Napaawang ang labi ko nang makita ko siya na ang lapad ng ngisi, kita yung perpekto at mapuputing ngipin. His sunglasses were shining against the sun. Ano kaya ang ginagawa niya sa kalyeng ito?
"Why are still standing there? Hop in Santina."
Nagdalawang-isip pa ako kung tatayo lang ba ako o papasok sa loob ng kotse niya. Pero mainit na dito sa kinatatayuan ko kasi alisngaw palang ng init sa may kalsada ay para na akong nakatayo sa nagbabagang semento. Kaya huminga nalang ako ng malalim at pumasok nalang.
Pagkapasok ko ay yung pabango ni Leighton ang aking nasinghot at mabuti nalang ay hindi na ako nag-inarte pa, nakahinga ako ng maluwag dahil sa aircon ng kotse niya.
"Salamat. Mabuti at napadaan ka dito." sabi ko saka sinuot ang seatbelt.
Bumaba ang tingin niya sa pinamili ko na nasa paanan ko lang.
"Looks like you shopped. Ano bang mga binili mo?"
"Ah ito? Mga ingredients lang." sagot ko.
"May ginagawa kayo?"
Tumango ako.
"Pwede ba akong tumambay sa bahay niyo?"
"Di pwede." Agad kong sagot.
Taas-baba ang dibdib niya nang humalakhak siya. He shook his head while starting the engine. Pagtunog ng makina ay bumwelo siya para umusad.
Agad kaming umalis sa busy na lugar kalye na yun. Nakahinga ulit ako ng maluwag dahil sa wakas ay makakauwi na ako. May gagawin pa ako mamaya. Magtatahi pa ako atsaka maglilinis sa bahay.
"Why am I not allowed to come to your house? Hindi ba kayo nagpapasok ng hindi niyo kabisadong tao?" Bigla niyang tanong.
Sa tono ng boses niya ay curious siya, hindi yun maitago niya dahil halatang-halata na gusto niyang malaman. Pero facial expression niya ay parang nagjojoke lang siya.
Itinabi ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan para hindi niya makita yung pagsisinungaling ko.
"Oo. Mahirap na kasi sa panahon ngayon."
"I see. But I'm no stranger anymore. Ilang beses na kaya tayong nagkita diba. And I also met your sisters. Except lang dun sa isa niyo pang sister."
"You're still a stranger in our eyes. Hindi yun ang basehan para patuluyin ka sa bahay namin." Wala sa isip kong turan.
I bit my tongue.
Sa sinabi kong yun ay bigla nalang umahon ang konsensya ko. Lumingon naman ako sa kanya para humingi agad ng sorry. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil hindi siya nakangiti pero base sa nakikita ko ay wala siyang emosyon.
"Sorry sa sinabi ko. Talagang hindi lang kami nag-iimbeta sa mga hindi pa namin kabisadong tao."
He turned his head on me. And grinned.
"That's okay. And I'm also sorry for asking you. I get it now na may privacy kayo and it's a good thing you guys don't let someone in inside of your house. Hanga ako sayo dahil may paninindigan ka." sagot niya sa garalgal na boses.
I thought my heart jumped out from my chest. Inalis ko agad ang tingin sa kanya nang lumingon siya sa akin na nakangisi ulit gaya ng pagngisi niya sa'kin kanina.
"You know you're more beautiful when you blush like that. I like that version of you. How cute."
My face flushed even more. I bit my lower lip hard and never let our eyes crossed again. Sa labas ng bintana nalang ako nakatingin hanggang humupa ang pamumula ng mukha ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/368458978-288-k557827.jpg)
BINABASA MO ANG
Leighton (18+)
Romance(Billion Dollar Men Series V) Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya n...