AndriusNagising ako na masakit ang ulo. Nakapikit na hinanap ko ang cellphone ko pero hindi ko makuha‚ pabuntong hininga akong nagmulat ng mata para mahanap iyon. Nakuha ko iyon sa isang maliit na cabinet malapit sa kama. Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto‚ doon ko lang napansin na hindi ko kwarto ito. Nang maalala ko na nag inuman pala kami kagabi sa condo ni Cassian‚ doon ko naalala lahat.
“Tanginang yan,” naibulalas ko na lang sa kawalan. Tinignan ko ang oras. Alas otso pa lang. Hapon pa ang klase ko.
Tumingin ako sa mga messages sa cellphone ko. Isa roon si Zed at Reux. Nauna na pala silang umuwi. Sino kasama ko rito? Si Cassian lang? Pucha talaga.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto nang bumukas iyon. Pumasok si Cassian na may dalang tubig. Mariin na naman siyang nakatingin sakin habang papalapit. Napaiwas ako ng tingin dahil naalala ko na naman ang nangyari kagabi.
“How’s your feeling? Your head?” Tanong niya nang makarating sa harap ko. Nakaupo na ako ngayon sa kama.
“Ayos lang. Uuwi na rin ako‚ pasensya na napasarap ang tulog,” wwkward akong tumawa nang mahina.
“That’s fine. Take this medicine‚ it’s for your hangover. I brought you a water,” binigay niya sakin ang gamot‚ inabot niya rin ang tubig. Kinuha ko naman iyon at ininom.
“Pwede ba makigamit ng banyo? Maghihilamos lang ako tapos uuwi na ako,” Tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa paa niya. Parang gago‚ wala naman sa baba ang mukha niya. Hindi lang talaga ako makatingin ng deretso sa kaniya.
“Sure. Take your time. I cooked hangover soup too‚ have some before you leave,” Napatingin ako sa kaniya dahil doon. Nagluto siya? Lahat ba kaya niya? Ultimong lasing kaya niyang alagaan.
“Hindi na, tol. nakainom na rin naman ako ng gamot‚ for sure maya-maya mawawala na ‘to,” Natatawang sambit ko. Umiling siya‚ halatang hindi gusto ang narinig.
“I insist‚ Zamora. Go take your time using my bathroom here‚ and have some hangover soup before you go. I’ll wait for you there,” wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Halatang hindi ako patatakasin.
Nang makalabas siya ay agad kong tinignan ang itsura ko sa salamin‚ napangiwi at napamura ako dahil sa itsura ko. Tanginang yan‚ nakita niya akong ganito kapangit? Dignidad ko ang kapalit.
Natapos akong maghilamos‚ inamoy ko pa ang sarili kong damit kung mabaho na ba. Buti na lang ay hindi‚ sabagay hindi naman ako bumabaho.
Lumabas ako ng kwarto‚ nakahanda na ang soup na sinasabi niya. Hinihintay niya na lang talaga ako. Mukhang kasabay ko pa siya. Buhay nga naman‚ ayaw akong patakasin sa kahihiyan, oo.
Nagsimula kaming pagsaluhan ang soup na ginawa niya. Masarap iyon.
Walang nagsasalita samin habang kumakain. Nakatutok lang ako sa pagkain‚ alam kong napapatingin siya sakin. Hindi ko siya magawang tignan.
“Sarap mo pala magluto‚ may alam ka ba na hindi mo kayang gawin? All-around ka ah,” totoo naman na masarap‚ wala naman masama na magsabi ng totoo.
“I can do everything‚” Napangiwi ako dahil sa sinabi niya.
“talaga? Tumbling ka nga habang kumakain,” Natatawang sambit ko.
Ibang-iba ang Cassian na ‘to kapag kaming dalawa lang. Mas madalas ko na siya makitaan ng emotion sa mukha. Kadalasan ay ngisi at simangot. Pero kapag kasama namin ang iba ay palagi siyang seryoso‚ akala mo pasan niya ang langit at lupa.
“You really know how to ruin the mood‚ huh?” Nakasimangot na sambit niya. Tinawanan ko lang siya. Nakangiti akong nagpatuloy sa pagkain. Hindi niya ino-open ang nangyare kagabi‚ which is pabor sakin. Mukhang marunong siyang makahalata.
