---
"Ugh!"
Kaagad na bumungad sa akin ang malanding ungol mula sa malanding babae nang pumasok ako sa condominium ng aking boyfriend na si Romel. Agad kong naramdaman ang bigat na presensya sa loob ng lugar.
Hindi alam ni Romel na bumili ako ng susi sa condo niya last week, lalo na't kaarawan niya ngayong araw na 'to. Natandaan ko pa. Ni hindi niya nga natandaan ang kaarawan ko last year.
Pinag-iingat kong tinahak ang mga hakbang patungo sa kaniyang kwarto. Doon sa lugar kung saan hindi ko mapigilang marinig ang mga ungol na tila sumisira sa aking puso. Dala-dala ko pa ang aking regalo para sa kanya. Isang produktong pinaghirapan ko't pinagpuyatan.
Biglang bumagsak ang aking regalo mula sa aking kamay at tumama sa sahig nang binuksan ko ang pinto. Hindi ko inakala na nakapatong pa ito sa ibabaw ng babaeng malandi. Naglaho ang lahat sa aking harapan, at sa pagkakataong iyon, ang galit, poot, at sakit ay sumalubong sa akin na para bang binabugbog ako ng paulit-ulit sa aking dibdib.
"Nice position." Bumanat ako na may nakalabas na mga braso habang nakasandal sa door frame. Parang napakalma ko lang.
Pero sa loob, ang sakit. Napakasakit. Tatlong taon kami magkasama, at ngayon lang niya nagawa ito. Ang tamis pa niya noong nanliligaw pa lang. Pero saksakan ng gago. Mga lalaki talaga, magaling lang sa umpisa.
"Caliste..." Bigla na lang itinulak ni Romel ang babaeng malandi palayo mula sa kama at agad siyang tumayo upang isuot ang kanyang pantalon. Hindi pa man niya naipapasok ito, nagmamadali na akong lumayo at tumalikod patungo sa labas.
Samantalang lumalakad palabas ng kanyang condo, bigla niyang hinablot ang aking pulso, subalit sabay doon ay itinulak ko siya nang bigla. Dahilan kung bakit napa-atras siya sa palayo sa akin.
"Gago ka ba?" Hindi ko napigilan ang biglang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata sa sobrang galit at sakit na nararamdaman.
"Tangina naman, oh..." Dag-dag ko. Kahit hindi pa lumalabas ng todo ang aking boses sa sigaw. Tila paos na paos na ito sa damdamin na sumasalubong sa puso ko.
"Love... I'm sorry..." Lumuhod pa talaga siya sa harap ko. May hawak-hawak pa ang aking kamay. Grabe, may gana pa siyang lumuhod? Eh, kanina pa nga ata siya nakaluhod sa malanding babae sa kama.
Hindi na ako makapagsalita dahil ang pinakamalakas na tunog na naririnig ko ngayon ay ang aking mga pag-iyak. Na para bang nagdilim ang lahat sa paligid.
---
Nag-jeep na lang ako pauwi sa bahay ng Auntie Mai-Mai ko. Kahit dito sa jeep, patuloy pa rin ang aking pag-iyak. Kahit nakakahiya, wala na akong pake kung ano ang iniisip ng ibang tao dito.
Doon na ako tumira sa tahanan ni Auntie Mai-Mai mula nang mawalan ako ng pamilya. Mayroon akong trabaho sa isang cafe, ngunit bigla akong tinanggal ng manager dahil lamang sa isang maliit na pagkakamali.
Ngayon, mahihirapan na talaga akong makahanap ng trabaho. Hindi ko alam kung bakit ganito ang takbo ng buhay ko ngayon. Parang sumpa na ata ito. Nakakainis."
"Ano?! Magsusugal ka na naman?! Ano ba, Jason! Wala na tayong pera pangtustos!" Sigaw ni Auntie Mai-Mai ang bumungad sa akin nang bumalik ako sa bahay.
Si Tito Jayson nanaman. Ang hirap na nga sa buhay tapos dadagdagan pa ng ganyang kabaliwan ni Tito Jayson. Sobrang nakakainis na. Hindi pa nga tapos yung mga isyu kay Romel, may dagdag pang problema si Tito Jason.
"Auntie..." Napalingon silang dalawa sa'kin, mukhang naging malambing ang mukha ni Auntie nang makita niya ako. Ganito siya. Napaka-sweet niya sa akin.
YOU ARE READING
Dust and Diamonds
RomanceCaliste, a simple girl, has lived with her aunt ever since her parents tragically passed away when she was just a young child. Struggling to make ends meet, Caliste decides to take a job at a grand mansion. There, she meets West Zavier Ferrante, her...