Prologue

75 3 0
                                    

Athens

Lumapag na ang eroplanong sinasakyan niya. Agad siyang napasilip sa binta upang masilayan ang labas. Gumuhit ang ngiti sa labi niyang ngunit saglit lang iyon nang biglang sumagi sa isip niya ang isag tao. It’s been what, six years? Yes, it’s been six years nang magdisisyon siyang umalis at sumunod sa mamaniya sa Australia. Doon na din siya nagtapos ng college at nakapagtrabaho. Ang akala nga niya ay hindi na siya makakabalik ng Pilipinas dahil wala nang balak ang mama niyang umuwi ng bansa. Mukhang hindi pa talaga ito nakakamove on sa hiwalayan nila ng papa niya.

Nag-unat siya ng likod. Naramdaman na niya ang pangangalay noon. Mahigit walong oras din kasi ang byahe kaya nakakaramdam na siya ng bahagyang discomfort.

Nang tuluyan nang timigil ang eroplano ay minabuti niyang manatili sa kinauupuan dahil ayaw niyang makipagsabayan sa mga taong nag-uunahang makalabas. Ayaw niyang makipag-siksikan kaya mas mainam na paunahin na lang muna ang mga nagmamadali.

Ipinikit muna niya ang kanyang mata bago huminga ng malalim. Sa kadiliman ay biglang lumitaw ang mukha ng taong iyon. Napadilat siya ng mabilis. Ayaw niyang tumagal sa isip niya ang mukha ng lalaki.

Nitong mga dagdaang araw ay palagi na niyang naiisip kasi ang lalaki. Madalas nga ay dinadalaw siya ng mga alaala nilang dalawa. Minsan naman ay nagiging laman ito ng panaginip niya. Inisip niyang epekto marahil iyon ng kanyang nalalapit na pagbabalik sa Pilipinas. Kung hindi lang talaga emergency ay hinding hindi na siya sa bansa.

Nagdisisyon siyang bumalik dahil sa request ng papa niya. May sakit kasi ito at natatakot itong hindi na magtatagal. Ayaw sana pumayag ng mama niya pero wala din namang nagawa dahil kahit hiwalay na ang mga ito ay hindi naman nakalimot ang papa niya sa obligasyon nito sa kanya bilang ama. Minsan nga ay binibisita pa siya nito. Kaya nang tumawag ito at mag-request na samahan muna siya sa Pilipinas ay pinagbigyan niya ito kahit alam niyang may mga tao sa kanyang nakaraan na maaari niyang makadaupang palad.

Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan. Inabot niya sa compartment ang isang maliit na maleta at inayos niya ang sarili saka naglakad na palabas ng eroplao. Habang naglalakad ay agad niyang napansin ang mga ad signs na display sa mga dingding. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya akalain na bubungad sa kanya ang iba’t ibang endorsement signs ng lalaki.

“Pumayat siya?” Hindi niya maiwasang itanong.

Agad niyang sinaway ang sarili. Hindi na dapat niya concern kung tumaba o pumayat ang lalaki. Wala na dapat siyang pake-alam dito. Pero alam niyang niloloko lamang niya ang sarili. Kaylanman ay hindi naman talaga nawala ang lalaki sa sistema niya. Ilang beses na ba niya nahuhuli ang sarili na tumititig sa mga bago nitong mga poster sa internet. Ilang beses na ba siyang nakipag-unahan na bumili ng online concert ng grupo nito para makita ang performance niya.

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili. Mukha kasing nawawala siya sa sarili. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Bahagya siyang yumuko nang hindi siya ma-distract ng mga poster sa paligid.  

“Umayos ka self! Utang na loob umayos ka.” Bulong nito sa sarili.

Papalabas na siya ng airport nang mapansin niyang napakadaming tao sa paligid na para bang may hinihintay. Nagtataka man ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nagsigawan na ang mga tao sa paligid. Bahagyang nagkasiksikan na sa kinaroroonan niya kaya sinikap niyang makaalis na agad doon.

“Aries, ang pogi mo!

“Christopher, pa-kiss!

“Chase, be mine!”

“Eziekeil, I love you!”

