Chapter 07

89 5 1
                                    

Chapter 07

Gift

Naiintindihan ko naman ang payo ni Kuya Dreyse noong isang araw. Huwag mag-boyfriend para makapagtapos at makapag-focus sa college. Iyon din ang paulit-ulit na pinapaalala ng Kuya Aureus at Kuya Marcuz ko sa akin.

Ayoko rin namang mag-boyfriend. I don't think I'm ready to completely commit. Marami pa akong bagay na hindi kayang gawin. Sometimes I could still feel that I'm still a dependent person. At maraming sitwasyon din sa aking buhay na pakiramdam ko, hindi pa ako mature enough to handle a serious relationship.

Isip bata pa naman din ako minsan.

"Bebe, labas na," katok ni Kuya Marcuz sa kwarto ko.

"Susunod na po!" sigaw ko.

However, I wanted to experience having a mutual feelings with someone you like. Okay lang kahit hindi maging kami, ayos na sa akin na malaman kong pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa.

Kumatok ulit si Kuya Marcuz habang nasa kwarto ako, nag-aaral.

"Bebe," si kuya.

"Ano na naman po?" bagot na sagot ko.

"May allowance ka pa ba?" tanong niya.

"Meron pa po, kuya."

"Ayaw mong dagdagan?"

Inatras ko ang upuan at tumayo. Inayos ko ang shorts na natupi at pinagbuksan si kuya ng pinto.

"Hm?" Bahagyang nakaawang ang pinto para makasilip ako.

"Ayaw mong dagdagan?" Ngisi ni kuya.

Ngumiti ako pabalik. "Huwag na muna kuya. Malaki-laki pa naman ito po."

"Sigurado ka? Baka naman nagtitipid ka, ha? Umayos ka, Ceignt. Baka hindi ka na kumakain?"

"Kuya naman! OA?" Tumawa ako. "Kumakain po ako, 'no!"

"Oh! Kunin mo na 'to. Kahit itabi mo lang muna." Inabot niya sa akin ang isang libo.

Ngumuso ako. "Huwag na nga po kuya, sure po ako."

"Tss," bumuntong hininga siya. "Edi, labas na lang tayo bukas?"

"Hm, anong oras?" bibong tanong ko.

"After ng klase mo?"

"Sige kuya!" sagot ko at isasara na sana ang pinto para bumalik sa pag-aaral pero humarang pa ang kamay ni kuya sa pintuan.

"Sandali naman, bebe!"

"Ay sorry po!" Muli kong binuksan ang pinto. "Bakit kuya?"

"May ice cream sa baba. Ayaw mo?"

"Talaga?" Nagningning ang mga mata ko.

"Yup,"

Dahil sa ice cream na binili ni kuya, natigil tuloy ako sa pagre-review upang kumain muna. Sa kusina ay naroon din si mama, nagluluto ng dinner.

Kumuha ako ng baso at naglagay ng cheese flavored ice cream doon. Kumuha rin ako ng tinapay at pinalamanan iyon ng ice cream.

Pinag-salin ako ni kuya ng juice at nilagay iyon sa tapat ko. I thanked him with a big smile. Naupo siya sa tapat ko at kumuha rin ng tinapay at ice cream, agad siyang kumagat doon. Nilingon nya si mama.

"Aalis kami ni bebe bukas, ma? Sama ka po?" tanong ni Kuya Marcuz kay mama.

"Mag-o-overtime ako bukas, kuya. Hindi ako pwede. Kayo na lang munang dalawa." tugon ni mama.

"Anong oras ka po ba makakauwi bukas, ma? Daanan ka po namin ni kuya sa work niyo po? Para sabay-sabay na po tayong umuwi?" tanong ko sabay subo ng ice cream.

Nakita kong nilagyan muli ni kuya ang baso ko ng icecream dahil pauubos na 'yon. I giggled and thanked him. Dumila lang siya na parang cringe na cringe sa ginawa ko.

"Magpahinga na lang kayo nang maaga, huwag niyo na kong hintayin. May pasok kayo kinabukasan." sabi ni mama.

Dahil sa pangako ni kuya, excited ako sa class dismissal kinabukasan. Nataon pang walang professor sa last subject, kaya maaga kaming umuwi. Naupo muna ako sa benches, tapat ng HM mock hotel habang hinihintay si kuya na lumabas mula sa Engineering building.

Habang nakaupo ay natanaw ko si Raze sa malayo, palabas ng main building.

