Chapter 1

55 2 11
                                    

Dominique's POV

'Anak ayan ah.walang pasok meaning wala kang baon.'

tuwang tuwang lintanya ng Inay Berto ko na may kasama pang palakpak, paano kasi Kakasuspend lang ng klase para bukas kaya ayan siya palakpak teinga.

'Nay walang na pong bawian, touch move na.'

Sagot ko naman na may halong pag lalambing kay Nay Berto.

'Ang sweet naman ng anak ko, pero di na tatalab sakin yan. Hala pumunta ka na dun sa computer shop at bantayan mo yun.'

Utos sakin na may kasamang tulak pa, naku naman akala ko naman makaka libre na ko ng tulog dahil walang pasok bukas pero yun pala pag babantayin lang ako nitong piso-net shop namin na katabi ng parlor ng Nay Berto ko at ni Nay Erik.

'Anak eto dalhin mo para may makain ka sa computer shop.'

Inabot sakin Nay Erik ang supot ng naka tapperware na kanin at ulam.

'Naku Erik kaya namimihasa yan ei. Naku anak umalis ka na dalhin mo yung payong ha?ingatan mo yang pusang kulay pink.'

Baliin ko kaya itong payong na to na may pusang walang bibig.

'Oh Dom musta buhay?'

Bungad na bati sakin ni Andrei isa sa kapit bahay namin na nakakiki tambay sa harap ng computer shop namin .

'Nandito ka nanamang batugan ka umalis alis ka nga dito baka malasin tong shop.'

Ganti kong biro kay Andrei.

'Ulol! gwapo kong to malas? dapat nga mag pa salamat ka pa ei. Nang dahil sakin dumadami yung costumer mong mga babae.'

Lumingon siya dun sa mga babae at sinundan niya ang kapapasok lang na si Janneth at Joey.

' Hi girls upo lang kayo bakante pa yang number 4 at 5.'

Naku pag talaga to nakakakita ng babae biglang lumalandi. Umiling nalang ako at umupo sa may lamesa ko.

'Tanda pa -print ako.'

Nakita ko si Lelay pitong taon gulang na nakatingkayad habang pilit na inaabot yung lamesang nakaharang sa divider sa pagitan ng computer.

'Ano yun bata?'

May halong pang aasar ko kay Lelay.

'Pa -print ako tandang Dominique para sa crush kong si Bailey.'

Batang to ang landi landi sarap tirisin.

'Hala uwe, ka bata bata mo pa pa Bailey Bailey ka na dyan.'

Lumabas ako sa may lamesa at pinag tabuyan ko siya pa labas ng computer shop.

'Paano kasi matanda ka na kaya di uso sayo ang crush.'

Inapakan niya muna ako bago tumakbo pa pasok ng parlor ni Nay Berto.

'BWISIT KANG BATA KA.'

Inis na inis ako umupo kung di lang talaga suki nina Nay Berto Nanay nun tagal ko ng kinutusan yun.

'Oy.pre bata lang yun wag mo ng patulan.'

Buhay pa pala tong si Andrei.

'Ikaw kaya apakan dyan. Teka akala ko ba lumayas ka na dito?'

Nag dirty finger pa siya bago umalis sa computer shop mga tao ngayon may sapak yan ba epekto ng ulan ngayon?
Bumalik nalang ako sa pag kakaupo at kinain ko nalang ang pabaon sakin ni Nay Erik bago ako sumubo ay naalala ko ang parating pinuputak ni Nay Berto sakin bago kumain.

'Naku ikaw na bata ka ilang ulit ko ba sayo sasabihin na mag dasal ka muna bago kumain ha? hala magdasal ka at mag hugas ka ng kamay.'

'Pero po Nay Berto.'

'Para san pat tinawag mo kong Nay kung may Berto naman? Tigil gilan mo ko ha.'

Yan parati ang pinuputak sakin ni Nay Berto bago kumain. Pag ka tapos mag hugas ng kamay at mag dasal ay kumain na ko.

