Chapter⇨9❤

2.7K 104 2
                                    

Sinipag magupdate sana kayo din po sipagin jan hehe:))

Para sayoooooo:)))

﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Dumating si Richard sa takdang oras upang sunduin ako. Nakakotse siya. Mag-isa.
Hinanap ko ang sinasabi niyang makakapareha ko.



"Nag-back-out ang gago." ang sagot.



"Nag-bridal shower kagabi. Kinuyog ng mga babae.
Nanlalata hanggang ngayon."



"So, paano? Mag-isa na lang ako?" Naisip ko, mabuti. Sayaw-sayaw na lang ang gagawin ko.
Wala nang sex.



"Nagawan ko na ng paraan. Meron nang kapalit." Wala talaga akong kawala. Tutol man ang kalooban ko, kailangan kong gawin ang ayon sa napag-usapan namin.



Nag-drive na kami papunta sa bahay ni Dan.



Nasa isang exclusive subdivision iyon. Kinawayan lang ni Richard ang guwardiya sa gate, pinapasok na kami.



"Hindi ko pa nga pala nababanggit sa'yo." ang
sabi ni Richard.



"Pinalipat na ako ni Dan sa bahay niya. Dito na ako nakatira."



Pagdating namin sa bahay, isang mestisuhing lalaki ang nagbukas ng pinto. Natigilan ako at napatitig sa lalaki.



Kilala ko siya! Hindi ako maaaring magkamali.



"Dan, si Anton." Pigil ang aking pagkagulantang.



"Anton, si Dan." Nagkamay kami. Nanginginig ang kamay ko dahil sa sorpresang hindi ko inaasahan.



Si Dan ang lalaking nasa larawan sa tabi ng kama ni Gilbert!



"Hi, Anton. Sa wakas, nakilala rin kita. O, bakit parang kinakabahan ka?"



Si Dan ang ex ni Gilbert. At si Richard ang dahilan ng kanilang paghihiwalay!



Hindi ako makapaniwala na napakaliit ng mundo naming apat. Sino ang mag-aakalang
magkakadugtong pa pala kami?
Pilit kong pinagtakpan ang aking reaksiyon.



"Ninenerbiyos lang ako sa gagawin ko." Ngumiti si Dan.



"Huwag kang mag-alala. Hindi ka pababayaan ni Richard."
Kunot-noo akong napatingin kay Richard. Tapos kay Dan.



"Hindi pa ba niya sinasabi sa'yo?" ang tanong ni Dan.



"Sasabihin ko pa lang sana." ang sagot ni Richard.



"Ayoko siyang mabigla."



"Ang alin?" ang tanong ko.



"Pumasok nga muna kayo at dito na tayo sa loob mag-usap." ang sabi ni Dan.



Tumuloy kami sa bahay. Kahit distracted ako, hindi ko naiwasang ma-impress sa interior ng bahay. Maluwag. Maaliwalas. Mamahalin ang
mga kasangkapan. Kita mo kaagad na mayaman ang naninirahan. Napansin ko rin ang mga pagkaing nakahanda na sa hapag.



"Dumating na ang catering?" ang tanong ni Richard.



"Oo. At pinag-off ko na rin ang mga maid." ang sagot ni Dan.



Kaagad na nagsalin ng wine sa kopita si Dan at inabutan niya kami ng tig-isa ni Richard.
Magkakasabay kaming tumungga.



"Ano ang dapat kong malaman?" ang ulit kong tanong pagkaraan. Diretso ang sagot ni Dan.



When a Callboy fall's Inlove(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon