Chapter 3-Operation Makeover

61 4 0
                                    

"Beeeeee!!!!! Gising!!!!!!!"

Anak ng! Sino yun?? Bigla tuloy akong napamulat ng mata at nakita ko yung mga bubuyog

"a..anong ginagawa nyo dito? Ang aga aga pa ah?"

"eh nabalitaan kasi namin ni jane na pumayag ka na daw na magpa makeover!? Totoo ba bee?? Oh my gosh!! Excited nako!" grabe noh? Di halata..haha

"nako buti napilit ka ni tita yvone?" tanong ni jane

"eh wala namn akong magagawa eh, sabi nya wether i like it or not mag papamakeover daw ako"

"naks bee! Sure ako kapag na makeover kana? Naku malamang laglag yung panga nung Troy nayun!" toh talaga si stacey oh!

" hoy bee! Don't say badwords!" sabi ko tapos nakita ko silang ngumisi

"asus! Ikaw bee ah! Crush mo siguro si troy noh?! Ayiieeee" loko talaga toh si stacey

" yuck! Di ko crush yung epal nayun noh!" sabi ko tapos binato ko sya ng unan

"aray naman bee! ..ay oo nga pala! Sasamahan ka namin ni jane ngayon sa mall nyo!"

"at bakit?" tanong ko

"loka!ngayon na yung operation makeover mo noh!" hala? Bakit mamaya na agad? Akala ko ba?

"Ha? Mamaya na agad?"

"oo bee! Sabi kasi samin ni tita yvone excited na daw sya, chaka mamayang 11 pa naman yung klase natin eh ,kaya maligo kana!!!!" Ay putek! Muntik nakong mabingi sa sigaw nya eh

"oo na eto nah! Hintayin nyo nalang ako sa baba" sabi ko then pumasok nako sa cr

***

"oh ano bee? Tara na?" tanong nila sakin

"okay" Sabi ko tapos sumakay na kami sa kotse ni stacey, naku tulog pa siguro si kupal si mom at dad naman umalis na pero babalik din sila

7:30 palang naman ng umaga eh kaya hindi kami malelate sa class namin mamaya

***

Pag dating namin sa mall, etong mga bespren ko kala mo mga bata

"Oy bee! Tara na dali! Punta tayo sa parlor ng tita mo!" sabi ni jane sabay hatak sakin

---

Pagdating namin dun binati agad kami nung mga staff

"Goodmorning Ma'am Madison, miss stacey at miss jane" bati nila at nginitian naman namin

"Mag papaayos po ba kayo Miss stacey?" tanong ni Mama cherry

"Ay hindi po ako, si Madison po"

"Ay ganon ba! Naku tagal ko ng gustong ayusan to si ma'am Mady kaso ayaw nya eh"-Mama cherry

"Ahehe, pinilit lang ako ni mom eh"

"Naku wag ka mag alala ma'am Mady kaming bahala sayo ni rihana" sabi nya tapos tinawag si rihana

"Ahm..sige mama cherry dun lang po kami, tawaganin nyo nalang kami pag tapos na"-stacey

"sige po miss stacey"pagkatapos nun umupo muna sila dun sa Binigay sa kanilang chair

***

Habang si rihana May kung ano anong nilalagay sa buhok ko si Mama cherry namn inaahitan yung kilay ko at nilalagyan ng cream yung muka ko, then nung tapos nang shampoohin ni rihana yung buhok ko binlower naman nya irerebond nya daw kasi ako eh, habang binoblower nya ako mine make upan nako ni mama cherry

Nilagyan ako ng ,blush on, make up, lipstick at kung ano ano pang pampaganda

"Look who's here! My favorite pamangkin" bigla naman akong napalingon sa nagsalita waaaaa si auntie Dana!

The Nerdy Girl Turns Into a MalditaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon