'Di ako makatulog. Nakatambay na naman ako sa balcony ng apartment ko. Nasa third floor ako kaya ramdam ko yung lamig ng simoy ng hangin. Matagal na akong ganito. Na diagnose na ako na may insomnia ako. Hirap akong makatulog kaya 'eto ako ngayon gising na gising habang tulog ang buong mundo.
Phone Ringing.
Agad akong bumalik sa loob ng apartment ko para i-check yung phone ko. Binuksan ko ito at nakita kong nag-message sa akin si Kate.
Kate: Gising ka pa?
Nag-isip muna ako ng ilang segundo bago ko sumagot sa message niya.
James: Oo eh. Hirap makatulog.
Kate: Tara labas ka. Kain tayo.
Agad akong pumasok sa kwarto ko at kinuha yung jacket kong itim. Sinuot ko yun at agad na lumabas ng apartment ko.
Nakita ko si Kate sa lobby. Naka-upo at nakatingala sa kisame. Agad ko siyang nilapitan.
"Hey." pambungad ko sa kanya.
"Hey." pabalik niyang salita.
"Saan tayo kakain?"
"Um..," nag-isip muna siya. "Sa cafe na lang nearby."
Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad palabas ng apartment complex namin.
Matagal na kaming nagkakilala ni Kate. Katulad ko kasi insomniac din siya. Una kaming nagkita sa elevator ng isang gabi naisipan kong lumabas para maglakad-lakad. Nakasuot siya ng pink na jacket nun at nakatutok lang sa phone niya.
Pangalawa ay nung nakita ko siyang umiiyak sa park malapit sa apartment complex namin. Gusto ko siyang lapitan nun pero 'di ko nagawa. 'Di ko naman kasi siya kilala pa that time.
Pangatlo ay nung nakita ko siya na nakatayo sa kalsada at naliligo sa ulan mula sa apartment ko. Pinuntahan ko siya at pinapasok sa loob. Pinaupo ko siya sa lobby at sinabihan ko yung staff ng complex na ikuha siya ng towel. Umiiyak siya at sinasabi na "Gago siya." Boyfriend niya siguro.
Simula nun ay lagi na kaming nagkikita sa lobby. Niyaya niya akong kumain. Doon ko nalaman na pareho pala kaming insomniac.
Palagi na kaming nag-uusap sa gabi. Minsan sa apartment ko, minsan sa kanya at minsan naman sa labas.
Huminto kami sa harap ng Coffee Shop na madalas namin pinupuntahan tuwing gabi na 'di kami makatulog.
"Same order?" tanong niya sa akin. Tumango lang ako, bago kami pumasok sa loob.
Naupo kami malapit sa window at pinapanood lang namin ang mga taong dumadaan.
"Alam mo..." panimula niya. Napatingin ako sa kanya. "...bakit kaya tayo hirap makatulog no?"
Hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niya. Wala rin kasi akong idea. Sabi ng doctor sa akin ay stress lang daw ako kaya ako ganto, pero may duda ako doon.
Dumating na yung order namin. Isang Tall Cappuccino at Honey Glaze Donut ang kay Kate, habang Iced Americano at Chocolate Cake ang akin.
Humigop siya sa kape niya at tumingin sa labas. Napatingin din ako sa labas. Nakita ko ang ibang tao na nag-aantay ng masasakyan nila, meron din namang nagtitinda ng balot sa gilid.
Napaisip ako kung kapareho sila sa amin o napilitan lang manatiling gising para sa pang araw-araw nila.
"Can I ask you something?" tanong ni Kate.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa bintana. "Yeah, sure." sabi ko.
"Why is life the most beautiful thing in the world, but can be the most hurtful thing?"
I was stunned by her question. Napaisip din ako, bakit nga ba? Bakit ba kailangan na yung mga bagay na maganda ay pwede ring magdulot ng sakit sa atin?
"I think it's because that's just the nature of life." maikli kong sagot.
"So, basically that's just how life is, and we just need to deal with it." sabi niya.
I nodded.
Bumalik na siya sa paghigop ng kape niya at ganun na rin ang ginawa ko.
Nang maubos na namin yung mga inorder namin ay nag-desisyon na kami na umuwi na.
Palabas pa lang kami ng cafe nang biglang bumuhos ang ulan. Pareho kaming walang dalang payong, kaya nanatili na muna kami sa loob ng cafe.
"Napaka-unexpected ng ulan." sabi ko na sinang-ayunan ni Kate. Nakatingin uli siya sa labas at parang malalim yung iniisip.
Bigla kong naalala yung time na una ko siyang kinausap. Yung araw na iniwan siya ng boyfriend niya. Hindi ko masyadong alam yung context ng breakup nila dahil para sa akin sensitive topic na 'yun.
"Alam mo parang panahon lang ang mga tao no?" biglaan niyang sabi. Napakunot bigla yung noo ko.
"Paano mo naman nasabi 'yon?" tanong ko. Humarap siya sa akin at nakita ko yung hinanakit sa mga mata niya.
"Biglaan na lang kasi siyang nagbabago, parang tao na sa una sasabihan ka na mamahalin ka hanggang dulo, pero bigla na lang siyang magbabago."
Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata niya. Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siyang umiyak.
Ilang oras pa ang lumipas tumila na rin ang ulan. Naglakad na kami pa-uwi. Naghiwalay na kami sa lobby ng apartment complex. Umakyat ako sa floor ko at pumasok sa apartment ko.
Napatingin ako sa relo sa room ko. 5:59, one minute to six. Hinubad ko yung jacket ko at naglakad papunta sa balcony ko. Nakita ko ang pagsikat ng araw. Bigla akong may naisip. Agad kong kinuha yung phone ko at pinituran yung araw. Binuksan ko yung contacts sa phone ko at sinend kay Kate yung picture.
James: Kita mo 'yan? Diba parang buhay lang, na kahit gaano man kadilim ay liliwanag din.
Kate: 😊
Napangiti ako sa reply niya. Binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko at pumasok na sa loob para matulog.