Chapter 13

8 3 0
                                    

Chapter 13

Sinundan ko ng tingin si pearl habang pabalik sa cottage kung saan kami kakain ng dinner.

Anong ibig sabihin nun? Hindi ko kilala si Gov sa paraan ko? May tinatago ba siya? Umiling na lang ako, piniling binalewala ang sinabi ni Pearl nang malapit na ako sa cottage kung saan kami kakain.

Pagpasok ko, nakita kong nakaupo si Diago kasama ang babaeng dinala niya sa hotel room namin. Si Pearl naman, kakaupo lang, at nang mapansin niya ako, agad niya akong inirapan. Napakagat ako sa labi-talagang hindi ako marunong makipag-away.

Subukan lang niyang sabunutan tong buhok ko, kahit hindi ako marunong, masasira rin ang pagmumukha niya sakin kung sakaling saktan niya ako.

"Oh, good evening, Yvainne," bati ni Diago nang makaupo na ako sa kabilang bahagi ng lamesa. Kumindat siya sa akin, kaya ngumiti ako ng kaunti, ngunit nang mapatingin ako sa babaeng kasama niya, dahil inirapan ako.

Napanguso ako at tinitigan ang mga pagkaing nakalatag sa harap namin. Marami ito, at hindi ko na maisa-isa, pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang pork sisig na malapit sa akin.

Pinatong ko ang kamay ko sa hita ko at nilaro-laro ito, dahil napakatahimik ng atmospera naming apat. Nang tumingin ako kay Pearl, para bang sasabunutan niya ako sa tingin, habang ang kasama naman ni Diago ay masama ang tingin sa aming dalawa. Ano bang problema nila?

Ilang sandali pa, dumating na si Governor Jace, nakasuot ng navy blue polo, cream white na Uniqlo chino pants, at sneakers. Hindi na ako magtataka-may sense of style talaga siya.

"Hi, darling. Let's eat," sabi niya, habang hinawakan ang balikat ko bago niya hinila ang upuan at umupo. Agad namang nag-umpisang kumuha ng pagkain sila Diago at ang katabi ko, na panay tanong kung ano ang gusto kong kainin.

"Do you want this?" tanong niya, itinuturo ang steak. Tumango lang ako, at agad niyang pinutol ito sa maliliit na piraso at inilagay sa pinggan ko.

"Ellion, let her have her food. She's not in elementary to need her steak cut into pieces," biglang sabi ni Pearl, mahigpit na nakahawak sa kutsara at tinidor. Inirapan niya ako at padabog na bumalik sa pagkain. Napatingin ako kay Gov Jace, na parang walang narinig. Pinagpatuloy lang niya ang paglagay ng steak sa pinggan ko.

"So, Yvainne, you're going back to school? Is Kuya Ellion okay with it?" tanong ni Diago habang pinupunasan ang kanyang labi.

"Hmm, oo, pinayagan na ako ni Gov," sagot ko ng may ngiti, sabay tingin sa hita ko kung saan nakapatong ang kamay ni Gov Jace. Hindi ako nagreklamo; hinayaan ko lang ito at nagpatuloy sa pagkain.

"You're still studying?" Tumango ako at napatingin kay Pearl, na nakataas ang isang kilay.

"What year? And course?" tanong niya, may halong pag-usisa.

"First year, Bachelor of Journalism and Mass Communication," sagot ko. Ngunit kabig-likod at ngisi lang ang itinugon niya, na parang hindi interesado.

Wala nang nagsalita pa, at tahimik lang kaming nagpatuloy sa hapunan naming lima.

Naunang umalis sina Diago kasama si Riza, at naiwan kaming tatlo sa cottage.

"About the-"

"Shut your fucking mouth, Pearl. Not now," malamig na sabi ni Gov Jace, na ngayon ko lang narinig. Napasiksik ako sa upuan ko, pigil ang pagngiti sa kaba at takot.

Pasimple akong sumulyap kay Pearl, na bumuntong-hininga na lang at umiling bago sumandal muli sa upuan.

"Are you tired, darling?" tanong ni Gov Jace. Tumango ako sa kanya.

Claimed By The Governor Where stories live. Discover now