ONESHOT

194 6 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, and events are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living, or actual events is purely coincidental.
____________________________________________

"Molly, tara na." masayang aya ni Cadee.

Si Cadee na ang kasama ko mula pagkabata hanggang ngayon na malalaki na kami. Marami ang napapagkamalan kami na mag on. Pati ang mga pamilya namin ay inaasar kami. Dinadaan na lang namin sa pagtawa ni Cadee, dahil kaibigan lang naman talaga.

"Ayan na." sabay kuha ko sa bag ko at tumakbo papalapit sa kanya.

"Akin na." kinuha niya ang bag ko at siya na ang nagbitbit.

"Saan tayo? tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Nasa Park." biro niya.

"Katawa 'yon?" sabay taas ko sa kilay ko.

Tumawa siya. "Saan mo ba gusto?" tanong niya.

"Sayo."

"Huh?"

"Sayo na 'yan. Ako na naman ang mag iisip."

"Milk tea?" napangiti naman ako.

"Isang Matcha at Dark Choco po." aniya sa tindera.

Habang hinihintay namin ay may iniabot ito sa akin. "Ano 'to?" nakabox 'yon kaya hindi ko alam kung ano ang laman.

"Buksan mo kapag nasa bahay ka na." nakangiting aniya.

"Bakit hindi pa ngayon?" bubuksan ko sana pero agad niya akong pinigilan.

"Kulit." natawa ako dahil parang nahihiya siya na buksan ko ito sa mismong harapan niya.

Kinuha na namin yung orders namin at naglakad na pauwi.

"Molly." biglang tawag niya.

"Uhm?" habang sumisipsip ako sa straw ng milktea.

"May nagugustuhan ka na ba?" nagulat ako sa tanong niya kaya nalunok ko ng buo yung pearl na ikinaubo ko.

Hinawakan niya ako sa braso dahilan nang paghinto namin sa paglalakad. "Okay ka lang?" alalang tanong niya.

Tinapat ko sa kanya ang palad ko. "Okay lang."

Nag ayos ako ng tayo."Bakit mo naman natanong 'yan?"

Bumitaw siya sa pagkahawak sa braso ko. "Ako kasi wala pa." may gusto ba siyang ipahiwatig?

"Ano naman pake ko?" biro ko.

Pinaningkitan ako nito. "Ang ayos mong kausap no." inis niya.

Natawa ako. "Bakit ba kasi? Siguro crush mo na ako no?" biro ko.

"Hindi naman." ouch naman.

"Sagutin mo muna tanong ko." pangungulit niya.

"Wala pa." pagsisinungaling ko.

"Ganon?"

"Bakit? May irereto ka ba? Nako, huwag mo na ituloy. Ayaw ko." sabi ko.

"Daming sinabi." naglakad na siya.

"Hoy, bakit ba kasi?" sabay habol ko sa kanya.

"Wala. Wala kang kwentang kausap." kainis 'to kaya hinampas ko siya sa braso. "Aray!" huminto siya sa paglalakad. "Magtatanong tanong ka tapos hindi mo sasabihin kung bakit." sabay irap ko.

"Ihahatid na kita, baka mapalo ka na naman sa pwet sa nanay mo."

"Hoy, hindi na ako bata no." kairita 'to.

KaibiganWhere stories live. Discover now