"Raze!" I called. My heart tugged. Masyado talaga akong nag-fe-feeling close!

Umayos agad ako ng upo bago pa man siya lumingon sa akin.

He looked at my direction and raised his brow.

"Saan kayo?" tanong ko.

"SLC." sagot niya. Sa Student Leadership Club pala.

"Bakit? Sama ka, Ceight?" Ngiting-ngiti sa akin si Gab na kasama niya. "Sama na! Para hindi boring! Recruit ka na rin namin diretso!"

Ngumiwi ako. "Hindi, e. May lakad kami ngayon." sa tugon ko ay napakunot ang noo ni Raze.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagpipigil ng ngiti. When did I start creating that effect on him?

"Lakad?" he clarified.

"Yup,"

"Saan? Like," he chuckled a bit. "If you don't mind."

"Sa SM lang. Kasama ko kuya ko." I smiled even wider. Kuya ko lang, huwag kang kabahan!

"Ohh," he said. "Ingat kayo."

"Surely." For you.

Naabutan ako ni Kuya Marcuz na kinakausap si Raze. Nahuli niya rin ang halos nangangamatis kong pisngi at malapad na ngiti habang kausap si Raze Ricalde kanina.

Kinabahan tuloy ako, baka magalit si kuya at dahil doon ay hindi na kami matuloy!

"Sarap ng ngiti mo sa freshman na 'yon, ah?" Usisa ni kuya habang naglalakad kami palabas ng campus.

"Ah! Kaklase ko po siya sa isang subject po." I tried to be as relaxed as possible kahit na nagtatahip na ang puso ko.

"Kaklase lang, ha?"

Napalingon ako kay kuya. "Oo naman po!"

"Weh?"

"Kaklase lang po talaga kuya."

Umakbay siya sa akin. "Hindi naman ako kasing strikto ni Kuya Aureus kaya okay lang naman sa'kin kahit na magka-crush ka, bebe." aniya, may pinapahiwatig.

Namula ang pisngi ko.

"Crush lang, ah? Huwag muna magbo-boyfriend." dagdag niya.

Parang nagdiwang ang mga paru-paro sa tiyan ko.

"O-Opo!" utal na sagot ko.

"So sino 'yong lalaki kanina?"

"Kuya naman!" Siniko ko siya habang nakaakbay pa rin sa akin.

Humalakhak siya.

"Sino nga? I have to be aware para kapag umiyak at nanamlay ka nang hindi mo sinasabi 'yung dahilan edi alam ko kung sino 'yung babalikan ko."

"Crush lang naman po 'yon, kuya! Wala kang karapatang mambugbog!" sigaw ko.

"So crush mo nga 'yung freshman na 'yon? Anong pangalan no'n?"

Pumikit ako ng madiin. Wala na! Hindi ko talaga kayang magtago kay Kuya Marcuz! Lalo pa't sa kanilang dalawa ni Kuya Aureus, higit na kilala niya ako!

"Um...Raze Ricalde po, kuya." Gusto kong tumili matapos na aminin iyon kay kuya pero pinigil ko ang sarili. Damn! Raze! Wala na! You have to take responsibility of me! Ni-legal na kita!

"Ohh," si kuya, nangingiti. "Gano'n pala ang tipo ng bebe ko na 'yan, ha? 'Yung mga mukhang matatalino..."

Hindi ako makaimik. Sa tindi ng kagat ko sa aking dila ay parang masusugat na iyon.

"Ilang taon na 'yon?"

"Kasing edad ko po..." I breathed out.

"HM din?"

Umiling ako. "Political Science po siya, kuya."

Tumango-tango siya.

"Basta hanggang crush lang, ha?" Kuya whispered softly. "Kapag niligawan ka no'n, sabihin mo munang hindi pa pwede, ga-graduate ka kamo muna."

"Kuya! Hindi naman manliligaw 'yon!"

"I'm just thinking about the possibilities, Ceignt. Kapag lagi mo siyang ini-entertain dahil lang sa crush mo 'yon, imposibleng hindi 'yon mahulog sa'yo pabalik. Ipapabaril ko talaga 'yon kay Kuya Aureus kapag nalaman kong nagpaligaw ka."

Kumalabog ang dibdib ko. Dahil sa sinabi ni kuya ay bahagya sa sarili ko ang umasang ganon nga ang posibleng mangyari.

But is it really possible? Na magustuhan din ako ni Raze pabalik?

