The Beginning
A loud cheer erupted from the crowd in the figure-skating stadium, where the audience cheered for their representative—cheering for the one they supported. They cheered while waiting to see who would be the champion in this competition… On the other hand, the contestants stood, watching the crowd cheer loudly for them and waiting to see who would win, just like me. I was waiting to see who would win, but I didn't pressure myself about the result because I knew that each one of us here in the skating rink gave it our all. At the same time, I hoped and was eager to win this competition for my mom, who sacrificed a lot for me to be here.
Humihinga ako ng malalim habang hinihintay ang anunsyo kung sino ba ang mananalo; halos kami humihinga ng malalim dahil sa pagod pagkatapos ng bawat performance namin. Lumingon ako sa Korean figure skater na kalaban ko sa kompetisyon; napansin kong maraming naka-suporta sa kanya dito sa stadium. Halos pangalan niya ang binabanggit ng mga audience. Napangiti ako ng ngumiti siya habang hinihingal.
“And our pointing championship in the ‘Korean International Figure Skating Competition’ is…” ani ng emcee habang tiningnan ulit ang card kung saan nakasulat ang pangalan ng nanalo.
Napunta sa kanya ang atensyon ng lahat ng ngumiti siya at nakita iyon sa big screen ng stadium.
“Is… no other than our Filipina, albino! Reina Starr Panthera!” anunsyo ng emcee at agad namang tinutok sa’kin ang camera para makita ang mukha ko sa big screen.
Nanlaki ang mata ko noong tiningnan ko ang Korean figure skater na katabi ko lang dahil sa ‘di ako makapaniwala na nanalo ako. Akala ko hindi ako mananalo sa kompetisyon na’to dahil halos lahat ng contestant ay magagaling, lalo na ang representative ng Korea, kaya ganun na lamang ang pagkagulat ko. Tiningnan ko kaagad ang mga Pilipino na nasa stadium para suportahan ako; ang mga sigawan lamang nila ang aking naririnig habang iwinagayway nila ang watawat ng Pilipinas. Mas lumawak ang ngiti ko ng nakitang nasa audience din si mama, nakangiti sa’kin habang kumukuha ng video. Napunta ang atensyon ko sa mga judges na bumaba para isuot sa’min ang medal na napanalunan namin; ako ang pinakahuling nakasuot ng medal pagkatapos ng first runner-up at second runner-up.
Nasa first runner-up ang Korean figure skater na katabi ko lang kanina, second runner-up naman ang Japanese figure skater, at nasa third runner-up naman ang isang Chinese figure skater. Habang sinuot sa’kin ang championship medal, nakuha ng atensyon ko ang ipinalabas sa big screen ng stadium. Ipinakita nila ang highlight ng buong performance ko sa big screen; napansin ko ring halos nakatutok ang camera sa mukha ko kaya kitang-kita kung anong kulay ng mata ko—light brown. Pumalakpak ang buong Pilipinong nasa stadium ng iwinagayway ang malaking watawat ng Pilipinas bilang representasyon na ito ang nanalo. Pumalakpak rin ako habang pinapanood silang lahat na masaya dahil nanalo ang Pilipinas.
______
Pagkatapos ng awarding ceremony, mga ilang minuto lang ay umalis na ang lahat ng mga tao sa stadium maliban sa mga staff at contestant. Lahat ng mga contestant ay nasa backstage—nasa kani-kanilang locker. Pagkatapos kung magbihis at ligpitin ang mga gamit ko mula sa locker, agad akong lumabas para puntahan si mama dahil kanina pa niya ako hinihintay. Habang naglalakad, nakita kong nag-uusap si mama at ang isa sa mga staff ng team namin. ‘Di ko makilala kung sino ‘yon dahil nakatalikod sa banda ko. Natigilan ako sa paglakad ng may lumapit sa’kin—ang Korean figure skater.Nagtaas-kilay ako at ngumiti sa kanya ng nilingon ko siya; ngumiti naman siya sa’kin sabay nag-bow.
“Hello,” aniya.
Nag-bow na din ako bilang respeto sa kanya.
“Hi,” sagot ko naman.
“Uhh, you were amazing earlier.” Pag-puri niya sa’kin na may kasama pang Korean accent sa pagsasalita niya.
YOU ARE READING
Finding Love Where It's Coldest | To Get Series #1 || Yyneexx
RomanceReina, a Filipina who has the condition of Albinism, is a champion figure skater competing in South Korea. Upon winning, she is sent to Tokyo to receive more support for her figure skating career. Knowing this, her mother decides to leave the Philip...