I'm laying on our bed right now, crying. My son is peacefully sleeping beside me. I don't wanna cry anymore. Gusto ko na lang maging manhid. Yung tipong maging totoong okay na lang sa'kin lahat everytime na may mangyayaring hindi okay.My partner and I aren't living together. Doon siya nag sstay sa bahay ng parents nya while kami ng anak ko dito din sa parents ko nakatira. Minsan umuuwi din kami doon sa bahay ng parents nila pero tumatagal lang yun ng 1 week.
We badly want to be together as family but things are complicated. We don't have our own house yet. Ayoko namang mag stay na lang kami dun sa bahay nila hanggang sa magkaroon kami ng sariling bahay, dahil alam kong matagal pa bago kami magkaroon ng sarili naming bahay. And ayaw din naman niyang nag stay dito sa bahay namin kasi nahihiya daw siya. So ang set up namin is magkahiwalay, which is the reason kung bakit lagi kaming may misunderstandings.
Like a typical family starter, gusto na din naming magkaroon ng sariling bahay na matatawag na sa'min talaga. Pero yun nga hindi pa pwede dahil nag iipon pa kami.
Ilang beses na din akong naki hiwalay sa kaniya dahil sa maraming bagay. Isa na doon yung umiinom siya nang hindi ko alam. Malalaman ko na lang sa mga kapatid niyang babae kapag umuuwi kami sa kanila.
In my 22 years of existence, siya lang yung lalaking napakilala ko sa parents ko. Sa kaniya ko din naranasan lahat nang FIRSTS na tinatawag.