Mag te-ten na ng gabi pero madami pa ring tao sa computer shop, paano kasi bukas pa ang parlor nina Nay Berto according kay panget bansot ay di pa daw tapos ang Nanay niyang si Aling Precy mag pa kulot ng buhok kaya eto nandito siya sa shop nanggugulo.

'Hoy bata wag kang makulit dyan ah.
Wag kang gagalaw ng kahit ano. Malilintikan ka talaga sakin.'

Umirap lang siya at humarap ulit sa screen ng inuukupahan niyang computer at nag browse ulit ng picture ni Bailey, batang to adik dun sa lalaking yun ei di hamak na mas gwapo ako dun.

'Hoy ano yan??'

Bigla akong na patayo sa kinauupuan ko ng makita ko yung ginagawa niya.

'Nag da-download bakit?yaan mo tanda walang virus to baka i phone ko pa nga mag ka virus dahil dito sa piso net niyo'

Abat itong mahadera na to. Kutusan ko to ei.

'Pa i-phone i-phone pa kasi di naman naka plan.'

Bulong ko habang bumabalik sa upuan ko kanina.

'Kesa naman sa cellphone mo tanda 2015 na naka 3210 ka pa din? Wala to mahina.'

Naku pag di talaga ako naka pagpigil dito matatampal ko to ng mag ka bilaan.

'Heh! tumigil ka nga i-scan mo yan ha?pektusan talaga kita sa ngala ngala mo pag nag ka virus yan.'

Umirap lang siya at nag make face sakin bago ilipat niya ulit ang paningin niya sa may screen ng computer tatayo na sana ako para batukan si Lelay ng bigla akong tinawag ni Nay Berto.

'Jun Jun halika nga dito san mo nanaman nilagay yung mga pangkulot ko.'

Rinig kong sigaw ni Nay Berto sa parlor, Nakakainis naman si nay Berto ei. Sabi ng wag junjun itawag sakin ang bantot bantot nun.

'Sa cabinet po na may pusang kulay pink na kamaganak ni Doraemon'

Pag lingon ko nakita ko ang nag pipigil na tawa ng mukha ni Lelay itong mukhang diwende na to.

'Alam mo tanda ang bantot ng pangalan mo JunJun hahaha.'

Halos mamula na yung mukha niya kakatawa pag kakataon ko na to mababatukan ko na rin to .
Umalis na yung tao sa shop kaya tinanggal ko na lahat ng sasak sa computer ang natira nalang na bukas ay ang computer sa inuupuan ko hindi ko pa kasi natatapos yung laro ko sa WonderLand. Ang WonderLand na pinamumunuan ni Prinsesa Alice ay ginagawa ko para sa Online Game ,malakas ang hangin at kulog sa labas kaya nag uwian na rin ang tao sa shop.

Nang papatayin ko na yung computer ay biglang kumulog ng pag kalakas lakas at tumama ito sa computer na ginagamit ko kaya nagkaroon ito ng malakas na puwersa para higupin kami ni Lelay papasok sa computer.

Maaga na ng magising ako dahil sa sikat ng araw pag mulat ko agad akong na patayo ibang iba to sa mundo ng mga tao,vmay mga nag lalakihang puno, bulaklak na pulang pula at may ibat ibang kulay meron ding mga hayop na naalala kong inilagay ko dito sa Wonderland, nagulat ako ng biglang may Nuno sa punso na nag ngangalang Lelay ang kumapit sa laylayan ng damit ko.

'Tanda asan tayo??diba ito yung ginagawa mo kanina?paano tayo napunta dito?'

Tanong niya sakin ng may halong takot. Maski ako hindi ko alam kung paano kami na punta dito.

'Hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko lang na sa Computer world tayo nasa WonderLand.'

Kumunot ang noo niya at sinabing

'ano to Lelay and Tanda Into The New World?'
-----------------

Sa magandang gumawa ng book cover nito i love you na teh.

Credit kay Kyeoptashi.:)
Bebs kulot para sayo to. MagnificentAthena . :D

Into The New WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon