Tuwing nAkikita kita Nasasaktan pa rin ako
Single is not a status, it is a word that describes a person who is strong enough depending on others....
Sa buhay, maraming beses kang magmamahal. Pero may isang taong darating na di mo makakalimutan , di man siya ang makatuluyan mo siya naman yung taong nagbigay ng tatak sa puso mo..
Ako si Charlene at ito ang love story ng buhay ko...
1st day high! As usual section B, since elementary di ko inaasahan kaklase ko si melissa ang best friend ko nung elementary; tinawag ko rin siyang "mel". Pati na sina Joe, Aljhon at Maria Michaela. Hanggad ko lang noon ang normal na high school life. Nakatabi ko si Michele na noo'y kulot at ngayo'yrebonded ang buhok. Nagbell na at late nang dumating na si Price ; first inmpression ko dyan may pagka... bakla!! Sapagdaan nang oras madami pa akong nakilala at naging kaibigan tulad nina Alysa, Ailese, Gretchen, tsyi, Lozaro, at Mercedece. Nakatabi ko si Ray (makulit, nakakatawa) mabait sya sa mga taong totoo sa kaniya. Nakilala rin namin si Tan at Myka Ayreen. Sa paglipas ng panahon naging malapit sa isa't-isa si Ray at Myka, kaya nakipagpalit sakin ng upuan si Myka. Buti na lang hindi napansin ng terror naming teacher!! Doon ko nakatabi si Tan... Masarap kausap si Tan hindi mo mararamdamang iba ka sa kanya. Kung makakausap mo siya mabilis kang mapapalapit sa kanya; bukod sa makulit siya, mayabang, at may pagkapresko may good side din siya mabait naman siya, gentleman, at mapagbigay. Naging madalas ang pagkukulitan naming, at di natatapos ang araw naming hindi kami naguusap. Walang epekto samin yung palagiang pangaasar dahil sa pagiging malapit namin. End of school year!!
Welcome 2nd year!!
Section B!! again... Akala ko kaklase ko si Tan at Mel pero napunta pala sila sa 1st section kaya ako ang naiwan, kaya tuwing breaktime ako lang magisa ang nakain namiss ko na yung lunch team namin, namis ko rin lahat ng pangugulit nila. Sa ika-4 na araw makalipas ang pasukan napalipat ako bigla sa 1st section, ang saya-saya ko noon dahil makakasama ko na si Mel at si Tan pero siya naman ung napalipat sa section B. I feel bad about that kasi di ko na siya makukulit at makakaasaran. Marami akong bagong nameet na kaibigan tulad nina Florainetina Marei Ignacio at Rio Haggaiach Lerone ang haba ng name nila pero ung patience nila sa isa't-isa napakaikli... hay.. Pagkalipas ng isang lingo nakausap ko si Joe, binigay niya sakin ung cell number ni Tan syempre noong una ayoko pero bandang huli pumayag din ako. Naiisip ko kasi bigla bakit nga ba hindi ko hiningi ung num. niya, matagal ko nanaman siyang kilala ang weird.. I'd try to text his number, then nagreply siya at simula nun nagkakatext nakami. At ang nakakapagtaka dito bakit kapag sa school hindi nya ako kinakausap ni "hi" or "hello" wala kahit smile!! Gusto ko sanang itanung kung bakit ..pero laging umaayaw yung isip ko na malaman kung ano ang rason niya. Minsan napapadaanan ko siya ng mga gee-eem ko, nakung minsan chain messages natungkol sa love,; hindi ba kalimitan kapag ganito sinasabing may maganda at di magandang mangyayari. Nagreply siya sabi niya "I love you.. ", medyo nabigla ako sa sinabi niya nagblush tuloy ako with a smile. Sinabi ko sasarili ko ang sarap pala nang feeling ng may taong nagpapahalaga sayo. I realized that true happiness is not about a big laugh or tears of joy, it is about a simple smile whenever you remember someone who made your life simple but completely happy.
Nagpatuloy nga ang pagpaparamdam ni Tan ng mga feelings niya para sakin. Tulad na lang noong nag ka project kami ng section namin and we decided na mag overnight at magdamag kami magkatext at nakatawagan ko rin siya. Kinaumagahan noon biglang naging curious ang mga ka group ko tungkol sa status naming dalawa kaya tinanung nila sa kin sa may poolside sa clubhouse nung subdivision kung may feelings din ba ako para kay Tan kasi every time daw na may nakikita akong babae na nagiging ka close niya lagi daw akong naiinis. I admit na totoo yun sinabi ko rin na baka nga meron akong feelings para sa kanya kaya tinulungan nila si Tan sakin dumating ang valentines day at talagang pinatunayan sakin ni Tan na kaya niya akong mahalin binigyan niya ako ng isang bouquet ng red roses na appreciate ko ung effort niya dahil ibinigay pa niya ito sa harap ng buong school. Deep inside sobra sobrang saya ko at gusto ko ng sabihing "I love you too!! ". Heto na naman at papatapos nanaman ang taon at alam kong iniintay ni Tan ang sagot ko pero hindi ko masabi sa kanya dahil nandito ang kapatid ko at kilala sa buong school halos lahat kilala siyang may pag ka bad boy. At bigla niyang nalaman na nanliligaw si Tan sa akin kaya pinagbantaan niya sa Tan pag katapos noon hindi na nagparamdam si Tan. Nagkamali ako dahil diko nasabi sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Nahihiya na ako sa kanya dahil 1 taon ko siyang pinag intay . Ngayon at 3rd year na kami walang pinagbago ung status namin walang connection sa isa't-isa. Dumating ung pagkakataon na hindi ko na mapigilan ung galit ko sa sarili ko dahil di ko nasabi sa kanya ung totoo I gave him a letter na nagsasabing 'mahal kita at sana may feelings ka parin sakin.' Pinabigay ko ito sa isa kong school mate. At ang flash back naman sa akin ay sakit dahil sa comment niya sa sulat ko "kung pwede huwag muna ngayon maguguluhan lang ako." Ito ang bagay na masakit sa love life wala akong magawa kaya naiyak ako at narealize ko na "I've made a wrong choice". Sa ngayon inaayos ko ang buhay ko without him. Mel told me "don't grow old filled with regrets for things not done, forword not said, and for love not shown.. life is too short and too precious to miss chances Kahit na sa araw-araw na nilikha ng Diyos kapag nakikita ko siya bumabalik parin ang sakit...
