Naranasan niyo na bang maging option ng isang tao?
Yung magmahal ng taken?
Eh yung habang maygirlfriend siya tas parang may something sa inyo?
Yung sinasabi niyo sa isa’t isa yung 3 makabuluhang salitang yun.
Caring siya sayo pero may girlfriend siya.
Yung tipong papakainin ka kapag ayaw mong kumaen.
Tapos magagalit pa kapag hindi ka kumaen.
Papainumin ka ng gamot kapag may sakit ka.
Itetext ka minuminuto.
Yung ang bilis niyang magreply.
Tatawag pa bago matulog kasi gusto madinig boses mo at para sabihan ka ng good night at I love you.
Pero yung habang nasanay ka na, bigla na lang siyang mawawala…
Masakit yun dba?
Sobra.
Ako nga pala si Reign. Reign Villafuerte. 3rd year. Masiyahin. Happy go lucky. Hindi mayaman, hindi mahirap, kumbaga tama lang. Sa private school nagaaral. Maraming kaibigan. At isa na siya dun…
Gusto niyo malaman kung paano nagsimula ang lahat?
February 14, 20**. Junior-Senior Promenade namin.
Masaya ang lahat, nagsasayawan, nagkakatuwaan, nagtatawanan. Tapos na kasi yung main program kaya puro sayawan na lang. Slow dance, kpop, etc. yung pinapatugtog. Basta mas madalas ang slow dance kasi kapag iba ang tugtog walang sumasayaw. Hanggang sa dumating na ang tamang oras na pinakahihintay ng lahat, huling sayaw.
Ito na ang ating, huling sandali.
Di na tayo magkakamali.
Kasi wala ng bukas,
Sulitin natin ito na ang wakas. Kailangan na yata nating umuwi.
Andun ang karamihan sa gitna, sumasayaw. Ako at yung iba kong kaibigan nakaupo lang. Ewan ko pero, naiyak na lang ako bigla sa tugtog.