Napaangat siya ng kilay sa mga isinisigaw ng mga tao sa paligid. Ngunit natigil siya dahil familiar ang mga pangalan na binabangit ng mga tao doon. Mabilis siyang umangat ng tingin at doon lamang niya napagtantong nagkalat ang mga signage at banner ng grupong ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang makakasabay niya. Ang alam niya ay nasa US Tour ang mga ito. 

Muli siyang yumuko at sinikap na makaalis na doon. Kahit sabihing imposibleng mapapansin siya sa dami ng tao gusto pa rin niyang makalayo doon. Hindi niya gusto ang nagsisimulang umuusbong na damdaming nararamdaman niya. Muli niyang naalala ang sinabi ng mama niyang aksaya lang sa oras at pera ang pag-uwi niya. Somewhere in his mind ay nakaramdam siya ng pagsisisi na pumayag siya sa request ng papa niya. Pero sa isang banda ay inuusig siya ng kunsensya niya. His father is there for him always kahit hindi na nagsasama ang magulang niya. Palagi itong to the rescue sa tuwing nagkakatampuhan sila ng mama niya. Isang tawag lang niya at agad na lilipad ang papa niya upang damayan siya.

Mabilis siyang nakalayo sa lugar na iyon. Hindi niya namalayang hinihingal na pala siya dahil lakad takbong ginawa niya makalayo lang doon.

“Kung sa tingin mo ay maiiwasan moa ko, you better think again, Athens.” Naistatwa siya nang marinig ang boses na iyon. Its been a long time since he heard his speaking voice. Palagi niyang napapanood ang interview nito online pero iba pa din pala ang epekto kapag narinig mo iyo ng harapan. Flashes of memories surge in that makes his heart beat fast.

“Eziekiel…” Kusang lumabas iyon sa bibig niya nang hindi namamalayan. Ang lalaking pinagsisigawan ng mga tao kanina sa exit area ng airport. Ang lalaking iniiwasan kong makadaupang palad. Ang lalaking dahilan ng lahat.

“Good thing at kilala mo pa ako.” Napahigit siya nang hininga nang mapagtanto niyang ang lapit na nito sa kanya. “Pinapasabay ka ng papa mo sa akin.”

“Y-you should be with your group.” Sa wakas nahanap din niya ang composure niya na muntikan na niyang makalimutan.

“They can take care of themselves na. Malalaki na sila. Besides kung nandoon ako sina susundo sa batang nagmadaling umalis ng Pilipinas nang hindi manlang nagpaalam sa bestfriend niya.”

Napapikit siya sa isinagot ng lalaki sa kanya. Yes, he runs, or should we say he escaped from everything. Mainly, because of him at hindi niya iyon alam.

Kinuha ng lalaki ang dala niya at naglakad. Hindi na siya nagtanong at sumunod nalang dito.
“He really is a good looking person kahit nakatalikok.” Sa isip niya.

Hindi niya napigilang pasadahan ng tingin ang lalaki. He wears simple denim pants and plain white shirt. Naka-baseball cap siya at facemask to cover his face. He realized it was the new release reusable facemask from his own online store. Alam niya agad iyon dahil signature design niya iyon.

“Hey, walk fast small person.” Naningkit ang mata niya nang marinig ang tawag nito sa kanya. He is 5’7 at sa pagkakaalam niya ay hindi iyon maliit.

“I’m not small.” Sagot niya.

“You're small to me.” Anito. Nakaramdam siya ng inis dahil dito.    

“Mataas ka lang ng kaunti but it doesn’t mean you’re big.”

“Wanna see?” Alam niyang green joke iyon.

“Ang baboy mo!”

“But I am the best boar you’ll encounter.” Hindi na niya natiis ang mga banat ng lalaki.

“Umayos ka nga. Hindi ka nakakatuwa!” Singhal niya.

“Bakit, sa tingin mo ba, yung ginawa mo six years ago, natuwa ako?” Sagot niya. “I’m trying to keep it cool, Athens. So, bear with me. Dahil iyon ang ginagawa ko for you for the past six years!”

Hindi siya naka-sagot. Nahihimigan niya ang galit sa boses nito. Paano siya sasagot kung totoo naman ang sinabi niyang umalis siyang walang paala. Umalis siya basta-basta. Kahit dahil iyon sa lalaking kaharap he felt bad. After all, he was his best friend after all the drama.

Broken BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon