Nagsimula ang lahat sa aking first day of school. Inasahan ko na maging normal lang pero hindi ko akalain na magbabago ng sobra buhay ko after Middle School. High school life nga naman diba?
*Nyeta, aga aga nanaman magigising. Nakakabanas naman, parang makakailan lang pachill chill lang ako nung Elementary. Bilis naman ng panahon. Parang kumakailan lang nasa Baguio pa ako kasama sila Leah at AJ. Good old days.
"Ma, una na ako."
"Mag-ingat ka. Nag dala ka ba ng panyo, tubig, baka naiwan mo pa mga notebook mo?"
"Kumpleto mo Ma, oks na. Baka ma late pa po ako."*Aga aga tapos wala masakyan, hindi ba dapat na nag re-ready sila para sa mga studyante? Sayang din yung pamasahe na 10 php, Nasasaktan yung bulsa ko kakaiisip.
Nakasakay ako after 10 minutes of waiting sa paradahan, atleast hindi ako na-late, well wala naman ako pake kung malate ako pero sayang yung reservation for first seat, first day eh. Napaka-onte naman laman ng room, halos ako palang andito.
Sa loob ng room ay merong dalawang lalake at isang babae. Normally, uupo ako agad pero *DAMN, WAIT A GHAD DAMN MINUTE. First day na first day nakuha agad ang atensyon ko ng isang babae?! Kakaiba ito idol. Pero kailangan ko kalmahan Parekoy, first day na first day babae iniisip? I really needed to get my head in the game, sumablay na ako last year sa honors. Hindi ako papayag na sumablay ulet.
I really like music. Big fan of old western bands like Eagles. Big dream ko na makatugtog sa isang banda, balak ko na itupad yon ngayong high school years ko. Umupo ako sa upuan sa may banda likod trying to ignore the beautiful woman over at the other side of the classroom. Yung sinag ng araw making her chocolate brown hair shine. Ten minutes pass and may dumating na dalawang lalake. Maingay sila pero, yung ingay na gusto ko. Nakita nila ako and being the typical "Boys at the Back" umupo sila sa tabi ko.
"Pre! Nice to meet you, ngapala, ako si Jairus, pero Jai nalang, tapos eto naman si Hans."
"Hi! Ako si Ted, Ted Umali."Umupo sila sa tabi ko at nagpatuloy yung araw. Nagtataka parin ako ano pangalan nung babae doon sa tabi ng bintana. Twenty minutes pass and dumating na teacher namen na si Ma'am Dina Espallardo, at nagsimula na ang Introduce yourself
Haynako, heto nanaman tayo sa lintek na walang katapusang introduce yourself. On the bright side. Malalaman ko na pangalan niya.
Turns out ang pangalan niya ay Rose, Rose Reyes. Hobbies niya ay pag-sayaw at pag-kanta. Atleast I know the simplest bit about her, for now. Hindi ko ngalang alam na hindi doon magtatapos ang kwento namin dalawa. The day went on as normally and nagkakilala kami magkakaklase.
Jai: "Ted! Sabay sabay na tayo uwi."
Ted: "Sige, ayusin ko lang bag ko."
Jai: "Taga saan ka ba Pre?"
Ted: "Doon pa banda sa may coastal."
Hans: "Pareho pala tayo ng daan eh, si Jai kasi jaan lang sa tabi."
Jai: "Luge naman ako palagi, ako nalang naiiwan pauwi mag-isa."Naglakad kami palabas ng campus pero, meron muna ako ginawa..
Ted: "Miss, hi! Pwede ko ba mahingi facebook account mo?"
Rose: "Hmm? Ay, uh, sige. Ano ngaba ulet pangalan mo?"
Ted: "Ted, nice to meet you po."
Rose: "Rose, likewise. Pauwi ka na ba?"
Ted: "Yup, ingat ka sa pag-uwi."Hindi ko na narinig reply niya pero atleast meron na ako contact information niya. Umuwi kami nila Hans at Jai and on the way home, nagulat ako si Hans pala ay doon lang banda sa labas ng gate ng subdivision namen. What a small world sabi ko sa sarili ko. Kumain ako ng dinner at tumulong sa gawain bahay bago nag pahinga sa kwarto. I opened my phone and agad ko sinearch facebook niya. Rose Reyes. I sent a friend request and went straight to sleep. What a fast and normal day without me knowing na sa araw na yon ay nakilala ko yung taong hahabulin ko buong buhay ko.
YOU ARE READING
Kung Pwede Na, Sana Pwede Pa.
RomanceSi Ted ay isang freshman sa highschool, isang binatang maraming iniisip sa buhay. Sa buhay na maraming chance encounters, marami rin hadlang. Ng second year ni Ted ay nakilala niya si Rose. ngunit maraming naging hadlang sakanila dalawa. Kung pwede...