"Gitara"
Sa araw araw na ika'y aking nakikita
Ang iyong gitara ay lagi mong dala
At isang ngiti na sa iyong mukha nakapinta
At eto ako palagi binabantayan ka.Sa damuhan ikaw ay naupo
Saglit kang napayuko
Pagkatapos ika'y tumingin sa itaas
At ang gitara ay iyong inilabasPinatunog mo ang gitara
At nagsimulang kumanta
Ang iyong boses gaya ng simoy ng hangin
Malamig at hindi ko maiwasang ibigin.Habang ako'y nakaupo rito
Sa gilid ng minamahal ko
Nakatingin sa kanya
Habang siya ay kumakanta.Kahit yakapin ka ay aking gustuhin
Hindi ko pwedeng gawin
Hindi ko siya mahawakan
Hindi ko siya mayakap ng maghigpitan.Tumingin siya sa kawalan
Ngumiti, ngiti na may kalungkutan
"Mahal ikaw ba ay nariyaan?"
"Bakit mo ako iniwan?"