Chapter One
“Ay! Grabe naman ang dalawa na ‘yan! Ayaw pa mag-aminan!”
“Urusai...” (Shut up…) Walang gana kong sita sa kaniya habang nagliligpit nang gamit.
“HALA!” Overreacting niyang sigaw bigla. Sanay nako sa kaniya pero nakakabingi nga lang.
“AHHH! Lette-babi, pa'no kung magkatuloyan na talaga sila tapos tayo? Ano’ng mangyayari sa atin? Pa'no na tayo? Hindi na ba sasama sa’tin si Zabby-babi? Palagi na ba silang magkadikit ni Henry-hinayupak?”
Mahina ko siyang sinapok, “Sabi nang manahimik ka!” Puno nang pagbabanta kong bulong sabay simpleng lingon sa likod. Hayst! Mas uunahan niya pang mag-confess ang dalawa!
“Fi-FIANNA! Naririnig kita!” Namumula ang taingang sabi ni Henry, ang kasama niya naman naguguluhan. Hm, ganda mo Zab, ang slow mo nga lang!
Napangisi nalang ako. Ang cute.
“HA? HAKDO—!”
“TARA NA! INGAY MO.” Sabay kaladkad ko sa kaniya palabas nang room. Sumenyas naman ako kay Zab na sa labas kami maghihintay.
INGAY mo ha! Dire-diretsyo ko siyang kinaladkad papuntang CR. Ihing-ihi na rin ako kanina pa.
Nasa harapan na kami nang CR kaya binitawan ko na siya. Nakasimangot lang siya sa akin kaya sininghalan ko nang tingin. Papasok na sana kami pero may narinig kaming chismisan sa loob.
“Nakita niyo ba kung pa'no sila asarin nang mga kaklase nila? Like ugh!”
“No way. There's no way na papatulan ni Henry ang babaeng ‘yon, right?!”
“She's nothing kaya compared to Sonia—”
I slammed the door open and we enter like nothing happened.
“Myghad! The fvck?!”
Tinaasan ko lang sila nang kilay, habang masama naman silang tinignan ni Fianna. Good luck, nangangagat pa naman ‘yan. Pumasok ako sa isang cubicle.
“Hmp! Lez gour gurls.”
At nakarinig ako nang mga takong nang sapatos na paalis.
“Mga chismosa. Ang chachaka naman!” parinig pa ni Fia. “Babawi na nga lang sa ugali hindi pa magawa!” Pfft!
“Highblood mo masyado,” sabi ko nang makalabas at naghugas nang kamay.
“Heh! Mga walang magawa sa buhay.”
“Exactly. And they aren't worth our time,” sabay kindat ko sa kaniya mula sa salamin.
“Colette-babi, grabe talaga ang words of wisdom mo! So proud of you!”
Luhh?
“Magulang ba kita?” Balik sa pagiging walang gana na ulit. Umiling-iling lang siya habang parang sira.