Only 2 chapters of this story will be posted here in wattpad. This is on going and pay to read story in Patreon and vip group. To join pm me on my fb page!
Gerald can't helped it but to shook his head while looking to his wife Abigail, ang galing na nitong lumangoy at hindi na nagrereklamo sa 8 feet swimming pool ng bago nilang bahay. Kakauwi lang ng asawa niya galing sa ospital pero dito agad ito nagpunta at hindi man lang talaga nagpahinga muna.
"Hey.." Nakangiti kong bati sa aking asawa, akala ko matatagalan pa siya bago umuwi pero buti naman at nandito na din siya. Hayyyy hindi kaya nahihirapan 'tong si Mi loves? Kasi araw-araw siyang nakakakita ng maganda eh.
"Kakauwi mo lang daw pero dito ka na agad dumiretso." Sabi ni Gerald ng lumapit pa siya sa may gilid ng pool. Nasa likod ito ng bahay at napapalibutan din naman ng mga puno kaya napaka-presko at malamig kahit anong oras. Ilang buwan pa lang ang lumipas ng magawa nga itong bahay na 'to pero dito naman ito sa bayan ng Estrella, mas malaki at mas malawak ang lote at talagang sinadya niya na ganito dahil mero'n siyang mini vegetable farm dito kung saan nagtatanim-tanim siya ng iba't-ibang klase ng gulay para libangan.
"Siyempre ganito talaga kapag marunong lumangoy Mi loves. Dapat lagi kang mag-swimming para mas matuto pa." At saka ko siya winisikan ng tubig.
"Abby!" Umatras si Gerald dahil nabasa ng kaunti ang suot niyang pang-itaas. Kahit talaga nagka-edad na silang mag-asawa ay hindi pa rin naaalis ang kapilyahan nito. Abigail will always be Abigail, masayahin at makulit pa din hanggang ngayon. Pero ang isa sa pinaka-gusto niya ngayon sa asawa ay talagang nag-focus na ito sa pag-maintain ng katawan. Hindi lang naman ngayon actually kung hindi no'ng tumungtong ito sa edad na limampu. She's now health conscious and always make sure that she eat healthy food. Lahat pa din naman ay kinakain nito pero hindi na nga lang gano'n karami. At siya din naman ay gano'n din, he do daily work out after he took a sheep placenta injection in Switzerland like his other friend. Well actually lahat naman silang magkakaibigan ay nag-paturok at maging itong asawa niya ay sumailalim na din sa gano'n apat na buwan ng nakakalipas.
"Sorry.." Nag-peace signed pa ako sa kanya kahit sinadya ko naman talaga na basain siya. HIndi ko siya naabutan dito kanina pagdating ko galing ospitalat nag-pagupit nga nga daw sa bayan. Kaya nga kinikilig itong pempem ko kasi bagong tabas si Mi loves at ang pogi na naman! Bumalik na kasi ako 2 months ago sa pagiging doktor at nagbalik loob na nga sa aking sinumpaang tungkulin. Pumapasok nga ako ngayon sa San Juaquin public hospital bilang ob-gyne. Paano ba naman sa mahigit dalawang taon ko na pagtigil sa pagtatrabaho ay akala ko kaya ko na maging isang simpleng mamamayan lang. Pero hindi pala dahil nakakainip, at oo may apo na kami ni Mi loves sa anak naming si Sky at anak na din naming si Adira pero hindi ko naman puwedeng agawin 'yong bata sa magulang niya para alagaan. Kaya nag-decide ako na pumasok na lang ulit at magtrabaho bilang doktor. Atleast sa ganitong paraan ay hindi na ako naiinip dahil may pinag-kakaabalahan na nga ako.
Naupo si Gerald sa isa sa mga upuan naroon sa may pool area at saka ininom ang binili niyang kape sa nadaanan niya kaninang coffee shop. Hindi nga talaga nakakainip ang buhay may asawa lalo na kung katulad ni Abigail ang asawa mo. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay araw-araw din talaga ang kakulitan ng kanyang may bahay. At hindi nga talaga siya nagsisisi na ito ang pinakasalan niya.
"Hindi ka ba pupunta kila Sky? Akala ko ba magkikita kayo ni Luna?" Tanong ni Gerald, Biyernes kasi ngayon at tuwing weekdays lang naman pumapasok ang asawa niya sa ospital. Kung siya lang ay ayaw niya na sana itong bumalik sa trabaho dahil mabubuhay naman sila. He still have business, kabi-kabilang negosyo na isinabay niya noong konsehal at maging bise alkalde pa lang siya ng kanilang lalawigan. Wala na din naman sa poder nila ang panganay nilang si Sky dahil nga may pamilya na ito. At ang pangalawa naman na si Clara at bunso nga nila ay nasa Germany ngayon at doon nagtatrabaho. They let their youngest work there and explore. Mas malaya kasi talagang nakakagalaw doon ang anak nila kumpara dito sa Pilipinas na hindi niya magawang alisan ng bodyguard.
Lumangoy ako palapit kay Mi loves. "Bukas na siguro saka dumaan naman ako sa kanila kahapon bago ako umuwi." Our son is the town mayor of Estrella and he's married to Adira, ang anak ng kaibigan din namin na sila Oscar at Luna. Kaya nga naging instant naging mag-balae kami ng lukaret na 'yon dahil sa mga anak namin. Oh well, mas naging masarap kaasaran ang kaibigan niyang si Luna ngayon kumpara dati dahil lagi nga nilang pinag-aagawan ang kanilang apo.
"Okay I'll go with you tomorrow." Ani ni Gerald na inalok ang kabiyak ng iniinom niyang kape pero tumanggi naman ito. "Ano nga palang gusto mong dinner? Para magpapaluto na ako."
I smiled again, tanggap na talaga na g asawa ko na wala akong hilig sa kusina. Never niya akong pinilit na magluto pero siyempre dahil ako ang asawa niya ay kung minsan ako din naman ang nagluluto ng pagkain namin. Pero 'yong mga simple lang din gaya ng pag-prito-prito. Mero'n din kasi kaming kusinera kaya laking pasalamat ko talaga doon dahil kung hindi ay siguradong namayat na kaming mag-anak kung ako ang aasahan na magluluto.
"I want Le Fenice Mi loves for my dinner."
Napakunot noo agad si Gerald. "Huh? Anong gusto mo?"
"Sabi ko gusto ko ng Le fenice.."
"What's that? Parang ngayon ko lang narinig 'yan ah." Sabi pa ni Gerald, tunog Italian food kasi ang sinabi nito.
"Le fenice nga, between your hita-is.." At talagang ginalaw-galaw ko pa ang mga kilay ko dahil mukhang hindi niya yata na-gets ang sinabi ko.
Bumaba naman ang tingin ni Gerald sa nginunguso ng asawa at mukhang naintindihan na niya ang gusto nito. "ABIGAILLLL!" Sigaw niya ulit sa pangalan nito pero lumangoy lang din ito ulit papunta sa kabilang dulo ng pool. He understand what she said to him now, Le fenice means his penis! So 'yon pala ang gusto nitong hapunan!
#Maribelatentastories
BINABASA MO ANG
Abigail cristine maceda Book 02
RomanceAbigail cristine maceda and Gerald Amaniego story🖤