customer sa gawi namin.

"Is our customer hurting you??" Umiwas ako ng tingin dahil ang mga Craig ay napatingi nrin sa gawi namin, Lalo na yung Shawn talagang masama pang nakatingin saakin.

"P-po?" Tinaasan ako nito ng kilay kaya napa taranta ako.

"H-hindi naman po ma'am, Na bundol ko po yung lamesa kaya nag ka pasa ako." Pag sisinungaling ko.

"Take care Rain We need you here in our shop" Tumango ako kaya umalis na rin ito. Inirapan ko ang table 5 Sa inis. Isa pang pag sabing ako si Sky at malilintikan ko silang lahat.



"Halatang nag sisinungaling. Posible na sa lamesa yan eh hugis bilog" Sabi ni cindy at tinuro ang kamay ko.


Hindi ko na lang ito pinansin at nag tungo na sa loob. Mag huhugas na naman kasi ako ng nga pinggan. Bumuntong hininga ako na makita ko ang mga hugasin na nag kalat sa lababo, Talagang sasakit buo ko nitong katawan.


**

"Ikaw saan ka matutulog rain?" Nag hintay silang lahat sa labas pag ka sira ng restaurant.


"Sa hotel" Maikli kong turan. Kita ko ang ngiti ni Cindy at inakbayan ako.

"Sosyal mo ah hotel pa talaga" Ngumiti ang ibang kasama namin kaya napatingin ako rito.

"Hindi ako mag babayad wag kayong assuming. Hindi nga sana ako pupunta rito dahil ayaw ko at wala akong tutulugan."

"Mabuti naman at may nag bayad para naka punta ka at marami tayo, Nakakapagod rin pag unti lang tayo" Tumango tango ang mga kasamahan ko bilang pang sang-ayun sa sinasabi ni Jason.

"Una na ako." Paalam ko, Malapit lang naman ang hotel dito kaya nag lakad na lang ako sa madiling na parte.

May puno na malaki rito kaya hindi masyadong maliwanag. Bigla tuloy akong natakot at baka may aswang rito.

"H-hello?" Napapikit ako ng mariin ng maramdaman kong may naka sunod saakin.

Tatakbo na sana ako dahil sa takot pero bigla akong na bundol sa matigas ng bagay.

"Get her." Dinig ko sa malamig na boses bago ako mawalan ng malay.









            DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

NOTE:

Maling grammar, Maling Spelling aasahan niyo sa storyang ito. So if you're perfect person umalis ka po. Ang storyang ito ay hindi para sayo.


WRONG BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon