CHAPTER 1

2 0 0
                                    

CHAPTER 1

Papalubog na ang araw nang magsimulang maglakad pauwi nang bahay si Hezekiah, tahak niya ang daang lagi niyang dinadaanan mula elementarya at ngayong sekondarya na siya. Napapaisip siya kung hanggang kailan niya tatahakin ang daan na ito, sumagi rin sa kaniyang isipan ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang.

'Hanggang kailan kaya ako titigil sa paglalakad sa daan na ito?At gaya ng daan na ito hanggang kailan kaya sila titigil sa pag-aaway? Mula bata ay lagi ko nalang silang nakikitang nag-aaway ngunit hindi naman naghihiwalay, ako yung naiipit sa kanila. Sana hindi nalang ako pinanganak sa pamilyang to!' ani ni Hezekiah sa kaniyang isip.

Habang nag-iisip ay may nahagip ang kaniyang mga mata mula sa malayo, kumikinang ito dahil sa sinag nang papalubog na araw. Dali-dali siyang lumakad papalapit rito, isang ginto na pulseras pala ang kumikinang, kinuha niya ito at sinuri.

May nakaukit na mga simbolong hindi maintindihan ngunit pilit niya parin itong binasa, naramdaman niya ang pagbigat ng talukap ng kaniyang mga mata at unti-unting nawalan ng malay.





Unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata ngunit sumalubong sa kaniya ang hindi pamilyar na lugar. Matataas na gusali, mga lumulutang na mga sasakyan, mga robots na naging courier o naging salesman ng Mall's and Shop's. Hindi ito ang Earth na kaniyang kinamulatan, kundi naglakbay siya sa isang parallel na mundo ng Earth.

As she traveled her eyes around, nabigla siya nang malamang nasa gitna pala siya ng kalsada.

“Move!”sigaw na napabalik sa kaniya sa realidad.

Nilingon niya ang pinagmulan ng sigaw na iyon, sumalubong sa kaniya ang isang sasakyan na transparent makikita mo ang tao sa loob noon, maliit lang ito ngunit napakabilis. Nakalutang ito habang pinapatakbo hindi tulad ng sasakyan sa Earth na nakaapak ang gulong sa kalsada.

Hindi siya nakaimik, nakatitig pa rin siya sa sasakyan. Gulat at hindi pa rin siya makapaniwala sa kaniyang mga nakikita. Halatang naiinis na 'yung taong sumigaw sa kaniya, kaya habang abala siyang nakatingin sa sasakyan, ay kaagad siyang inireport
nito sa isang Traffic Police Enforcer.

“Ma'am your obstructing this road for almost 30 minutes, please step aside.”saad ng Traffic Police Enforcer sa kaniya.

“I...I-Im sorry.”namutla siya ng makita ang isang lalaking nakauniporme ng Traffic Police Enforcer. Agad siyang humingi ng paumanhin at agad na umalis sa pagkakaharang sa daan.






Pagkatapos nang pangyayaring iyon ay agad na umalis si Hezekiah sa lugar, nakakita siya ng upuan sa may parke umupo siya doon at ipinoproseso ang lahat ng nangyari.

Naglalakad siya pauwi ng bahay nang may makita siyang kumikinang na bagay na bracelet pala, may mga simbolong nakaukit dito ngunit hindi mawari kung ano.

Dahil ba 'yon sa bracelet?”naibulong ni Hezekiah sa sarili.

Agad niyang hinanap ang bracelet at nakasuot pala ito sa kaniyang kanang kamay, nangunoot ang noo niya. Naalala niyang hindi niya iyon isinuot ng mapulot niya ito, papaanong nakasuot na ito sa kaniyang kamay ngayon.

Sa pagkaka-alala ko'y hindi ko naman ito isinuot?”bulong niya ulit at tinitigan ng mabuti ang bracelet na suot. “Ang hiwaga mo talaga, kung iaalis kita sa kamay ko makakabalik kaya ako?” kausap niya sa bracelet ngunit hindi naman siya sinagot nito gaya ng nakikita niya sa mga pelikula at mga nagbabasa.

Ang hindi niya alam ay pinagtitinginan na siya ng mga tao doon, bumubulong ng kung ano-ano at kinakausap pa ang sarili.

  “Ma, that girl po oh kinakausap ang sarili, do you think po may ganun siya?”ani ng isang bata habang nakaturo sa kay Hezekiah at itinuro pa ang kaniyang sintido.

  “Stop that, Axel Sane. Hindi magandang asal iyan.”suway ng babae sa kaniyang anak. Lumakad siya sa kinaroroonan ni Hezekiah.

  “Nagugutom ka ba?Kunin mo itong pagkain.”ani ng babae sabay abot sa dala nitong pagkain sabay ngiti sa kaniya, may halong awa sa tono ng kaniyang boses.

  Aayaw pa sana si Hezekiah dahil sa nakakahiya ng tumunog ang kaniyang tiyan, agad siyang yumuko at uminit ang kaniyang pisngi napahawak siya sa kaniyang tiyan.

  “Here. Kumain ka.”ani sa kaniya ng babae nakapaskil sa labi nito ang mga ngiti.

  “S... Salamat.”usal niya rito at inabot ang pagkaing dala nito.

  Nagulat ang babae ng magsalita siya, akala nito'y may sira siya sa kaniyang utak kaya bumubulong ito ng kung ano-ano. Binigyan niya ito ng pagkain, dahil naaawa siya rito.

  “Ako nga pala si Danica Soria at ito naman si Axel Sane Soria, anak ko. Nakatira kami sa 3rd District.” ani nito sa kaniya, habang tinitingnan siya nitong kumakain.

  Lumingon siya dito, “A...Ako nga pala si Hezekiah Elisze Truno, w-wala akong ibang naalala bukod sa pangalan ko.”ani niya dito.

  Hindi na ito ang mundong kinalakihan niya, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya dito kung ipagsasabi niyang hindi siya taga-dito at naglalakbay siya mula sa parallel na mundo.

  Sinabi niyang wala siyang maalala upang protektahan ang kaniyang sarili, habang unti-unti niyang kinikilala ang mundong kaniyang kinaroroonan.

  “Sa amin ka nalang tumira, habang hindi mo pa naalala ang iyong nakaraan. Delikado sa iyong kalagayan ang magpalaboy-laboy sa lansangan, lalo na't napakaganda mo pa.”ani sa kaniya ng babae, napakabait nito at ang gaan ng loob niya rito.

  “Sa amin ka na tumira, ate. Ate, napakaganda mo po.”ani ng batang nagngangalang Axel, nakangiti ito habang hawak-hawak nito ang kamay niya. Kumikislap ang mata nitong tumingin sa kaniya.

  She blushed due to the word 'ate' at 'ganda'. Hindi pa siya nasabihan ng ganoon, and it was such a nice feeling pala being praise by someone you didn't know.

  “Sige.”sagot niya at ngumiti sa mag-ina, napakabuti nilang tao.

  She sighed as she gazed into the distance. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa kaniya dito sa mundong 'to ngunit unang araw palang niya ay nakatagpo na siya ng mga mabubuting tao and she thinks that it was a good beginning.

  Sana lang ay makabalik na siya sa mundong kaniyang pinaggalingan sa pagmulat niya muli sa kaniyang mga mata, she realized that she really missed home.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHE Travelled Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon