Kabanata 28

173 6 2
                                    

Lies

Mariin kong inalis ang kaniyang kamay sa braso ko. Parang may nagpantig sa tenga ko sa narinig.

"You can't just come here and tell lies like that, Berna." I was catching my breath. "Maayos ka bang naasikaso ng mga Doctor? Sasabihan ko kaagad sila-"

"Maayos na maayos ako, Ma'am. Naghilom na rin po ng tuluyan ang tama ng bala sa'kin. Hirap na hirap po akong magpagaling at nagpapasalamat po ako sa tulong niyo kahit na hindi na naman dapat. Pero... hindi ko po kayang manahimik."

Napapikit ako at umiling. "Berna, hindi mo kilala kung sinong tinutukoy mo. Pierce is my boyfriend and I know him too well. Gaano ba karami ang nainom mong gamot at nagkakaganito ka?" umiling ako. "Ihahatid kita sa inyo, saan ka-"

"Ma'am!" she shouted.

Nanlaki ang mata ko sa sigaw niya. My vision became a blinking red as I stare at her. Bumulusok ang kung anong usok sa tenga ko habang tinitingnan siya. Hindi. Hindi nila 'to pwedeng gawin.

I cannot just stand here and listen to all her lies. I am sick of people telling me things. I am sick of people trying to ruin me and my happiness! The universe might have heard me wanting to end my life earlier but I don't like it anymore! Kaya kung kailangang labanan ko ang lahat, gagawin ko!

Oo at alam kong ganito talaga sa buhay na pinili ko, kaya kung kaya kong kontrolin... hindi ako papayag!

Dahan-dahan ko siyang nilapitan. She didn't flinch. Lalo lamang lumagablab ang kagustuhan ng mata niyang magsalita para sa akin. And somehow, seeing her perseverance... hurt me so.

"Walang ibang nakakakilala sa kaniya ng higit kaysa sa'kin. Sa kaniya lang ako maniniwala dahil siya lang naman ang may gustong iligtas ako. Siya lang ang dahilan kung bakit narito ako at nagpapatuloy pa. Because fucking finally! Mayroon nang taong gusto akong makasama!"

Tumango siya ng mariin na para bang tama naman lahat ng sinasabi ko.

"Hindi ko po kayo pinipilit na paniwalaan ako. Pagkatapos ko pong sabihin sa inyo 'to, hindi na po ako makikialam. Takot po akong mamatay. Kaya... kayo po ang bahalang tingnan para sa sarili niyo."

Umiling ako. Nanubig ang mga mata ko dahil sa mga sari-saring nararamdaman. It was a relief that she didn't fight it anymore. Pero ang katotohanang inihain nga niya sa'kin ito at hindi pinilit, parang lalo kong gustong makita kung ano talagang nangyayari.

"Masyado po kayong inosente para sa mundong ito." saad niya. "S-Sana nga po ay hindi totoo." sabi niya bago tumalikod. Nawala siya na parang bula sa harap ko at iniwan ako roon na tulala at hindi na nakagalaw pa.

I scoffed bitterly. He won't do that. I know he won't. He has nothing in his hands just to do that to me. Hindi ako kailanman gumawa ng masama sa kaniya para gawin niya 'to. So why would it bother me? Walang ibang ginawa si Pierce kundi alagaan at protektahan ako. He will go extra miles... just to see me safe. Nababaliw siya sa tuwing hindi niya ako nakikita. Nagagalit siya kapag may iba akong kasama.

See? He's just too perfect! Perfect for me! He is an angel in my life. The savior. As cheesy as it may sound. He did the savings in the dying petal that I am!

Kaya hindi ko maintindihan... kung bakit sinasabi ni Berna 'to sa'kin.

I was so pissed when I got in my car. I was shaking. I was catching my breath. I don't know who to call. I don't know where to go. My teeth were gritting and I wanted just to drive away. Ang galit sa kalamnan ko ay parang gustong paganahin ang sasakyan at mahulog na lang sa bangin.

At katulad ng pag-iisip ko noon, lulubog na lamang ako ng walang nakakaalam. Walang makahahanap. A story that will be hidden in depths.

It was that intense.

Parting Her Petals (Monforte Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon