anong gagawin ko..
kinakabahan na ako
lalo na at nakita ko siyang sumakay din sa bus kung san kami nakasakay ngayon ni martin..
"pare, kung ako sayo kausapin mo na"
pero anong sasabihin ko?
"nahihiya ako eh" sagot ko kay martin
"mahal mo ba?"
tanong nya saakin
oo naman no mahal na mahal ko.. hayss itong kaibigan ko talaga kahit kailan lagi akong chini-cheer up sa hirap man o ginhawa..
"sige na nga" sagot ko
unti unti akong lumapit sa kina uupaan nya
"hi" nginig kong sabi
nagulat siya ngunit ngumiti naman agad
"oh hi brent, ikaw pala.. ginagabi ka ata?"
"ahh hinantay ko kasi si martin eh.. nandun siya sa likod"
agad namang tumingin si angela sa likod at kinawayan si martin.. ganun din naman ang ginawa ni martin..
"kamusta na?" tanong nya sakin
"hm. eto.. okay lang. ikaw?" tanong ko
"ayos lang din.."
tumahimik ng bahagya
anu ba yan wala akong maisip na topic
maya maya
nagsalita siya
"ang tagal na rin pala"
bigla akong nabuhayan ng loob upang magsalita at humingi ng tawad sakanya..
"patawarin mo ako, angela.. diko naman kasii.."
"shh.. anu ka ba? hindi kita sinisisi no? at di ako galit sayo"
gusto kong umiyak sa harap nya ngayon
"im so sorry.. i still love you"
bigla ko siyang niyakap at ayoko ng matapos ito..
"pre?"
maya maya pa ay narinig ko ang boses ni martin..
"brent?"
"huyy pare"
unti unting lumiwanag ang paningin ko kay martin..
ginigising nya ako..
"nanaginip ka nanaman ba?" tanong nya..
panaginip nananaman ba yun??
"sorry" sagot ko..
"mabuti pa umuwi na tayo para makapag pahinga ka muna.. maaga pa tayo sa sementeryo bukas." sabi ni martin. bakas sakanya ang pag aalala saakin
oo nga pala march 27, 2nd death anniversarry na ni angela..
ngayon march 26 our 5th anniversarry..
:'(
BINABASA MO ANG
Panaginip (one shot)
Fanfictionako si brent. 4th year college na. and im taking a nursing course. kaya heto mejo subsob sa pag aaral dahil malapit na board exam at kailangan kong makapasa.. May kaibigan ako si Martin pareho kami ng university na pinapasukan sa UST araw ara kaming...