Chapter 1

27 2 0
                                    

Athens

July 2018

Isinarado ko ang workbook na sinasagutan ko. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga dahil sa dami ng dapat gawin. Wala pa mang isang buwan nang magsimula ang klase pero ang dami nang pinapagawa ang mga teacher.  

“Akala ko ba tapos ka na kanina pa sa mga asignment natin?” Puna ng kaklase kong si Chase.

“Tapos na nga.” Sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko.

“E kanino yang ginagawa mo?” Takang tanong niya. “Wait, hulaan ko, assignment yan ni Ezekiel no?”

Hindi na ako sumagot dahil totoo naman ang hula niya. Kung hula nga iyon. Matagal ko nang kaklase itong si Chase at masasabing kilala na niya ako.

“Sana ako na lang si Ezekeil para may taga gawa ng assignment ko.” Nag-makeface pa ito na parang iiyak. Tumaas ang kilay ko sa kanya dahil hindi bagay sa kanya ang ginagawa niya.

“Ulol! May pa-try out kasi sila ngayon para sa volleyball team ng school. Malamang gagabihin na sila. Wala na yung time sumagot ng assignment mamaya.” Explain ko.

“Okay, sabi mo e.” Halatang nang-aasar ang gago. “Siya nga pala Pres, approve na ba yung banda natin?”

Last year pa niya nilalakad ang paggawa ng opisyal na banda ng school pero hindi iyon naaprobahan ng dating student council president sa hindi malamang dahilan. Hindi tuloy nakasali ang banda sa interschool battle of the band kahit may kakayahan itong makipag-toe to toe sa ibang school representatives.

Ngayong ako na ang umuupong student council president ay sinigurado kong maaprobahan ito. Sayang din kasi ang ang pagkakataon na mapamalas ang galing ng mga miyembro ng banda.

“Check mo sa buletin board.” Maikling sagot ko.

“Sabihin mo na kasi, Pres. Ang layo kaya ng student council office.” Bumusangot ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa dahil sa itsura niya. Napailing pa ako habang nilalagay ang bag ko sa likod.

“Tigilan mo nga iyan.” Saway ko. “Hindi bagay sa’yo”

“Ehem.” Sabay kaming dalawa ni Chase na napatingin sa pinanggalingan ng tunog. Nakatayo roon ang lalaking pawisan.

“Tapos na ba kayo?” Tanong ko sa lalaki.

“I ask the coach for a break.” Walang kalatoy-latoy na sagot niya.

Lumakad ito papalapit sa amin ng kasama ko. Walang sabisabing kinuha nito ang bag ko.

“Ako na kaya ko na ‘to.”

He hissed so I let him carry my bag.

“Hi Capt!” Bati ni Chase sa kanya na tinanguan lang niya.

“Do you still need anything with him?” Tanong niya sa kasama ko.

“No. I’ll go to Student Council office nalang.” Pormal na sagot ni Chase. “Bye, En.” Pagkasabi noon ay kumaripas na ito ng takbo palabas ng room. Para namang walang pake ang lalaki sa ikinilos ni Chase.

“Let’s go. I only have thirty minutes.” Bitbit ang bag ko ay mabilis niyang tinawid ang pagitan ng kinatatayuan namin at ang pinto ng silid.

Panandaliang napaawang ako ng bunganga. Hindi ko talaga siya ma-gets kung minsan. Pero dahil ayaw kong maiwan ay minabuti kong bilisan ang paglalakad para hindi maiwan. Bakit kasi ang lalaki ng hakbang niya.

Ezekiel Ramirez is a Grade 12 STEM student. He is currently the tean captain ot the school volleyball team. Non-chalant kung minsan, madalas walang pakealam. Akala nga ng iba suplado dahil sa mukha niyang napakaseryoso at napakadalang ngumiti.Takot din siyang lapitan ng ilang mga studyante dahil sa way niya ng pagtingin. I find it cute sa totoo lang. Ewan ko ba sa lalaking ito at napaka socially awkward. Pero kung kikilalanin lang siya ng maayos ay masasabing magaan siya sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken BoundariesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon