“Hello, this LM ENTERTAINMENT. We would like to inform you that we are now hiring for Liam stylist. We need to hire as soon as possible so if you are interested you can contact us in our official instagram account ‘LM_OFFICIAL’. Just send you resume and we will message you back if you passed. Thank you.”
This is my chance para makalapit sa kanya. Sigurado akong maraming mag a-apply kaya binuksan ko ang computer ko para ihack ang system nila.
Ang planong kong gawin ay papatigilin ko ang pagpasok ng message sa ig nila at yung message ko lang makikita nila at once na nahire na ako doon ko palang ibabalik sa dating ayos ang ig nila para hindi sila maghinala.
Pagkatapos kong ihack ang system nila ay nagsend na ako ng resume ko at nagseen sila kaagad.
As expected, natanggap ako kaagad, sinend lang nila sa akin ang conditions at bukas ay pupunta na ako sa agency para sa onsite na pag usap about sa other conditions.
Nakita ko sa computer ko na gumagawa na sila ng announcement na may nahire na kaya binalik ko na sa dati ang ig nila at nakita ko na sobrang dami palang nag try na mag send ng resume nila.
Sorry kayo dahil I work smarter. Napost na din yung announcement na may nahire na sila.
I’m so matalino talaga.
Mukhang matutulog akong nakangiti dahil makikita ko na siya ng malapitan bukas. Excited na akong makita siya at makasama.
Maaga akong nagising para mag ayos dahil dapat representable akong tingnan sa paningin niya. Pumunta na ako sa agency dala ang iba ko pang requirements.
Pagkadating ko doon ay dumiretso ako sa isang kwarto at doon namin pinag usapan ng mga staffs ang mga ibat ibang bagay na related sa trabaho ko.
Natapos na ang meeting pero hindi ko pa din nakikita si Liam. Sa pagmamadali kong makapunta dito ay hindi ko na nasilip si Liam sa computer kanina.
“Si Liam nga po pala? Nasaan niya?” pagtatanong ko. “Nasa meeting pa siya regarding sa pag c-cameo niya sa isang drama kaya bukas ka pa makakapag simula mag trabaho.” sabi ng isang staff.
Nag ayos pa naman ako ng bongga tapos wala pala dito ngayon si Liam, nakakainis yun ah!!
Umuwi akong malungkot dahil sa pangyayari kanina. Pinanood ko na lang siya mula sa computer ko.
As usual hinack ko ang cctv ng pinuntahan niya at pinanood ko lang ang galaw niya hanggang sa naka uwi na siya.
Natulog din siya kaagad dahil mukhang pagod siya, palagi na lang siya pagod. Simula bukas ay sisiguraduhin ko na hindi na siya mapapagod masyado.
Maalagaan ko na din siya ng maayos at ng malapitan, nakakapanghina pa naman na makita ko siyang sobrang pagod at walang energy. I want the best for him and I know what’s the best.
Natulog na din ako para madami akong energy bukas.
Maaga akong dumating sa agency at dumiretso ako sa make up room dahil may promotion stage siya mamaya.
Inayos ko na ang mga gagamitin kong make up at dadalhin para hindi na hassle pag dating niya. Inayos ko na din ang susuotin niya at nag prepare pa ako ng isang damit na susuotin niya pagkatapos mag shoot ng promotion video niya.
Maya’t maya ay dumating na ang manager niya. “Ayos na ang lahat. Si Liam nalang kulang” sabi ko kay Lance na manager niya.
‘’I’m here.” boses iyon ni Liam. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at ngayon ay naglalakad na siya paapunta sa amin.
Mas nakaka inlove siya sa malapitan na parang gusto ko siya biglang halikan. Pero hindi pwede, dapat hindi nila mahalata na obsessed ako kay Liam.
“Good morning, sir.” bati ko sa kanya.
“Good morning too, what’s your name?”
“I’m Kate, your stylist starting now.”
CHAPTER 2 END