Thinking about our interactions these past few weeks, I could say na meron nga talagang nagbago sa amin. Dati hindi niya ako pinapansin at ang sungit niya. Ngayon, nagagawa niya na akong ngitian at tanungin pabalik. Pati lakad ko, inaalam na rin niya.

"Hmm...ganiyan po yata nangyari sa'yo kuya, 'no po? May nagka-crush sa'yo tapos ni-crush back mo rin kasi natuwa ka sa pag-i-entertain niya sa'yo?"

"Hindi, 'no!" His defensive voice was so hard to believe.

Na-curious tuloy ako sa kung sinong babaeng nagpapatibok ng puso ng Kuya Marcuz ko. Wala pa siyang babaeng pinapakilala sa bahay, e.

Nasa misyon yata naming tatlong magkakapatid ay ang makapagtapos muna bago pumasok sa mga relasyon na 'yan.

Nag-street foods kami ni kuya sa labas ng campus bago umalis. Kaya pagdating namin sa mall, binilhan niya agad ako ng mga bagay na gusto at hindi na kumain pa.

Tumawang-tuwa ako. Hawak ang magkabilang pisngi ni PomPompurin, pinisil ko iyon sa sobrang panggigil. It's been my favorite Sanrio character since I was a child, favorite ko rin ang color yellow kaya giliw ko siya.

"Tara, saan tayo next?" tanong ni kuya matapos sagutin ang tawag ni mama.

"Tom's world, kuya?" Nangingiti ako.

Napabuntong hininga siya dahil alam kong hindi niya naman iyon hilig. Napaka tagal na rin simula noong nakapag-tom's world ako.

Last time na nag-SM kami nina Solemn at Hanna ay nag-krispy kreme at photobooth lang kami dahil kinulang na kami ng oras para maglaro.

Kuya got us tokens. Kabibili niya lang ng stuff toy sa akin at sa claw machine na agad siya pumunta!

"Kuya! Basketball na lang!" yaya ko na parang ako pa ang lalaki.

"Mas nacha-challenge kasi ako rito, e. Madali lang ang mag-shoot pero rito? Mukhang kailangan na yatang pakainin ng machine para may lakas naman 'yung galamay na 'to na kumagat ng stuff toy!"

Hindi nagtagumpay si kuya sa kabila ng napaka raming tokens na nahulog niya. Ako ang pumalit at na-realize kong tunay ngang magkapatid kami, sapagkat wala rin akong nahuli.

We tried playing basketball instead. Paramihan kami ng na-shoot at tuwang-tuwa ako dahil lamang ako kay kuya. Kuya's a varsity player at the university. In their very recent competition, kalaban nila ang mga sikat na universities sa NCR, siya ang tinaguriang MVP. To win against him right now, my ego just got boosted.

"Galing ng bebe na 'yan, ah?" Puri ni kuya ng mapansin ang agwat ng scores namin.

"Laban, kuya! Walang thrill!" Pagmamayabang ko.

Bagot niya akong nilingon. "Panalo ka na. Tama na. Gutom na ko."

"Huh?"

"Isa pang shoot mo, panalo ka na." aniya.

Doon ko napagtanto na, pinagbibigyan niya lang ang bawat score ko dahil wala na siyang energy!

Bumusangot ako at tinapon ang isang bola. "Tara na nga!"

Agad na ngumisi si kuya. "Anong gusto mong kainin?" umakbay siya sa akin.

"Um...Japanese cake? Oh! Want ko ng Potato Corner din, ayokong mag-rice, kuya." sambit ko, habang palabas kami ng Tom's World.

"Mabubusog ka ba ro'n?"

"Hindi naman kasing laki ng stomach mo 'yung stomach ko, kuya."

"Kahit na. Ayaw mo talagang magkanin?"

"Kung gusto mong mag-kanin, edi magkanin ka." tugon ko.

"Ang awkward naman non. Hindi tayo parehas ng kakainin." sagot niya. "Hanap muna tayo Filipino restau, same order na lang, tapos kahit ulam nalang kainin mo kung ayaw mong mag-kanin. Ako nalang kakain ng kanin mo."

Pumayag ako sa nais ni kuya. Nakakaawa naman at ako na nga itong nagde-demand. Kaya dapat, punan ko rin ang nais niya. Nang makalabas kami sa Tom's World, may nakasalubong kaming kakilala.

Hard Nut To Crack (San Lorenzo Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon