"AND the best female TV Broadcaster goes to..." sadyang binitin ng emcee ang pag-announce ng nanalo. Last day at awarding na nagsipagwagi sa katatapos na DSPC.
Nanginginig at kinabahan si Jhoanna or 'Master Jho' to her friends. Natawag na ata niya lahat ng santo't santita sa prayer niya na sana siya ang manalo ngayong taon.
In fairness to her, pinagtrabahuan niya nang malala ang pagiging TV Broadcaster sa kanilang school. Walang mintis siyang um-attend sa mga practice nila kasama ng mentor niyang si Mrs. Santos. Kahit sa bahay nila, kinarir niyang kabisaduhin ang scripts niya. Kontodo practice pa siya sa harap ng salamin. Parang nasisiraan na nga raw siya ng bait sabi ng nanay niya.
Pero no one can stop her. Dream niyang makapasok sa RSPC. Eventually sa NSPC na rin. At kung papalarin, maging TV Broadcaster din sa telebisyon.
Dream big, ika nga, saloob-loob niya.
"Malamang 'yang mga naka-brown na uniform na naman ang mananalo," dinig niyang tukoy sa kanya ng isang miron sa DSPC.
Magdilang-anghel ka sana ate! sa isip-isip niya.
Mataman siyang tumingin sa stage. Umaasa na pangalan niya o ang pangalan ng school nila ang babanggitin ng emcee.
"...Calamba Institute!"
Napatalon siya sa kanyang kinauupuan.
"Yesss!" sigaw niya sabay suntok niya sa hangin.
Niyakap siya ng kanyang coach na naglulundag sa tuwa.
"Congratulations, hija! I told you, taon mo 'to! Good luck sa RSPC!" pagbati sa kanya ni Mrs. Santos.
"Thank you po, Ma'am!" pasalamat niya rito.
"Congrats, beshy!" niyakap sabay tili ni Lily, friend at kasama niya sa team TV Broad.
"Thank you. Pero congratulations sa atin!" aniya. She felt oddly humbled. Tinalunton na niya ang daan papunta sa stage para tanggapin ang kanyang medal.
Kinamayan siya at walang humpay na binati. Feeling niya ay nasa cloud nine talaga.
Ganto pala ang feeling. Ang sarap-sarap sa pakiramdam.
She flashed her best smile.MADALING ARAW na at hindi pa rin makatulog si Jhoanna. Kinapa niya ang kanyang smartphone sa side table ng kanyang kama. Hindi niya 'to makapa. Bigla siyang napabalikwas ng bangon.
Where's my phone? aniya sa sarili.
Binuksan niya ang ilaw ng kanyang kwarto.
Tinignan niya sa ilalim ng unan niya at nakita ang nawawalang smartphone.
Napabuntong hininga siya nang malakas.
Aatakihin pa ako sa puso dahil sayo, saloob-loob niya.
Binuksan niya ito at binuksan ang kanyang Facebook. Sabog ang Notifications niya sa walang humpay ng pagbati ng kanyang mga cyber friends. Isa-isa siyang nag-thank you sa comment section.
Ch-in-eck naman niya ang kanyang Messenger. May isang message request siyang napansin. Binuksan niya 'to.
Natutop niya ang kanyang bibig dahil sa nabasa.
Hello, Ms. Robles. I'm Richard, a talent scout/manager. I saw you kanina sa DSPC and you're great! Congratulations, hija! I see the big potential in you. Gusto mo bang maging artista?
Hindi na muna niya ito ni-reply-an kundi in-stalk na muna niya 'to. Mahirap ng ma-scam sa panahon ngayon. Wala siyang masyadong nakita sa Facebook kaya binuksan niya ang Instagram. S-in-earch niya ito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang mga posted pictures nito kasama ang iba't-ibang artista.
Hindi pa siya na-kontento. Ni-research niya pa sa Google kung sino-sino ang manager ng mga artistang kasama nito. At iisa ang lumabas. Walang iba kundi si sir Richard.
Huminga siya nang malalim saka nag-type ng kanyang reply.
Opo. Gusto ko pong mag-artista.
YOU ARE READING
Bini Series 1: Jhoanna - The Team Leader (A FanFiction)
RomanceSince Bini is trending, gawan ko nga ng kwento ang bawat girls. Gawa-gawa ko lang 'to kaya mga blooms 'wag OA, haha! Chareng!