Para sa Brokenhearted.
Ikaw. Oo ikaw.
Brokenhearted ka ba?
Kung oo, bakit? Kanino?
Ako? Brokenhearted ba ako?
Siguro.
Hindi naman to tungkol sakin eh.
Para sa iyo to! Brokenhearted ka diba? Kaya mo nga to binasa eh.
Kanino ba?Kay crush? Kay boyfriend? Kay one sided love? O kay best friend?
Kay crush?
Pano ka naman naging brokenhearted sa kanya? Crush mo lang naman. Diba hinahangaan mo lang siya? Siguro akala mo lang yan. Infatuation kung baga. O kaya hindi mo alam inlove ka na pala. Iba ang crush sa love. Okay? Pwedeng mauwi ang crush sa love pero magkaiba parin sila!
Kay boyfriend?
Bakit, kasi nagbreak kayo? O parang hindi na siya in sayo? Pano yan hindi pa ako nagkakaboyfriend. Bata pa ako eh. Ano bang ipapayo ko? Parang walang sense kung magpapayo ako ng kung ano ano. Wala naman akong experience kaya walang basehan. Hindi ko alam ang nararamdaman mo. Kaya mas mabuti kung hanapin mo nalang ako sa Pang magaganda lang, Di mo makikita street, Huwag mo nang hanapin kung pangit ka city.. O kaya magseryoso ka sa buhay at hindi puro boyfriend ang iniisip!
Kay one sided love?
Naku mahirap yan girl/boy! Napakahirap kaya maghanap ka nalang ng iba! Payong kapatid lang. Mahirap umasa oy! Hindi na uso MARTIR! Marami pang tilapya sa fish pond.
Kay bestfriend?
Bakit ka na brokenhearted sa kanya? Kasi inisip mo na pwede pang umabot sa next level. Sa super bestfriend pala para sa kanya. Hahaha! Okay lang yan tol! Okay nang maging kaibigan kaysa wala diba. FRIENDZONE!
Ang galing ko no? Sagot!
Brokenhearted ka diba?
Para ba talaga sayo to?
Send me a letter to this address ~Pang magaganda lang, Di mo makikita street, Huwag mo nang hanapin kung pangit ka city.
Hihintayin ko ang sulat mo!
Pahabol!
Move on! Life goes on!
Staying in the past is like imprisoning your self in a cage. The cage is open but you chose to stay. The world is big. Don't let yourself be imprisoned by you. Fly! Explore what the world has for you. There's more than you could see. You only live once so make the most out of it!
Sarili ko itong gawa! Igoogle niyo pa! Na nosebleed nga ako eh
P.S. Sabihin mo sa nag pa brokenhearted sayo "NAKAKABASTOSYONEH!" Pakingan mo na din nga pala yung kanta ni GD na Heartbreaker.