Chapter 02

108 6 1
                                    

Chapter Two

Dear Mr. Arrogant,

Oh my God! Ang saya saya saya saya saya ko! Sobrang saya na hindi na mawala iyong aking ngiti. At sino ba ang nakakapagpasaya sa akin kundi ikaw lang?

Kaning recess kasi lumabas kami ni Areen na bestfriend ko, pumunta kami sa cafeteria. Nag-order si Areen ng makakain namin at hindi ko siya nasamahan dahil magreserve na lang daw ako ng table. After niyang makabili, umupo kami doon sa isang table na hindi masyadong tago. Tapos, tapos, tapos... teka, kinikilig ako!


Habang kumakain kami ay napatingin kaming magbestfriend sa kanan. Nandoon ka, kasama sina Kyle. Nakikipagbiruan ka sakanila at shet, yung tawa mo! Para akong nasa heaven. Pero hindi lang iyon ang kinasaya ko ngayon...

Ngumiti ka kasi sa gawi namin... sa akin.

Hindi mo alam kung ano ang naging epekto ng 'yon. Kung ano ang naging epekto ng pag ngiti mo. Halos hindi na ako makatulog at makakain ng maayos. Lagi akong timang kung makangiti wagas, dahil lagi kong naiisip yung pag-ngiti mo. Puno ng saya ang mga mata mo, eh!

Hindi ko alam kung aksidenteng pag-ngiti lang 'yon or what. Pero hindi na 'yon importante. Ang importante, ikaw at ako... charaught!

My God! Nagba-blush pa talaga ako habang sinusulat ang entry na 'to. Grabe talaga ang epekto mo sa akin, Lander.

May feelings ka na ba sa akin? Haha joke lang, echoserang froglet ko naman.

Pero alam mo ba, may isa pa akong napapansin sa mga nakaraang araw.

One time kasi habang ako lang mag-isa doon sa garden, nakita kong nakatingin kayong magkakaibigan saakin. At parang tinutulak-tulak ka pa nila papunta sa gawi ko. Naririnig ko pa nga yung mga, "Lapitan mo na!" at "Bilisan mo Lander. 'Wag mo nang sayangin ang chance na 'to!" ng mga kaibigan mo, eh.

Anong ibig sabihin noon, Lander? Bakit parang gusto mong lumapit sa akin?

Sana balang araw ay masabi mo na ang gusto mong sabihin. At hihintayin ko ang panahon na iyon. Wag mo lang sana akong paasahin sa wala, ha? O baka naman ako talaga yung assumera?

Love,

Brenna Mae.

Dear Mr. ArrogantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon