Nakasulat na ang iyong kapalaran.
Hindi na'to mabubura kahit kaylan.Kahit anong pagpupumiglas
hindi kana makakatakas.Dugo ang dadaloy hindi mga luha.
Isa isa kayong magluluksa.Hindi ka makaka sigaw, dahil bibig moy may busal.
Dahan dahan kitang kikitilan hanggang ikaw ay pumanaw, hindi ako hukom pero nasakin ang iyong buhay.
......
"Isang babae natagpuang palutang lutang sa isang ilog sa Laguna, kinilala ito sa pangalan jenny na labing walong taong gulang, naka tira ito sa sañ isdro malaya street, brutal ang pagmatay nito wala itong mga paa at kamay. Patuloy parin sa pagkalap ng information ang mga kawani ng kapulisan patungkol rito"
-narinig mo bayong balita anak, karumalrumal ang nangyari sa babae, kaya ikaw mag-ingat ka palagi anak, wag ka masyadong mag papagabi ng uwi. Nariyan naman si kuya Miguel mo para sumundo sayo sa tarbaho mo. Oo nga pala, nasan pala ang kuya mo hindi umuwi iyon kagabi siguro nasa galaan naman iyon, siya paglabas mo doon ipagtanong tanong mo ang kuya mo kung nasaan naroroon ah, malilintikan talaga sakin yang kuya mo..
Keisha: Opo mama, tugon ko rito.
Ang aga aga boses nanaman ni mama ang naririnig ko, hindi panga nag-aalmusal yung tao, nabusog na sa sermon.
Inubos kona ang isang tasa ng kape at pandesal sa aking platito, pagkatapos marahan ko itong inilagay sa lababo
para hugasan,habang si mama ay abala sa paglalaro ng candy crash sa kanyang cellphone naka tuon ang buong pansin niya rito. Nang natapos ako sa paghuhugas ay dumaretso ako sa aking kuwarto para kunin ang aking bag."Mama, aalis na'ko " pagpapaalam ko rito, dahil abala ito sa paglalaro ng Candy crash sa kaniya cellphone.
Pagnakita ko si kuya sa labas ay agad ko na'to pauuwiin ma, mauna na'ko ma. Sabay halik sa pisnge nito pero naka tuon parin ang pansin niya sa nilalaro niya.
Nasaan naman kaya si kuya inis kong sabi sa sarili, kanina pa'ko paikot ikot sa mga iskinita ng lugar namin pero hindi ko parin makita ang hinahanap ko. Masikip ang bawat mga daan,mabaho ang singaw ng kanal kasabay pa nito ang maingay na tunog ng tambotsyo ng tricycle karag karag . Magulo at maingay ang lugar namin walang ka ritong makikitang tahimik na bahay, may mga batang nalalaro ng piko sa kalsada, habang ang mga nanay nila ay nakaumpok na para bang mayroon pagpupulong.
Napadaan ako sa tindahan na palagi tinatambayan ng aking kuya Miguel pero wala siya rito, kaya naman naisipan ko tanungin ang tindero, pero hindi raw tumambay roon si kuya baka raw nasa barkada pa ito.
Sinuyod ko ang masikip at maingay na iskinita, nang makita ko ang isang bahay na tagpi tagpi ang dingding, at na bubulok nito bubong halatang luma na ito, pumasok ako sa bakuran para tawagin ang nakatira rito.
" Tao po, Maganda umaga mo"!! Nariyan po ba si kuya Miguel kase pinapauwi na siya ni mama.
Wala sumasagot rito kaya nama paulit ulit ako sa pagtawag, mayamaya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto, nakita ko ang isang lalaking may tato sa kanang niyang dibdib, naka hubad ito na para bang pawisan ay parang mayroon rolyong kulay pilak at isang lighter.
Maganda umaga po nariyan po ba si kuya Miguel, tanong ko rito ng mahinahon pero hindi ako nito pinasin at pumasok ito ulit sa loob, rinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ng aking kuya. Ilang sandali lang ay lumabas narin ang hinahanap ko sa bahay na iyon. Tulad ng isang lalaki pawisan rin si kuya.
YOU ARE READING
The book of deaths
RandomIsang babaeng may pangalan Keisha na maghihiganti at magsisilbing hukom sa taong pumatay sa kuya niya... Iisahin- isahin niyang hanapin ang sangkop sa pagpatay sa pinaka mamahal nitong kuya Miguel..