Isa

9 1 1
                                    

Caroline

"Nasaan si Leight?" Tanong ni Averie habang palinga-linga sa paligid na halatang balisa. Unang araw ng pasukan ngayon sa Elton University, kaya't bawat sulok ng campus ay puno ng mga estudyanteng abala sa paghihintay ng unang bell.

"E ano pa nga ba? As usual, late na naman siya. Minimum na 'yung 20 minutes." sagot ni Reynce habang kampanteng nakaupo sa tabi ko sa cafeteria. Hindi na bago ang ganitong scenario-sa totoo lang, palagi namang late si Leight, lalo na kapag first day.

"Grabe, ang tagal talaga ng babaeng 'yon!" Reklamo ni Averie na mukhang iritado. Nasa tapat ko siya at halatang hindi siya mapakali sa kinauupuan.

"Eh bakit ba, Avie? Hindi naman ikaw ang magbabayad ng fines kapag late siya, 'di ba?" Pasimpleng banat ni Reynce. May punto naman siya. Sa totoo lang, kaya laging may pondo ang Student Supreme Council (SSC) ay dahil na rin kay Leight, na regular na nagbabayad ng late fines. Kung hindi man sa pagiging late, may ibang rule naman siyang nilalabag.

"Relax, baka natraffic lang." Sabi ko, pilit pinapakalma ang dalawa. Hindi pa ba sila sanay sa mga gawi ni Leight?

"Eh lagi naman kasi niyang ginagawang dahilan 'yan." Balik ni Avie, pero kapansin-pansing may hinihintay siyang iba.

At parang sinagot ng tadhana ang hinihintay niya, dahil bigla na lang sumulpot si Leight, kasama ang isang lalaking pamilyar na sa akin.

"Sorry, I'm late." Bungad niya. Inaasahan ko na ang sermon mula kay Averie pero tahimik lang siyang nakatitig sa lalaking kasama ni Leight.

"Traffic?" Sarkastikong tanong ni Reynce.

"Yeah, buti na lang nadaanan ako ni Primo." Paliwanag ni Leight, kahit halata namang hindi na kailangan ng detalye. Kapansin pansin ang paghihintay ng dalawa sa pagpapakilala ni Leight sa kasama at napansin naman ito ni Leight kaya agad niyang ipinakilala ang lalaki.

"Girls, by the way, this is Primo, first cousin ko." Sabi niya at sinundan ng pagpakilala niya sa bawat isa sa amin.

Nakangiti si Primo at nakipagkamay kina Avie at Reynce, pero nang marinig niya ang pangalan ko, tila napakunot ang noo niya at matilim na napatingin sa akin.

Bigla akong kinabahan. Alam ko kung bakit ganoon ang tingin niya.

--Flashback--

"Mag-isa ka ata, nasaan si Geoff?" Tanong ng isang pamilyar na boses habang pumwesto sa harap ko. Napatingin ako at nakita ang isang lalaking hindi ko masyadong kilala, pero alam kong isa siya sa mga kaibigan ni Geoff.

"Lumabas lang saglit." Tipid kong sagot habang pinili kong magpokus sa paligid. Nasa bahay kami ni Brylle para sa ika-21 niyang birthday, at karamihan sa mga bisita'y tila lasing na, at isa na rin ako dun.

"Talaga? So sino 'yung lalaki?" Tanong niya, sabay turo sa isang sulok. Nakita ko si Vea at si Geoff-magkalapit ang mga labi, tila bang walang ibang tao sa paligid nila. Nakaramdam ako ng inis.

Si Vea, ex-girlfriend ni Geoff. At kahit gaano man niya itanggi, halatang hindi pa siya nakaka-move on. Alam ko ang kanyang ugali at ang kanyang paulit-ulit na paghabol kay Geoff kahit matagal na silang hiwalay.

Natawa nang bahagya ang lalaki sa tabi ko. "Hindi pa rin talaga nagbabago si Geoff." Bulong niya.

"Hindi mo lang alam. Kagagawan 'yan ni Vea." Pagtatanggol ko sa walang kwentang inipag-iisip niya kay Geoff.

Tumingin siya sa akin na tila may pagtataka. "At paano ka naman nakakasiguradong siya ang gumagawa ng hakbang?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Dahil matagal ko nang kilala si Geoff. Alam ko kung paano siya kumilos kapag seryoso siya sa isang babae-at hindi ganyan."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UnchainedWhere stories live. Discover now