Prologue

18 5 0
                                    

- HERA's POV –

Pagkatunog na pagkatunog ng bell nakahinga ako ng maluwag dahil tapos na rin ang last class ko at tapos na ang school year. Nagmamadali akong kunin lahat ng gamit ko para kahit papaano ay masilayan ko ang mga taong sa labas kung paano magpaalam sa mga kaibigan nila.

"Ms. Villaverde, kahit anong pagmamadali mo hindi mo masisilayan ang pamangkin ko." Napalingon naman akong nakangising lalaki sa harapan ng classroom.

"Professor Vejar, I am not going to see your nephew." Pagsisinungaling ko.

"And pigs can fly. Huwag mo akong pinagloloko, Hera." Sabi nito at sumandal ito sa kanyang upuan. "Sa ilang taon kitang naging estudiyante sa Mythology at tuwing may laro sa labas napapansin kong nakikita kong sinisilip mo siya."

"Prof naman." Hindi na ako makapagkaila. Nabuking na ko ano pang gagawin ko.

Narinig ko naman ang tawa niyang parang isang musika. "Sige na. Hindi na kita lolokohin kung lalabas ka na sa silid na 'to dahil kanina pa parang bulate ang anak ko sa labas."

"Dad!" Narinig sa labas ang sigaw ng matalik kong kaibigan na si Haze. Pumasok naman ito sa kwarto at hinalikan ang pisngi ni professor Vejar.

"Be home early Kapre at baka maging mananangal ang mommy mo kakahanap sa'yo." Narinig naming sabi nito pagkalabas namin ni Haze.

"Kahit kailan talaga si Dad bully." Sabi ni Haze sa akin pagkalabas namin sa silid.

Natawa na lamang ako dahil simula pa naman noong una naming pagkakakilala ni Haze ay grabe ng mang-asar si professor Vejar pero kapag niloko mo naman ito patungkol sa mommy ni Haze na dati nitong asawa ay tumatahimik naman.

"Bakit nga ba nandito pa ang dad mo? 'Di ba artista siya?" Tanong ko. Hindi naman sa ayokong nandito si Professor Vejar dahil kahit mawalay ako sa pamilya ko – sa daddy ko – pakiramdam ko nagkaroon ako ng pangalawang ama dahil sa kanya.

Si professor Vejar ay isang kilalang artista sa Pilipinas. Kilala siya bilang Yto Vejar na kinagigiliwan ng mga kababaihan. Kaya nagtataka talaga ako na nanatili siya rito sa Canada at piniling maging Mythology professor.

"Ang kulit kasi ni mommy. I mean, because of that one stupid scandal hiniwalayan niya si dad pero pareho naman silang nasasaktan. Kung nakipag balikan na siya kay daddy panigurado hindi patakas si daddy kung alagaan kami ni Aerith."

"'Di ba buntis mommy mo?" Tumango naman siya. "Hindi ba ang dad mo ang ama nung baby?"

Nakita kong nagbuntong-hininga siya. "Si dad." Nagbutong-hinigna muli siya. "See pasaway si mommy. Nakipag benefit kay dad pero ayaw balikan."

"Ang gulo ng pamilya mo." Komento ko naman ng palabas na kami.

"Tell me about it. Si mommy lang naman ang pasaway. Well, sila ni tito kuya - magkapatid talaga sila."

Natawa na lamang ako dahil kapag tinanong ko kung bakit ganun na lamang ang inis rin niya sa 'tito kuya' niya panigurado aabutin kami ng kinabukasan. Mas marami siyang nakukwento tungkol sa tiyuhin niya.

Napagdesisyunan naman naming sumandal sa hood ng kotse ni Haze ng dumating kami sa parking lot na malapit sa basketball court at tinatanaw ko ang mga kalalakihan na nagba-basketball sa basketball court.

"Graduation raw nila next week, sabi sa akin ni Scorpio." Panimula ni Haze habang nakatingin sa isang lalaking nakasando ng itim na nakataas ang kamay upang sumignal na sa kanya ipasa ang bola.

"So hindi na pala natin sila makikita next school year." Sabi ko naman habang nakatingin sa lalaking may hawak ng bola.

"Yeah. Hanggang tanaw lang natin sila."

The Heiress's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon