CHAPTER 1

4 0 0
                                    


🍓Khiari POV

"Let's go Khia, malalate na tayo sa reunion ng batch natin, Kailangan mo pa magbihis sobrang chaka mo talaga.." sambit ni Elise habang kinukuha ko ang gamit ko mula sa work at dali-dali kaming pumunta sa clothing shop..

"Ayan ang sexy sexy mo talaga anteh ko!"

"Ayoko neto di ko trip.." pero mukhang maganda naman ako sa suot natoh

"Hays sus, bibilhin ko na ito, belated gift ko yan ah, tanggapin mo na."

Sa aming condo unit kami nagsstay ni Elise, halos 3 months nadin kami sa work namin, medyo toxic pero natutustusan Naman mga needs namin at lagi kaming magkabonding ni Elise.

May jowa si Elise kaso sobrang busy kaya ako lagi nakakabonding niya, di naman pinalalagpas ni Elise ang mga times na may time na yung jowa niya sa kaniya, di Sila perfect couple pero at least a week nagkikita sila and everyday magkavideo call, Nurse kasi si Louie kaya yan..

Ako hahaha wag nyo na ko tanungin.. Syempre wala..

"Ang Ganda mo naman Khiari, ano yan glow up bestie ko!" Malakas na sabi ni Julia sakin, best friend ko toh nung college kami kaso iba Ang company na napuntahan Kaya si Elise ang Kasama ko lagi.. Actually 3 talaga kami sa friendship group namin.

Nandito kami Ngayon sa Resort na pinagambagan ng batch mates at kasama ako, interms sa food and rooms..

Sobrang Ganda ng Resort at mag stay kami Dito for 3 days at ang organize ng mga activities nila..

Ngayon ay ang "The Night" na tinawag nila pero parang prom ito..

Nasa Table kami magkakasama ni Julia na naka floral dress at Elise na plain Ang dress, yan daw suotin niya sabi ni Louie grabe anlala..

Makikita mo puro magkakaklase, mayron din na Kasama Ang mga naging bebe nila sa mga ka batch namin..

"Taray sila padin, antatag nakailang break ups na Diba Sila?"

"Ingay mu naman Elise." Pabirong Sabi ni Julia

"Sorry naman bawal Pala baliw dito haha"

"Antatag nila noh kailan kaya yung sakin, joke lang" pabirong Sabi ko

"Ikaw talaga, tignan mo oh daming pogi" sambit ni Elise

"Ew kadiri mga classmates natin"

"How about yung mga school mates.." sabi ni Julia

"Diba madami dami din tayo halos 60 ah magkakaibang section, pero dapat talaga nasa 130 tayo, di pumayag iba eh" -
Dagdag ni Elise

"Hindi familiar yung iba kaya pala.." dagdag ko

"Alright everyone, Listen up and thank you for being with us, I know na madami na tayong pinagdaanan after we graduated, it's been 5 years since we all graduated so ngayon" Sabi ng representative namin sa batch

"I hope everyone have a wonderful night we'll start with couples dance floor, after that the party and awardings to make this more special, and very fun activities tomorrow.." dagdag ng kasama niyang nag host

"Nagsisimula palang Tayo pero kitang kita na sa Mukha ninyo ang kaba, ngiti, at excitement! Everyone hope you have a great night! You can enjoy the foods while the couples takes the dance floor"

At doon nagsimula na ang mga mag couple na mag slow dance..

"Pwede ba kita makasayaw?" Sabi ng schoolmate namin kay Julia

Bigla naman tumingin samin si Julia na parang ayaw niya

"Ay ou go gurl, kuya alagaan mo yang best friend namin ah" sabay tulak ni Elise kay Julia

Wala naman magawa si Julia kaya ayon nakipagsayawan na dun

Bigla namang nag vibrate ang phone ni Elise, at si Louie ang tumatawag

"Ay Kailangan ko toh sagutin, excuse lang Khia ah dun lang ako sa balcony"

Tumungo ako at umalis si Elise..

Ang sweet naman ni Julia at kuyang nakipagsayaw sa kaniya..

Napaisip ako sa napaka complicated kong love story.. May lalaki akong nakachat online halos 2 years kami at nag end yun 1 year ago na dahil sa hindi ko na pagkausap sa kaniya.. di ko na alam nangyari sa lalaking yon LDR lang naman kami.. Si Theo..

Theo?!

Habang nanonood ako sa mga couple na nagsasayawan ay laking mata akong nakita sa kabilang dance floor nasa gilid may table ang lalaking nainom ng champagne habang nakatingin sakin..

Nanigas ang katawan ko, bakit siya nandito? Ibig sabihin ka batch ko siya? Bakit di ko man lang naisip tanungin course niya dati?

・⁠–END OF CHAPTER 1–・

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Different in PersonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon