Chapter 50: To Where Everything Starts

20 5 1
                                    

Third Person's POV


“What is the ninetailed imprint?”

Nasa kalagitnaan ng panananghalian ang grupo nina Eos nang pumasok sina Zantania. Pansamantala muna nilang iniwan ang kanilang mga gawain sa salas upang kumain. Naruon na rin si Norn na kaagad sinulyapan ni Misha.

“The living room is in a mess.”  Komento ni Sheia pagkapasok ng kusina. Kumuha na rin siya ng pinggan kasama ni Zantania at umupo sa harap ng hapag-kainan.

“What do you mean by ninetailed imprint, Ate?” nagtataka namang pag-uusisa ni Zeno sa kaniyang nakatatamdang kapatid.

“Oh? I've just heard it from Headmaster. Nakita ko siya kanina, nagmamadaling pumunta sa opisina niya. Naririnig ko siyang paulit-ulit na bumubulong. Kailangan daw nyang alamin kung ano ang white ninetailed imprint at mahanap ang journal ni Neonar Niege. Mukhang bibisita rin siya sa imperial palace upang maka-usapa ng empress at emperor.”  Sagot nito bago sumandok ng kanin at ulam.

“Ano na naman kayang pakulo ni Headmaster?” nangingiwing komento naman ni Syria.

Sinabi mo sa kaniya?!”  Tila nangangambang tanong naman ni Misha. Nagtaka ang kaniyang mga kasama ruon dahil sa inasal nito. Mukhang si Norn din ang kausap nito.

“May problema ba, Misha? Alam ninyo ba ang tinutukoy ni Headmaster?”  Pang-uusisa ni Zeno. Natahimik ang lahat at hinintay ang magiging tugon ng dalawa.

“Hindi ko gusto ang Headmaster na iyon. Hindi rin naman sa hindi ko siya gusto. Alam ko lang kung anong klase siya ng tao. Gagawin niya ang lahat para magampanan ang responsibilidad niya. Siya yung tipo na mababaliw kapag wala siyang kaalam-alam sa problemang kinahaharap ng nasasakupan niya. He value his students more than anything. Makikita mo yun sa kaniya. Yun ang dahilan kung bakit ko ipinagkatiwala sa kaniya ang katotohanan.” mahabang paliwanag ni Norn na mas nagpagulo sa mga kasama niya maliban kay Misha.

“K-Kung yan ang desisyon mo. Hangga't hindi iyon magdudulot ng kapahamakan sayo ay papayag ako. Susuportahan ko iyan.” mahinang wika ni Misha.

Nanatiling walang imik naman ang lahat. Naghihintay ng susunod na mangyayari o sasabihin ni Norn. Tiningnan sila nito isa-isa. Makikita ang pag-aalala lalo na sa ekspresyon ni Eos.

“Okay. I will explain to you about the imprint but first, let's all finish our lunch.”  Anito na marahan namang nagpatango sa lahat bago magsimulang ubusin ang kanilang pagkain.

Each one remained quiet in that moment. Their minds filled with so many things, wandering through possibilities and questions. After their last bite, the twins immediately offered to wash the dishes.

Others, on the other hand, went to the living room, where the unfinished tasks from the professors were scattered. The mix of nervousness and excitement was palpable to everyone. Tila kanina lamang ay hinihiling nilang may marinig mula sa dalaga, ngayon ay heto na sila at hinihintay iyon.

Hindi nagtagal at natapos na rin ang kambal sa paglilinis ng pinag-kainan nilang lahat. Umupo silang magkatabi sa lapag dahil wala ng bakanteng upuan. Ang lahat ay nakatingin kay Norn at hinihintay itong magsimula.

“You can take it slow, Norn.” mahinahon at may pag-aalalang wika ni Eos kasabay ng paghawak sa braso ni Norn. Tumingin dito ang dalaga at bahagyang ngumiti.

“I have always been blessed with wonderful friends. I've never considered myself unlucky because I'm always surrounded by reliable and kind people. No matter where I go, there's always a group of people who are ready to help.” Panimula nito. Bahagyang namula ang mga kaibigan niya dahil ramdam nila ang sinseridad nito sa pamumuri.

The Eternity's Lie 1: Knight's TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon